Chapter 65

690 33 2
                                    

"Dahil isa kang Ophiuchus," miss.

Nyemas! Hindi talaga matanggal sa isipan ko ang mga katagang iyon, bakit naman ako naging Ophiuchus?

"Tulungan mo ako sa paghanap ng mga kalaban Sky, kapag mangyayari ang digmaang ito, tiyak na maraming masasawing buhay," miss.

Waaah! Para na akong maiiyak nito, nakatadhana ba talagang ako ang sasagip sa aming lahat? Paano ko naman gagawin 'yon?

Ayun hindi na naman ako makatulog, iniisip ko kasi ang posibleng mangyari at kung ano ang dapat kong gawin.

Binabasa ko na naman ang libro na bigay sa akin ni miss Friah, mayroon ngang information about sa Ophiuchus. Ophiuchus is a combination of good and bad? Ito ba ang ibig sabihin ni mama sa akin dati? Na mayroon akong bagay na ako lang ang mayroon sa buong mundo?

Ophiuchus was created in between good days and dark days, therefore this symbol belongs to neutral and the bridge of all zodiac signs.

Sumasakit na ang ulo ko nito talaga. Wala bang simple explanation dito kung bakit ako naging Ophiuchus. Charot.

Mag-aalas tres na ng madaling-araw pero mulat na mulat pa rin ang mga mata ko. Anuna Sky, wala kang balak matulog ha? Gusto mo ba magmukhang zombie sa harap ni Third mamaya?

Pinilit kong makatulog.

Pagmulat ko, oweeeemjiiii taaaanghaaaliii naaaa, wala rin ang mga girls sa higaan nila, bakit hindi nila ako ginising? May tatapusin pa kami sa garden hindi ba?

Agad akong pumunta sa garden, nadatnan ko na naman si Cyrus.

"Hi Sky," tawag niya.

"Oh mukhang busy ka 'ata," tugon ko.

"Eh kasi may pinapagawa si Vita sa akin," Cyrus.

"Vita? Magkaibigan na pala kayo?" ako.

"Oo, siya kasi ang head ng police officials," tugon niya.

"Ah mas maganda nga 'yon," sambit ko at umalis. Tinawag pa niya ako pero hindi ko na sila nilingon pa. Cyrus and Vita huh?

Nakarating na ako sa garden in which busy na busy nga talaga sila.

"Hey missy! Bakit ka pa nagpunta rito, dapat doon ka nalang sa dorm," bungad sa akin ni Oe. Nakasunod din sa kaniya sina Cass at Ara.

"Eh bakit ba kasi hindi n'yo ko ginising?" ako.

"Hindi ka namin ginising kasi alam naming madaling araw ka na naman natulog," Oe.

"Osha! Tara, tara, tara, balik na tayo sa dorm, let's get ready," Ara. Itinulak na niya ako.

"Magpapadeliver nalang tayo ng pananghalian sa dorm," Cass.

Bumalik na kami sa dorm at nagsimula na ang girl ritual para sa event. Ang daming alam na beauty tips ni Cass, malamang siya ang mas kikay sa amin eh.

May ipinakita din si Cass sa amin na apat na  boxes, pula, asul, puti at berde. "Ginawa ko ito kahapon, jewelries na susuotin natin ngayon, sana nga magustuhan ninyo," ani ni Cass.

"Wow! These are so nice Cass, nag-effort ka pa talagang gawin ito?" Oe.

"Bakit kaya hindi ka nalang maging isang jewelry designer Cass?" Ara.

Ngumiti lang siya. "Kasi I have bigger plans for my future," Cass.

Wow sana all.

"It's time for the hair make-over!" Ara.

Tumagal ng anim na oras ang paghahanda naming apat at syempre magsisimula na ang event sa 7pm.

"We all look so gorgeous tonight," Ara.

Tapos na kami sa aming make-over at nakasuot na kami ngayon sa aming mga gowns. Isinuot na rin namin ang jewelries na ginawa ni Cass para sa amin, except sa kwentas ko, hindi ko ginalaw ang kwentas ni Third.

