Chapter 31

811 47 2
                                    

"O sha! Hindi ko na kayo patatagalin pa rito, i-to-tour na muna kayo ni mr. Axis sa buong school, may gagawin pa rin kasi ako," sagot ni Principal Evans.

Bumalik siya sa pag-upo at nagsimulang magsulat sa nakalapag na isang pile na mga bondpapers.

"Ah..," ako.

"Yes, Sky? May kailangan ka?" Principal Evans.

"Kilala n'yo po ako?" ako.

"Oh dear," Principal Evans. Naging pag-alala na ngayon ang mukha niya sa akin.

"What did Meggan do to you," tanong niya.

Napakunot nang konti ang noo ko. Meggan? Pangalan ni mama 'yon ah. Wait? Kilala niya rin ang mama ko?

"Have you been into this school Sky?" Oe.

"That useless cripple been into this school? What a joke," sumbat ni Vita.

"Kilala n'yo po ang mama ko? Alam n'yo po ba kung anong nangyari sa kaniya?" desperada kong tanong.

Pero naputol ang pag-uusap namin nang may bumukas sa pintuan ng opisina.

"Principal Evans nandito na po ako para i-tour ang mga bata," bungad ng kakapasok na isang machong lalaki na may balbas.

"Y-yes please do mr. Axis," tugon ni principal sa lalaki. Tumingin naman siya sa amin, "it's already passed 9, since half day lang kayo rito, wala tayong dapat na sasayanging oras, punta kayo si mini-resto mamayang 12 para sa lunch," Principal Evans.

"Sundan ninyo ako," mr. Axis. Isa-isa na kaming nagsi-exit sa opisina. Medyo naguguluhan talaga ako pero iniyuko ko nalang ang ulo ko.

"Sky," Principal Evans.

"P-po?" tugon ko.

"We can talk later, okay?" tugon din niya.

"O-okay po," tumango na ako sa kaniya.

Dinala na kami ni mr. Axis sa harap ng may malaking statue na hugis babaeng may pugot ulo. Parang icon yata ng school gaya ng ibang normal na unibersidad. Nakapalibot nito ay tubig na may naglalakihang mga Koi.

"It's so weird kasi nakalimutan ko na talaga ang mga lugar-lugar ng Zodiac High," Ara.

"Oo nga eh, pati mga naging kaibigan ko dati, hindi ko na rin matandaan," Cass.

"Magsisimula tayo sa sentro ng paaralan, ang estatwang iyan ay estatwa ni Apprentice Canopus noong unang panahon," mr. Axis.

"Bakit po walang ulo?" tanong ng babaeng nasa likuran namin.

"Nasira kasi ito dahil sa digmaang nangyari 500 years ago laban ang mga taga Dark Source, at walang niisang tao rito na nakakaalala o nakakaalam sa mukha niya," mr. Axis.

Nagsimula na siyang maglakad at ipinapakilala sa amin ang iba't-ibang lugar sa loob ng paaralan.

"Dito ang music room ng mga bata," mr. Axis.

Kalahati ng grupo namin ay hindi pa nakapunta rito kaya naaaliw sila sa tour namin, at pari na rin ako.

"Aww tingnan mo ang cute ng mga bata," puri ni Ara.

Yung school uniform nila, familiar sa akin.

"Tapos dito naman ang ampitheatre," mr. Axis.

Naalala ko ang school na ito sa elementary school ko dati, may pagkakahawig talaga ng lugar at daanan, kaso public school iyon, private school naman ito, ang saklap lang din kasi nakalimutan ko na rin kung sino nagpapaaral sa akin dati noong naging ulila ako, parang sobrang opposite namin ni Principal Evans kasi kahit matanda na siya ay nakakaalala pa rin siya sa mga bagay-bagay samantalang ako ay makakalimutin.

ZODIAC UNIVERSITY: Meet The Zodiac CircleWhere stories live. Discover now