Chapter 49

742 46 1
                                    

Sabay na kaming naglunch nina Ara, Oe at Cass, nasa cafeteria kami ngayon pagkatapos ng laro.

Napansin ko ring nagsama-sama sina Third, Grus, Crater at si Cyrus. Parang kailan lang nag-away 'tong si Third at Cyrus ah pero ngayon magkakaibigan na sila. What else did I miss?

"Lumipat kasi ng dorm si Cyrus, siya ang pang-apat sa kanila since kulang sila ng apoy," explain ni Oe.

Oo nga pala, kailangan balanse ang mga elemento hindi ba? Si Third ay isang water elemental user, si Crater ay isang air elemental user, si Grus ay isang earth elemental user at ngayon si Cyrus na isang fire elemental user.

"Required ba talaga na kompleto ang apat na elemento sa isang kwarto?" tanong ko.

"Hindi naman talaga, pero sa pagkakaalam ko, nagbibigay ng swerte iyon sa magroommates," tugon ni Cass nag-wink pa sa akin.

Naiihi ako kaya umexit muna ako sa conversation. "CR muna ako guys," paalam ko sa kanila at dumiretso sa CR.

Tamang-tama naman ang timing ko nang marinig ko ang chismis ng dalawang babae sa loob ng CR. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila.

"Narinig mo ba ang rumors ngayon ng campus?" tanong ng isang babae.

"Ha? Anong meron? C'mon, spill the tea," isa pang babae.

"Kilala mo ba 'yong guro na snobbera?" babae.

"Sino? Si miss Friah ba?" tugon ng kausap niyang babae.

Biglang tumayo ang tenga ko nang marinig ang pangalan ni miss Friah. Really? May chismis about kay miss?

"Kasi may nagleak na balita galing sa principal's office na sususpendahin daw ang pagtuturo niya sa paaralan," tugon ng babae.

"Hala? Bakit daw?" babae.

"Kasi iimbistigahan nina sir Polaris ang mga kinikilos niya ngayon na baka kasi raw isa siyang Spy galing sa Dark Source," babae.

"Talaga? Napakamisteryosa rin kasi niya," tugon ng babae.

Si miss Friah? Kakampi ng Dark Source? Kung si sir Polaris na ang nagsabi eh baka nga, sa naalala ko, minsan lang nagpapakita si miss Friah, at kapag magpapakita naman siya ay kung kailan naman may nangyayari sa paaralan.

"Oo nga eh, hindi ka rin ba nagsususpetsa na nagsimula siyang nagtuturo rito sa paaralan pagkatapos noong nilusob tayo ng Dark Source six months ago?" babae.

"Sa tingin ko nga, kasi 'yon ang panahon na nakapasok ang mga taga Dark Source dito hindi ba?" babae.

"What if may conspiracy na nangyayari?" babae.

"Ewan, sana madakip na siya, tara na nga balik na tayo sa classroom," babae. Lumabas sila.

Kung totoo man ito, hindi ako makapaniwala. Naalala ko rin noong tinanong ako ni Oe kung magkakilala kami ni miss Friah kanina, sinabi ni Oe na hindi siya masyado nakikipaghalubilo sa mga estudyante pero bakit sa akin lang?

Bakit parang feeling ko na sinusundan ako ng mga taga Dark Source? na may kailangan sila sa akin? na sobrang interesado nila sa akin? Dahil ba ito sa kapangyarihan ko? Sabi ni miss Twinkle na sobrang lakas ng kapangyarihan ko, sabi ni Principal Evans na may special sa akin, is it really about my ability? Sinadya ba ni miss Friah na makipagclose sa akin dahil sa kapangyarihan ko?

At naalala ko rin na sobrang atat niyang malaman ang kapangyarihan ko dati, na gusto niyang magtraining na ako, at ngayon masaya na siya na isa na akong diamond ranker.

Ang sakit naman. I feel betrayed. Joke lang, hindi dapat ako magjujudge sa one side story lang, pero kahit pa man ganoon hindi rin dapat ako pabaya sa dipensa ko. Kasi baka tama sila na kalaban talaga namin si miss Friah. Argg! Gulong-gulo ba naman.