"Let's go," Oe.

Paglabas namin ng dorm, nakita naming naghihintay na pala ang aming mga escort. Wow parang kung saang party aattend ah, ang gagwapo nila.

"Hello Crater, Grus, at Third," bati ni Ara sa kanila.

Parehong nakasuot ng black tuxedo ang tatlo at agad namang iniabot ng mga boys ang kamay nila sa mga partner nila. Magkapartner sina Cass at Crater as expected, tapos sina Ara at Grus naman, tapos ako at si Third. Since wala pa ang kapartner ni Oe, sumabay nalang muna siya kina Grus at Ara. Sabay na kaming papunta ng garden.

Biglang inilapit ni Third ang mukha niya sa tenga ko. "Why do you look so breath-taking tonight?" malumanay na sambit niya. Amp, sarap sa ears. Pati ako na be-breath-taking din sa boses niya.

Pagpasok namin sa garden, parang pang-fairytale ang effects, grabe ang galing talaga ng decoration committee, it's so nice. And this is also the best event I ever have in my life, plus hawak ko ngayon ang braso ng taong mahal ko.

Nagkahiwa-hiwalay na kami ng landas ng mga girls, si Oe rin ay sinundo na ni Reymart, and me I am having a great time with my man.

"Hello lovebirds," bungad ni miss Twinkle sa aming dalawa at may dalang white slip.

Ang ganda ni miss ngayon, nakasuot siya ng purple mermaid style gown, ang cute din ng hairstyle niya.

"You have to nominate a couple for this night, may malaking box sa may stage, ihulog niyo nalang doon, magtatalumpati na rin si sir Polaris mamaya," miss.

Binigyan niya kami ng tig-iisang slip. Nominate your best couple of the night to make this magical event complete? Medyo corny ang line pero sige na nga, bawal na kj.

"Oh and Sky-- meet me at the clinic later pagkatapos ng announcement ng couple of the night ah," miss.

"O-okay po," ako.

Kinalaunan ay biglang may nagpatugtog ng slow music, it sounds romantic at ang ganda pakinggan ng saxophone sa tenga. Nagsitayuan naman ang mga boys para isayaw ang kanilang partner sa gitna.

Kakarating lang din nina Cyrus at Vita. Vita is so pretty tonight, pati na rin si Cyrus na sobrang gwapo ngayon. Dinala ni Cyrus si Vita sa gitna at isinayaw ito.

"Would you like to dance?" Third asked.

"What? No, h-hindi ako marunong sumayaw ng waltz," ako.

"Kumapit ka lang sa akin, at huwag ka nang bumitaw," dagdag niya.

"Grabe siya, kung alam mo lang, ang hirap mo na kayang bitawan," bulong ko.

"Talaga?" sagot niya.

Hinila niya ako nang dahan-dahan hanggang sa makaabot na kami sa gitna ng sayawan. Dahan-dahan niyang inilagay ang kaliwang kamay ko sa kanang balikat niya at nararamdaman ko ring nakahawak na siya ngayon sa bewang ko. And we intertwined our hands as he looked at me directly in the eyes.

"I can't take my eyes off---," Third.

"--you?" pagdugtong ko.

"----of Sky Nunez," dagdag niya.

He made me very speechless, parang lahat ng banat ko sa kaniya nawawala kapag tinitigan niya ako sa mukha. Wow this guy is so amazing, he can make me forget all the bad things happened to me in this life, na parang wala nang ibang iisipin kundi kami lang, na kami lang ang tao sa mundong 'to. I am truly, deeply, wholeheartely in love with you Third Luan.

"Pagkatapos ng Zodiac Circle Ritual, may sasabihin ako sa'yo," Third.

Tumango naman ako.

*---*---*---*

Do not forget to vote for this chapter!

You can use these hashtags:

#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle

See you on next chapter!

-axinng

ZODIAC UNIVERSITY: Meet The Zodiac CircleDonde viven las historias. Descúbrelo ahora