Chapter 36

743 49 2
                                    

Agad akong tumakbo papalayo sa kaniya, bushet sino ba namang mag-aakala na mahahanap niya ako rito?

"Hindi ka na makakatakas sa akin," sambit niya.

Bigla siyang sumulpot sa harap ko kaya agad akong napaatras at natumba, paatras ako nang paatras hanggang sa umabot na ako sa tubig ng healing river, basa na ang pants ko.

At may nagflash sa isipan ko.

"Sky! Remember who you are," wika ng boses sa isipan ko.

"Sky protect your self."

"She is not who you think she is."

"You're just a useless cripple."

"You are more than special Sky."

Kahit anong imahe ang lumalabas sa isipan ko, please not now nasa gitna pa po ako ng peligro, jusme naman!

"Huwag mo nang pahirapan ang sarili mo, sumama ka na sa akin," sambit na naman niya.

Nang makalapit siya sa akin ay agad ko siyang hinampas ng bato at tumakbo palayo.

"Pagsisisihan mo ang ginawa mo!!" sigaw niya at nakita kong lumutang siya sa ere at ang bilis niyang patungo sa akin, mas natakot ako nang biglang lumakas ang hangin.

Naglabas siya ng isang napakalakas na enerhiya na hindi ko pa nararamdaman sa buong buhay ko, ito ba ang kapangyarihan ng Dark Source?

"Flame wreck!!" sigaw niya ay naglabas ng napaka-init na apoy tungo sa akin kaya natumba ako.

Biglang nagblur ang paningin ko, am I going to die?

No, nooo, I won't let him kill me.

Napasangga ako sa kamay ko sa lupa para hindi ako tuluyang madapa sa sakit ng pagkakatama ko sa kapangyarihan niya.

"Lalaking palaban ang anak ko," boses ni mama.

"You are just a low tier," boses ni Vita.

"Ayaw kong mapapahamak ka Sky," boses ni Oe.

"Sky, huwag mong gamitin ang kapangyarihan mo," boses ni Karsten.

"You are someone special Sky," boses ni Principal Evans.

"May tiwala ako sa iyo," boses ni Cyrus.

"I believe you can master your ability in just one month," boses ni sir Polaris.

Bakit ko naririnig ngayon ang mga boses nila? Tama, I didn't trained enough. I am just a useless cripple.

"Huwag kang duwag," boses ni Third.

No Sky, you are not a cripple nor a useless being, you are never like that.

Naglabas ng mga flame blades ang kalaban sa akin kaya nagkasugat-sugat ang katawan ko, I am already bleeding. But I won't be torn down. I will fight.

Biglang nagblur ang paningin ko na parang may kung anong weird feeling ang pumasok sa akin. Tapos may lumabas na maitim na aura mula sa katawan ko. I couldn't resist this feeling anymore, puno ng poot at galit sa puso ko.

And now, all I want to do is to..

kill...

that...

son of a bitch!

Mas lalong lumakas ang aura ko dulot ng naglalakasang hangin ngayon sa paligid namin, nakita ko pa rin ang kalaban na nakalutang sa harap ko. Nag-iinit ang katawan kong kalabanin siya.

"Aaarrggghhh!!" sigaw ko sabay bigay ng lakas sa dalawang braso ko na parang kinokontrol ko ang lupa sa paligid ko.

And then a bunch of sharp edges stones appeared sa paligid ko na sobrang taas na mas mataas pa sa akin, umabot din ito sa kaniya kaya tinamaan siya sa itaas.

"You will never have what you want you motherfucker!" sigaw ko at lumipad tungo sa kaniya habang naglabas ako ng kakaibang energy ball sa kamay ko tungo sa kaniya.

Agad siyang nakadepensa mula rito dahil nakagawa pa siya ng shield barrier sa kaniyang area.

"Ganito pala ang kapangyarihan mo," tugon niya.

Napansin kong sira-sira na ang damit ko at ang daming sugat sa katawan ko, kaya nagself-healing ako. All my wounds are gone and my clothes are good as new.

"Hindi mo alam kung sino ang kinakalaban mo," wika ko.

Pareho na kaming nakalutang sa ere, and I can see myself from the reflection of the water sa ibaba, nakita kong naging kulay dilaw ang mga mata ko.

"Kaya pala sobrang interesado ng kaharian namin sa iyo, lalong-lalo na ang hari," wika niya.

"I don't care about your stupid kingdom!" sigaw ko naman.

Pinapalutang ko ang mga bato sa paligid at itinuon ko ang direksyon sa kaniya at tumama naman ito nang sabay-sabay sa mukha niya. He is now bleeding.

"I am not done with you yet!" ako.

Mas tumaas ako sa kaniya nang isang mabilis na kilos at naglabas ng umaapoy na kidlat mula sa katawan ko, mas pinalaki ko pa ito, handa ko nang ituon sa kaniya pero gumawa na naman siya ng shield barrier.

"Hindi ka makakalapit sa akin!" sigaw niya.

I just gave him a smirk. "Talaga?"

Nag teleport ako papasok sa kaniyang barrier at agad na ibinaling sa kaniya ang sobrang laki ng kidlat na ginawa ko kaya nakuryente siya.

I am having fun watching him die.

And then he fell down to the river pale and cold. Serves you right?

Pagkatingin ko sa baba ay may nakita akong babaeng nakatayo sa di kalayuan ko, bigla akong nahilo bago ko pa man malinaw na makita ang mukha niya. And I saw her walking away.

"Sky!!" sigaw naman ng isang babae na papalapit sa akin.

Biglang nanghina ang katawan ko kaya nararamdaman kong unti-unti itong bumagsak sa lupa.

"Sky! Naku batang ito talaga," wika ng babae habang inalalay akong nakahiga sa lupa.

Sobrang blur na ng paningin ko pero tiningnan kong maigi kung sino ito, si Principal Evans pala.

Mas lalong sumakit ang ulo ko na parang piniga ito nang piniga.

And everything went black.

Pagkagising ko, napansin kong nakahiga na ako sa kama ng apartment namin habang nakangiti naman akong pinagmasdan ng tatlo.

"Nakatulog ka nalang yata habang naghihintay sa amin no?" nakangiting sambit ni Ara.

"We did it Sky, natalo na natin ang Dark Source," wika ni Cass.

Puno ng dumi ang mukha at damit nila na parang kung saan sila galing na nanglilimos. Pero masaya akong makita silang safe.

Napabangon ako nang maalala ko ang bottle kong nilagyan ko ng healing river kanina. Saan ko naman iyon inilagay eh ang layo pa naman ng nilakad ko para makuha lang iyon.

Naalala ko rin na sinugod din ako ng Dark Source kanina. Hala Omg? P-pero anong nangyari pagkatapos non?

Mukhang ligtas naman ako dahil wala akong sugat sa katawan.

And also naalala kong kausap ko pa si Gino kanina.

Pero hindi ko na maalala kung anong nangyari pagkatapos ng pagkuha ko ng tubig sa healing river hanggang nakarating na ako sa apartment. Ano nga bang nangyari?

*---*---*---*

Do not forget to vote for this chapter!

You can use these hashtags:

#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle

See you on next chapter!

-axinng

ZODIAC UNIVERSITY: Meet The Zodiac CircleDär berättelser lever. Upptäck nu