Chapter 24

879 52 0
                                    

Sa training grounds..

"Ang lindol kanina ay dulot lang ng natural na pangyayari," bungad ni miss Lydia sa amin. Naka bun na naman ang tali ng kaniyang buhok at nakasuot siya ng black formal attire.

Kagaya ng sinabi ni miss Friah, wala kaming dapat na ipag-alala, at tutal safe naman sa school namin.

"Magsipaghandaan kayo para sa challenge ninyo ngayon mula sa akin," miss Lydia.

Mahilig talagang magpapatrivia si miss Lydia kahit papaano. I know she's doing the best she could para mailabas din namin ang aming ability and unfortunately matatapos nalang ang one week schedule niya sa amin ganun pa rin kami.

"Fall in line! Hindi fall in your classmate," miss Lydia.

Inilapag niya ang isang kahon sa mesa na nasa harapan niya.

"Bumunot kayo nga numero rito at kung sino ang kapareho ninyong numero ay iyong makakalaban mamaya," miss Lydia.

"Anooo?"

"Hala?"

"Real quick?"

Laban? Ibig sabihin maglalaban kami? Seryoso ba 'to? Magkakasakitan kami nito. Sana lang hindi si Cyrus ang makakalaban ko, kasi ayokong makasakit sa kaniya.

"Fall in line class!" miss Lydia.

Pumila na kami sa aming magiging numero.
Pagkabunot ko, number 17 ako. Sino kaya ang isa pang number 17.

"At ito ang maglalaban ngayon," sabi ni miss Lydia sabay pakita sa amin ng tournament board sa list of names na maglalaban.

1 Marc vs Eve, 2 Jean vs Lin, 3 Cyrus vs Kris, 4 Claire vs Shelanne, 5 Demmy vs Joshua, 6 Harvey vs Gen, 7 April vs Novy, 8 Christhel vs Mayvil, 9 Sophia vs Ava, 10 Cherry vs Che, 11 Lyster vs John, 12 Chloe vs Honey, 13 Nellah vs Arden, 14 Cristy vs Jenie, 15 Juvelyn vs Chan, 16 Alfie vs James, 17 Sky vs Mika, 18 Ivy

"At dahil walang kalaban si Ivy, she will be automatically moved to the next round," miss Lydia.

So si Mika pala ang una kong makakalaban, kung sino man ang mananalo sa aming dalawa ang siyang makakalaban ni Ivy na naghihintay sa next round.

"Galingan mo ah!" cheer pa sa akin ni Cyrus.

Masaya ako't hindi siya ang una kong makakalaban.

"Ang mananalo sa challenge na ito ay may surpresa mula sa akin," dagdag ni miss Lydia.

Biglang lumitaw ang labing-pitong bilog na fighting ground sa gitna ng training grounds. Maliliit lang ang mga ito parang fighting ground ng sumo.

"Ang unang makakaapak sa labas ng bilog ang siyang talo," miss Lydia.

Kinalaunan ay nagsimula na ang challenge.

Kaharap ko sa loob ng bilog si Mika na sobrang matalim ang tingin sa akin. Maya-maya ay sumugod siya at nagtangkang itulak ako palabas ng bilog. I don't know how this works but I always dodge her, ayokong sapakin ang isang 'to.

"Humanda ka sa akin Skyyy!!" sigaw ni Mika at sinabayang suntok sa akin. Is she really fighting me for real?

"Mika, hindi naman natin kailangang gawin ito," ako.

"Of course ayaw mo, kasi duwag ka," sabi niya.

Biglang tumayo ang ego ko, nakakainis ayoko pa naman sanang patulan ang isang 'to.

Nang patakbo siyang lumapit sa akin, agad akong umiwas at inatake siya sa baba, sinipa ko siya sa kaniyang binti kaya natumba siya papalabas ng bilog, which made me a winner.

ZODIAC UNIVERSITY: Meet The Zodiac CircleWhere stories live. Discover now