Chapter 54

707 37 0
                                    

Kinabukasan, ang bigat ng mga mata ko at ang sakit ng ulo ko. Hindi kasi ako nakatulog dahil sa resulta ng Zodiac Circle kahapon. Bakit all of a sudden, nasali ako?

Sobrang tamlay kong palakad-lakad sa hallway na parang zombie dahil sa itim ng eyebags ko.

"Galingan mo ah," boses ng nakasunod sa akin kaya napatingin ako.

Ngiti ni Cyrus ang bumati sa akin, teyka? bakit niya nagawang pumansin sa akin? Hindi ba siya na-aawkwardan? Malamang, ako lang na-aawkwardan sa aming dalawa. Hindi ako makareact nang maayos kasi sobrang lutang ng isipan ko ngayon.

"Huwag kang umatras sa laban, alam kong may attitude ka na ayaw kumakalaban sa kaibigan, lumaban ka Sky, harapin mo si Blu," wika niya.

Natamaan ako, kasi muntik ko na ring naisipang umatras sa laban.

"Show us what you got, it's time to showcase who you are," dagdag niya.

Salita lang siya nang salita nihindi niya ako binigyan ng pagkakataong sumagot sa kaniya. Umalis na rin siya pagkatapos. But I still feel happy dahil pinansin pa rin ako ni Cyrus like the old times.

Napadaan ako sa bulletin board dahil ang dami ring estudyante ang nakapalibot dito.

"H-hi Sky," bati ng mga estudyante sa akin. Nasa silver at gold ang kanilang rank. Ah oo nga pala, kilala nila ako dahil candidate ako sa Zodiac Circle.

"Anong meron?" tanong ko.

Mukha kasing excited sila habang nagbabasa sa poster na inilagay sa board.

"Last day of the month na kasi mangyayari ang Zodiac Anniversary Night kaya excited kami," tugon ng isang babaeng estudyante.

"Anong meron?" ako.

"Parang prom sa normal schools, pero tinawag din iyon na Coronation Night ng mga Zodiac Circle members," tugon niya ulit.

"Ah ganoon ba?" ako.

"Galingan mo Sky ah, we are rooting for you," ani nila.

Mas lalo na tuloy akong nagiguilty na umatras. Sa tingin ko, hindi dapat ako aatras, it's time to fight back. Hindi lahat ng estudyante ang binigyan ng pagkakataong masali sa ganitong kompetisyon, I should be thankful. And besides, ayoko ring masayang ang pag-eensayo namin ni miss Twinkle.

Umalis na ako sa bulletin board area, bigla namang tumunog ang announcement.

"Attention everyone, here is the schedule of the Zodiac Circle Tournament, day one will be catered by the signs under Air element, day two will be catered by signs under Earth element, day three will be catered by signs under Water element, and day four will be catered by signs under Fire element," announce.

So pang-last ako. Una si Oe.

"For clearer view of schedule, it will be posted later at the bulletin board," announce.

Nagpatuloy ako sa paglalakad, hahanapin ko nalang sina Oe kung nasaan sila ngayon.

Nasa diamond building na ako, pero wala sina Oe sa classroom namin. All diamond rankers kasi ngayon ay walang masyadong seryoso na klase hanggang sa matapos ang Zodiac Circle Tournament.

"Should I do this or not?" narinig ko sa isipan ko ang boses ni Blu.

Si Blu? Narinig kong nagtetelepathy siya ngayon, binuksan niya ulit ang chakra niya, pero hindi niya sinadyang makipag-usap sa akin, bakit ko kaya naririnig ang iniisip niya ngayon?

"Gino? Where are you? I miss you so much!" pagpatuloy niya.

Ah kaya ko pala naririnig kasi binuksan niya ang chakra niya para sa lahat. Pero nasaan kaya siya ngayon?

Hinanap ko kung nasaan si Blu. Pero huminto ako nang makita ko siyang nakatayo sa may railings ng balcony sa isang lobby ng building namin.

