Chapter 46

747 43 2
                                    

Late na kaming pumasok sa classroom, and I saw other diamond rankers na sobrang formal ngayon, unlike noong una akong nakapasok sa high-tier class ay ang wild nila pero ngayon napakabehave nilang lahat.

Only one student per table lang, hindi katulad sa bronze na may katabi ka. Ka-column ko ngayon sina Oe, Ara at Cass sa right side ng room, pinakauna si Ara, sunod si Cass, sunod si Oe, at ako ang pinakahuli ng column.

Sobrang laki ng classroom ng diamond ranker, eh kasi naman 100 plus na kaming diamond ranker hindi ba? Sobrang dami.

Nakita ko si Third na nakaupo sa may gitna ng room, katabi niya si Vita, at pinakagilid naman si Blu.

Tumingin si Third sa direksyon ko kaya ngumiti ako, pero dedma lang niya huhu. Hindi ba niya nakita ang hairstyle ko? Bago ang style ko ngayon eh, tch bahala na nga siya, basta I feel great today.

"Hi classmate pwede ba ako umupo rito?" tanong ng isang lalaki sa gilid ko pero hindi ko na 'yon pinansin, nakakabadtrip kasi ako kay Third.

"Nice to meet you," dagdag niya at bigla niyang iniabot sa akin ang kamay niya kaya napalingon na ako sa kaniya.

"Cyrus?" gulat na tugon ko.

"Hi," bati niya tapos ngumiti na naman na kita ang dimple niya. Agad ko siyang niyakap dahil ngayon ko lang ulit siya nakita simula noong nakipaglaban siya kay Gino.

Napatingin sa amin ang lahat ng kaklase namin, pero balewala ko lang iyon, na miss ko kasi ang gagong ito.

"Teyka? Ba't ka nandito?" tanong ko.

Wait naalala ko, oo nga pala naging diamond din si Cyrus nang gumamit siya ng fire element kay Gino. But how did he--?

"A responsibility yata, kasi diamond na ako eh," tugon niya.

"Pero masaya ako na magkaklase pa rin tayo," dagdag ko.

"Yep, kaya lang mas nauna pa ako sa'yo sa klase na ito, ikaw kasi, ang tagal mong nagpahinga," tugon niya.

Tama, dahil sa one week quarantine ni miss Twinkle sa akin, nagsisimula na si Cyrus na pumasok as diamond ranker.

"Good morning class!" bungad ng kakapasok na teacher.

Omg, si miss Friah, seryoso? Siya ang unang guro namin ngayon?

"I see we have a new diamond ranker, come here Sky," aniya niya.

Hala afatay, hindi naman kailangan na ipapakilala ako sa buong klase, nakakahiya na. Pero dahil malaki ang respeto ko kay miss, tumayo na ako at pumunta sa harap.

"This is Sky Nunez everyone, alam kong iilan sa inyo ay kilala na si Sky, but please be good to her," wika niya.

Rinig n'yo 'yon high rankers? Please be good to me raw, hahaha pero ang mga mata ni Vita sa akin parang mangangain ng tao.

"I will be your teacher for the first two hours," dagdag ni miss.

Nginitian ko siya at bumalik na ako sa upuan.

"Magkakilala kayo ni miss Friah?" biglang tanong ni Oe sa akin.

"Oo naman, bakit?" ako.

"Weird, kasi as far as I know hindi siya mahilig makipaghalubilo sa mga estudyante," tugon niya.

"Oh? Really weird," ako.

Talaga? Si miss hindi friendly sa students? Pero friendly kaya siya sa akin.

"We will continue our discussion about the four elements," wika ni miss.

Naglabas ng mga illusion trick si miss Friah sa harap, gumawa siya ng apat na crystals na ang kulay ay red, blue, white at green.

"In our hierarchy, the red one or the fire element comes first since it is the strongest element of all, but in reality all four elements are equal and they are binded by only one thing--," miss Friah.

Gumawa na naman siya ng panibagong crystal na kulay yellow.

"--and it is love," dagdag niya.

"Love is the powerful magic of all, it can build or it can destroy," miss Friah.

Tama si miss, love did bind all four elements, love binded us Oe, Cass and Ara. We were brought together by love. We grew and we learned. Love is very amazing, but not everything is favorable with love, kahit gaano pa kasaya ang dulot ng pag-ibig ay ganoon din kasakit ang kapalit nito.

Just like losing a friend and a family.

"Everything is possible in love," miss Friah.

"No miss, love has also limitations," biglang singit ni Crater.

"Bakit mo naman nasabi?" tanong ni miss Friah.

"Not everyone has happy endings because of love," tugon ni Crater.

"Are you cursing love because of it?" miss Friah.

"Love is also cruel to handle," singit din ni Cass.

"It is true dear, love is truly cruel but it doesn't mean it is dangerous," miss Friah.

"Totoo naman po," Cass.

"So is that why you are holding back? because of it?" tanong ni miss Friah.

"Ang hirap labanan ng pag-ibig, pero kinakailangan din tayong matuto sa hakbang," Cass.

"Kaya po hindi lahat posible sa pag-ibig," Crater.

Nagtinginan ang dalawa. Naku naman ang lovebirds, bakit kaya hindi nalang maging kayo ulit? Sayang talaga.

Napangiti lang si miss Friah sa kanilang dalawa. "Huwag kayong huminto sa bagay na akala niyo lang, baka mali ang daan na tinatapakan ninyo ngayon."

Baka nga no? Na mali ang daan na tinatapakan ko ngayon sa pagkakagusto ko kay Third. Crush out ka na ba sa akin Thirdie?

Tapos na ang lecture ni miss Friah kaya in 30 minutes may bago na naman kaming guro.

Lumabas muna ako para mag-cr, pagbalik ko nakita ko si Blu sa labas ng classroom.

"Okay ka na ba?" tanong ko sa kaniya bilang isang concerned friend.

Pero hindi niya ako sinagot, bakas sa mukha niya ang kalungkutan nang mawala sa kaniya si Gino. But I have a duty to keep, sasabihin ko sa kaniya ang gustong iparating ni Gino sa kaniya, in right time.

"Yeah, you can sneak into someone's lover but you cannot sneak into someone's friend," wika ni Vita na kanina pa pala nakapansin sa akin.

She flipped her hair again, mataray na naman siya sa akin. Well, of course she can do that kasi nagseselos siya, she even nearly killed me before. Pero kahit ganoon siya, wala akong lakas na lumaban sa kaniya.

*---*---*---*

Do not forget to vote for this chapter!

You can use these hashtags:

#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle

See you on next chapter!

-axinng

ZODIAC UNIVERSITY: Meet The Zodiac CircleWhere stories live. Discover now