Chapter 60

681 36 1
                                    

"THE DAY HAS CONCLUDED FOR THE FINAL WATER ELEMENTAL WARRIORS," announce pa ng nasa loob ng training grounds.

Agad akong kinaladkad ni Third sa walang taong hallway para sitahin ako. "Bakit hindi ka pumunta?" galit pa nito sa akin.

"Ah ngayon ba iyon?" tanong ko.

"Nakalimutan mo?" aniya.

Naniwala siya? Tumango nalang ako. "Alis na ako ah, may gagawin pa kasi ako--," hinawakan niya ang kamay ko bago ko pa matapos ang sasabihin ko. Tumingin ako sa kamay niya at sa kaniya. "What are you doing? Let go!"

Napakunot lang siya ng kaniyang noo habang tinitigan ang mga mata ko.

"Nanalo ka ba?" dagdag ko pero hindi siya kumibo. "Syempre nanalo ka kahit wala ako, hindi naman talaga ako ang totoong lucky star mo, hindi ba?" sungit ko.

Tumingin siya ngayon sa leeg ko, "bakit mo hinubad? Ano bang problema? Bakit ka ba nagkakaganito?"

Hindi ko napigilan ang sarili ko na sampalin siya. Sinampal ko siya nang napakalakas. Ibinalik niya agad ang tingin niya sa akin, looks confused. Nasa puso ko pa rin ang poot. Ginawa niya akong tanga.

"Ang totoong lucky star mo ay matagal nang namayapa," sumbat ko sa kaniya. I can feel something fell from my right eye.

"What are you talking about?" sagot pa niya.

"Are you playing dumb? Alam ko na ang katotohanan Third. So kamukha ko ang ex mo ganun ba? Well, I am not a fucking replacement of her," tugon ko.

"Are you talking about Karsten?" tugon din niya.

"How could you?!" sigaw ko.

"I understand kung galit na galit ka ngayon, and I can't find the right words to say para hindi ka lalong magalit sa akin," tugon niya.

"You used me, ginawa mo akong panakip butas--!!" sigaw ko.

"I love you Sky," Third.

Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko sa mga mata ko.

"--and now you have the guts to still lie to me?" ako.

He kissed me.

I can also see his tears fell.

"Hindi ako nagsisinungaling, mahal kita, --hindi dahil kamukha mo si Karsten,-- mahal kita Sky," Third.

Nararamdaman kong kumalma ang sarili ko. Ang sakit sa puso ko ay napalitan ng saya. I am normal again. I can feel my random emotions again.

"T-Third," ako. Hinawakan ko ang kamay niya.

"--You already came into my life and into my heart before Karsten did," dagdag niya.

Natigilan ako, "Wait, you remember?"

Tumango siya. Ngumiti. "Oo, noong pumunta tayo sa Zodiac High."

I left speechless. Hindi ko mailalarawan ang saya ng puso ko ngayon.

"Pero bakit mo hinubad?" tanong niya. Nakatingin sa leeg ko.

Ah, o-oo ang kwentas nga pala. Pambihira talaga tong mood swings ko, nadadala ako sa emosyon at nagwawala nang wala sa lugar.

"Ito ba?" inilabas ko ang kwentas na inilagay ko sa bulsa ko. Kahit pa man nawala ang humanity ko, hindi ko pa rin magawang itapon ito.

Isinuot niya ulit ang kwentas sa leeg ko.

"Attention water zodiac circle members, please proceed to the principal's office immediately," announce.

"May nagyaya naba sa'yo sa Zodiac Anniversary Night?" Third.

"W-wala pa," ako.

"Good, kasi dapat ako lang," dagdag niya.

Nanlaki ang mga mata ko. "H-huh?"

"Kapag may nagtangkang magyaya sa'yo sa Zodiac Night, sabihin mo may nagmamay-ari na sa'yo, at ako 'yon," Third.

Wait? What?

Umalis na siya at nagpunta sa principal's office.

Kinalaunan, nakita ko na naman si miss Twinkle. Magkaibigan sila nina mama dati kaya pala ang gaan-gaan ng pakiramdam ko sa kaniya.

"Tulungan mo akong dalhin ito sa Principal's office dear," miss Twinkle.

"Yes po," ako.

Ang dami naming dalang documents. Nakasilyado lahat kaya hindi ko alam kung ano ang mga 'to.

"Miss may kilala po ba kayo na Meggan Nunez?" tanong ko sa kaniya.

"Meggan Nunez? Oo, may kababata akong Meggan Nunez dati. Wait, magkaanu-ano kayo?" miss.

"Mama ko po siya," ako.

"Talaga? I didn't know Meggan has a child," miss.

"Nagtatago pa kasi kami dati dahil sa isang tao na bigla nalang sumusulpot para kunin ako," ako.

Nakarating na kami sa Principal's office, mukhang nasa mini-room sina sir Polaris nagmemeeting. Nadatnan naman kami ni Cyrus na pumasok din sa loob at inilapag niya ang wooden box sa itaas ng isang kabinet.

"Mukhang busy po kayo, alis na po ako," pamamaalam niya. Nagsmile pa siya sa akin, oo nga pala, nagtatalo kami ni Cyrus kahapon sa itaas ng building.

"Halatang may gusto siya sayo," ani ni miss.

"Ah t-talaga po? Hindi ko napansin," pagdedeny ko pa.

"So have you already decided kung sino gusto mong i-partner sa anniversary night?" miss.

Pinilit kong ibahin ang usapan, "A-ah ano po 'yang nasa loob ng wooden box?"

"Ah ito ba?" kinuha ni miss ang wooden box. "Isang puting crystal," dagdag niya.

Binuksan ni miss ang wooden box na akala ni Cyrus ay hindi nabubuksan. Isang puting crystal nga ang nasa loob, parang hugis puso ito.

"Ito ang ating Dark Source detector, kapag may isang taga Dark Source na malapit sa crystal na ito sa loob ng tatlong metros, iilaw ito," miss.

"Ah 'yan po ang nakapagdetect kay miss Friah?" ako.

"Oo Sky," miss.

Ibinalik na ni miss ang crystal sa loob ng wooden box. "So, wanna have ice cream later?" yaya ni miss.

"Sama ako," singit ni Third na kakalabas lang ng mini-room kasama sina Vita, Ara at sir Polaris.

"Ako rin!" sabay din ni Ara.

"Okay let's go!" miss.

Tumingin lang si Vita sa akin, para na tuloy akong naguiguilty sa ginawa ko sa kaniya. Wala na siyang ibang sinabi at lumabas na ng office.

"Sir Polaris, kompleto na po lahat ng dokumento na pinapagawa mo sa akin," wika ni miss.

"Ah, maraming salamat miss Twinkle," sir Polaris.

"Ah sir naalala mo ba iyong sinabi ko sa iyo na estudyante last last month, iyong may passive ability, ano na pong nangyari sa kaniya?" tanong ni miss Twinkle.

"Ah, iyon? Pinatransfer nalang muna natin siya sa Zodiac High," sir Polaris.

"Oh sayang naman, tara na students let's grab some ice cream!" miss Twinkle.

"Yey!" Ara.

*---*---*---*

Do not forget to vote for this chapter!

You can use these hashtags:

#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle

See you on next chapter!

-axinng

ZODIAC UNIVERSITY: Meet The Zodiac CircleUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum