Chapter 12

1K 79 6
                                    

*** Photo above is Grus Mason ***

*---*---*---*

Napansin kong bihira nalang akong nakaramdam ng pagod, bakit kaya? napansin ko rin na palaging active ang katawan ko lalong-lalo na sa gabi kaya hindi ako masyado makatulog nang maayos at kung makakatulog naman ako eh mananaginip ako ng kung anu-ano. Saan na ba ako lulugar?

Whole day sa training grounds sina Oe, Ara at Cass kaya ako lang mag-isa ngayon na pagala-gala sa building namin, tapos sa afternoon nalang kami nagkikita ni Cyrus. Alam kong darating din ang araw na ito na ako na naman maiwan mag-isa.

Pero! on the bright side, makakapagpractice akong maigi sa aking ability na ako-ako lang, but now papagurin ko muna ang sarili ko para makatulog ako nang mahimbing mamaya.

Imbis na gagamit ako ng elevator ng school, gagamit ako ng hagdan. Minsan lang din naman akong may nakasalubong na estudyante na dumadaan sa hagdan kaya peaceful lang ang buhay ko.

On my way to my afternoon classroom, pero mukhang napaaga ako ngayon, pero hindi bale na, mas mabuti na ang maaga kaysa sa sobrang aga wahahaha!

Papataas na ako tungong 11th floor pero may nakasalubong akong lalaking estudyante na pinupulot ang nagkalat na mga bondpapers. Agad ko naman siyang tinulungan.

Wait! he's Crater's friend right? Pero hindi ko alam pangalan niya.

"Maraming Salamat Sky," pasalamat niya sa akin.

I just gave him bakit-mo-ako-kilala look, tapos tumawa siya na parang nagegets niya ang ibig kong sabihin.

"Ako si Grus, ka batchmate ko sina Oe, Ara at Cass," pagpapakilala niya.

"Ahh, pasensya ka na Grus, hindi ko kasi kilala ang ibang students dito sa school kasi one month palang akong nandito." Nyemas, para akong tanga sa sagot ko. Sino ba namang estudyante na kilala lahat ang school mates niya?

"Yeah I remember you, I already know you since the day you got here, kasi ako ang nag-eencode ng mga students' information sa database ng school," tugon naman niya.

"A-ahh ganun ba," ako.

"Salamat ulit," sabi niya tapos nag-smile.

"Saan ka nga pala patungo?" tanong ko.

"Papunta ako sa 11th floor kasi ibibigay ko itong mga papers kay Miss Lydia for counseling, urgent matter kasi," tugon niya.

"Ganun? Doon din ang destinasyon ko kasi instructor namin ngayon si miss Lydia," ako.

Tiningnan niya ang badge ng logo ko.

"Sabay nalang tayo," anyaya ko sa kaniya.

"One month ka na dito pero bronze ka pa rin?" biglang epal ng lalaking pababa ng hagdan.

Si Third pala.

"Sky Nunez? Am I right?" bati ni Third.

Hindi siya nakasuot ng uniform, naka white polo lang siya at black slocks tapos naka-blue loafer shoes.

"Mabuti naman naalala mo na ang pangalan ko," react ko.

"Magkakilala kayo?" tanong ni Grus sa amin.

"Hindi," tugon ko kay Grus.

"Naalala ko nga, pero hindi pa ako tapos sa iyo," tugon ni Third sa akin.

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Nakikinig lang si Grus sa amin pero ako, ayoko nang magtagal dito lalo na't nandito si Third. Ewan ko pero nababad trip talaga ako sa kaniya.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at wala akong ibang choice kundi ang dadaan sa kinaroroonan ni Third kasi papunta ako sa 11th floor, tapos bigla naman niya akong hinawakan sa braso.

"Anong zodiac sign mo suplada?" tanong niya.

Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy sa paglalakad. Pero hinila niya ako pabalik sa kaniya.

"Ano ba?!" sigaw ko.

To the rescue sa akin si Grus, inalis niya ang kamay ni Third na mahigpit na nakahawak sa braso ko.

"Third, stop," sumbat ni Grus.

"Ewan ko ba kung anong problema ng kaibigan mo sa akin eh," sabi ko naman kay Grus.

"Third, ano bang problema mo kay Sky?" dagdag ni Grus.

"Wala ka ng pakialam doon Grus, may atraso lang sa akin ang babaeng ito," sagot ni Third.

"HA?" react ko.

"Naging matigas na rin ang ulo mo," Grus.

"Fine! I'll let it pass for now," sagot ni Third at itinulak si Grus, binigyan naman niya ako ng death glare bago siya bumaba tungo sa kung saan.

"Pasensyahan mo na iyon, hindi ko talaga alam kung bakit nagkakaganoon na si Third," Grus.

"Ako, alam ko kung bakit siya naging ganoon, dahil kay Karsten, iyong ex-lover niya," tugon ko.

"May ex-lover si Third?" gulat niya.

"Hays pati close friends niya, hindi niya pinagsabihan tsk tsk," bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa curious na si Grus.

"Tara na," dagdag ko.

Umakyat na kami tungo sa 11th floor, tapos pumasok na kami sa classroom ko, wala pang niisang student sa loob.

"Ilalagay ko nalang ang papers sa mesa ni miss," sabi ni Grus, tumango naman ako.

Lumapit ako sa bintana ng classroom para makalanghap ng fresh na hangin mula sa labas, sayang nga lang dahil hindi ko masisilayan ang mga bundok o karagatan na usually makikita mo sa mga matataas na building na ganito kataas, eh kasi naman ang taas din ng pader ng school na ito. Bawal na nga kami lumabas, bawal din namin masilip kung ano ang nasa labas ng campus.

"Can I tell you something Sky," biglang pinutol ni Grus ang moment ko sa bintana.

"O sure, ano yon?" ako.

"Third is usually shy with girls, mukha lang siyang suplado pero alam ko na buong ugali nun," Grus.

Tiningnan ko naman siya, "Okay, but ano namang meron doon?"

"Kasi nagiging childish siya sa mga taong gusto niya," Grus.

"I don't get it pero okay, thanks for the info," ako.

"You're a leo right? Alam mo ba ang Leo ang may pinakamalakas na zodiac power sa lahat? So I hope na maitaas mo ang rank mo as soon as possible dahil gustong-gusto kong makita ang kapangyarihan ng Leo," sabi niya.

"I am trying, pero hindi ko alam kung paano," ako.

"Hindi bale na, darating din ang araw na masali ka sa diamond rank, I believe it," dagdag niya.

Para akong nagoosebumps sa sinabi niya.

"Bye Sky, see you later," pagpapaalam niya tapos lumabas na siya nang tuluyan.

Umupo na ako sa seat ko at sumandal para mag-nap.

Kinalaunan ay isa-isa nang nagsidatingan ang mga kaklase ko, at nakita ko ring kakapasok lang din ni Cyrus na may dala-dalang milkshake, kung hindi libro ang inaatupag, umiinom naman ng milkshake.

*---*---*---*


Do not forget to vote for this chapter!

You can use these hashtags:

#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle

See you on next chapter!

-axinng

ZODIAC UNIVERSITY: Meet The Zodiac CircleWhere stories live. Discover now