Bumalik na ako sa table namin sa cafeteria na matamlay, nakita ko rin na nakiupo ang mga boys sa amin.

"Guys, irereveal na raw ang nominees ng Zodiac Circle next week," wika ni Crater.

"Bakit napaaga 'ata?" Oe.

"Paghahanda lang daw, sabi ni sir Polaris," tugon ni Crater.

"Ano 'yon? Parang may digmaang mangyayari in the future?" Grus.

"Huwag naman," Ara.

"At napaaga na rin ang Zodiac Circle Tournament," tugon ni Crater.

Hindi ako medyo nakinig sa kanila kasi bumabagabag sa akin ngayon ang balita tungkol kay miss Friah.

"Narinig mo ba ang tungkol kay miss Friah?" babae.

"Ah 'yong kasabwat siya sa Dark Source?" babae.

Nagtuturo pa nga sa amin si miss Friah kanina pero bakit ngayon ganito na ang rumortungkol sa kaniya.

"Ano bang issue kay miss Friah?" Ara.

"Sa tingin ko galing ang rumor sa principal's office," Cass.

"Mukhang mabait naman si miss Friah," Crater.

"Kaya nga hindi tayo humuhusga sa panlabas lang," Oe.

Parang gusto kong malaman ang totoong nangyari. Deep inside, ayaw kong maniwala na kalaban namin si miss Friah.

"Kaya huwag ka ng padalos-dalos na lumalapit kay miss Friah ah, hindi natin alam ang totoong pakay niya," sambit ni Oe sa akin.

"O-oo," tugon ko.

Kinalaunan ay nagpatuloy ang klase namin ng mga diamond rankers, pumunta kami sa school's museum para sa exploration activity namin ngayong hapon.

Ngayon lang ako nakapasok sa museum namin eh kasi intended lang ito sa mga higher-tiers. Sobrang laki ng museum namin at ang daming imahe ng mga zodiac signs and stars na sa tingin ko ang laki ay nasa 30ft, takte sobrang laki talaga. May malalaking estatwa din ng labing-dalawang diyos at diyosa ng mundo na mas malaki pa sa mga imahe ng zodiac signs.

May iba't-ibang uri ng gemstone din na nakalagay dito at mga sinaunang kagamitan. Pati mga estatwa ng mga alagang hayop ng mga diyos at diyosa dati.

Oo nga pala, kaharian nga pala ito dati kaya mayroon silang record ng mga sinaunang katauhan ng Zodiacus.

"Bakit po walang estatwa ni Canopus?" tanong ko sa guro namin.

"Ah, ang estatwa ni Canopus ay inilagay sa Zodiac Shrine, kautusan kasi iyon ni diyosa Hiyera dati," tugon ng guro namin.

Oo nga pala, noong nakapasok ako sa Zodiac Shrine dati, may nakita akong isang malaking estatwa sa gitna ng mga naglulutangang zodiac constellations.

Kung titingnan mo ang mga estatwa ng mga diyos at diyosa ay halos magaganda ang mga ito, paano nalang kaya kung makikita namin sila sa personal? Sobrang ganda talaga siguro.

Pagkatapos ng klase namin ay pumunta kaming mga girls sa rooftop ng building namin para magpahangin.

Ang ganda ng sinag ng araw dito, brings back memories with Gino kung kailan ko unang nailabas ang kapangyarihan ko.

And the day went well, pero hindi pa rin mawala sa isipan ko si miss Friah. Bakit ba gulong-gulo ako sa problema ng mga school staffs? I shouldn't meddle with them dahil hindi ko naman alam ang totoong kwento ng isyong iyon.

*---*---*---*

Do not forget to vote for this chapter!

You can use these hashtags:

#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle

See you on next chapter!

-axinng

ZODIAC UNIVERSITY: Meet The Zodiac CircleМесто, где живут истории. Откройте их для себя