"Blu! Ano bang ginagawa mo riyan! Bumaba ka nga!" Sigaw ko.

"Stay away!" sigaw niya. Parang tatalon siya mula sa kinatatayuan niya.

"Kahit pa man lalapit ako o hindi tatalon ka pa rin naman," ako.

"Umalis ka nga dito, iniistorbo mo ako eh," Blu.

Nasaan ba si Vita? Kay Vita lang kasi ito makikinig.

"Is it about Gino?" ako.

"Shut up! Wala kang alam tungkol kay Gino," tugon niya.

Suplada rin itong si Blu eh. Magkaibigan nga talaga sila ni Vita.

But still I have a duty to keep, hindi sana ito ang tamang pagkakataon pero wala akong ibang choice.

"I said stay away!" sigaw niya.

Bigla siyang naglabas ng apoy sa paligid niya para hindi ako makalapit.

"Isa rin akong fire elemental user kaya hindi tatalab sa akin ang ganito," ako.

Lumapit pa rin ako sa kaniya.

"Bakit ba ang tigas mo?" Blu.

"Bakit? Tatalon ka? Sa tingin mo ba gusto ni Gino ito?" ako.

Tumingin siya sa akin. Her eyes are filled with tears. Sobrang pula na rin ng ilong niya, she's still crying until now.

Bigla siyang tumalon pero agad ko namang nahawakan ang kamay niya.

"What the heck are you doing! Let go of me!" sigaw ni Blu.

"No! Don't do this Blu, Gino doesn't want this for you," ako.

"Who are you to talk about Gino?" Blu.

"J-just climb back up okay para ma-explain ko nang maayos," ako.

"Bitch!" Blu. Naglabas siya ng kakaibang ability sa kamay niya tungo sa akin pero hindi na niya ito itinuloy.

"Blu, ang pinakamamahal kong Blu, I-I guess hindi na kita maidala sa paborito mong lugar gaya ng pangako ko sa iyo, sinabi ko naman sa iyo na huwag kang umiyak hindi ba? Sayang hindi ko na magalaw ang braso ko, hindi ko mapunasan ang mga luha mo, mahal na mahal kita Blu." telepathy ko sa kaniya. Dahil sa ginawa ni miss Twinkle sa ulo ko, naaalala ko ang mga bagay na dapat kinalimutan ko na.

"What is this?" tanong ni Blu.

"Gino said that before he died, but he did not get the chance kasi isinara mo ang chakra mo," ako.

"How did you know about telepathy?" siya.

"Gino taught me, Blu, Gino really liked you, he was excited pa nga noong sinabi niya sa akin na magco-confess na siya sa iyo pero hindi iyon nangyari dahil sa Dark Source," ako.

"Gino l, I really like Gino, he was the only one who didn't left me ever since when we were kids," tugon niya at napaiyak ulit.

"Don't do this Blu, I bet Gino wants you to live life happier than when you were together," ako.

Bigla siyang bumitaw sa pagkakahawak ko kaya nanlaki ang mga mata ko, nakita kong nagsmile si Blu sa akin bago siya tumama sa mga halaman sa baba. Mabuti nalang may mga halaman sa ibaba, pero nawalan ng malay si Blu.

"What the hell are you doing!!" sigaw ni Vita sa likuran ko. Bigla niya akong nilabasan ng ultra water splash kaya tumalsik ako sa pinakagilid ng railings.

"Blu!" sigaw niya. Binigyan niya ako ng death glare. "You bitch! Playing dirty tricks! Attacking my friend behind my back!"

She trapped me with her water ability gaya ng ginawa niya sa akin dati, hindi ako makakahinga sa loob hanggang sa mawalan ako ng malay.

*---*---*---*

Do not forget to vote for this chapter!

You can use these hashtags:

#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle

See you on next chapter!

-axinng

ZODIAC UNIVERSITY: Meet The Zodiac CircleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon