Chapter 11

1K 77 5
                                    

*** Photo above is Third Luan ***

*---*---*---*

Nagdaan na ang ilang araw, unti-unti ko namang natutunan ang paggamit ng ability ko, sabi ni Oe na mag-eenhance raw ang ability ko kapag palagi kong pinapractice.

Tumatatak pa rin sa isipan ko kung bakit hindi ko talaga matandaan ang kabataan ko noong buhay pa ang mama ko. Sobrang tagal na ang lumipas at niwala akong naaalala sa mga iyon.

Ang buong akala ko talaga ay nagka-amnesia ako dahil sa car accident kung saan doon ko pinaniniwalaang sanhi ng pagkawala ni mama.

But cheer up Sky, what matters now is the present.

KINALAUNAN..

Sinamahan ako nina Oe, Ara at Cass sa Nomination Area. May mga student representatives doon na nagbabantay at isa si Crater sa mga iyon.

"Uy Cass pansinin mo naman si Crater oh," bulong ni Ara kay Cass.

Ako ang mas malapit kay Crater kasi kakahulog ko lang ng papel sa nominees box, sasabihin ko na sana kay Crater na mag-usap sila ni Cass pero umiiwas din siya.

"Excuse me, cr lang ako," biglang pagpapaalam niya sa mga kasamahan niya sa nomination area.

Halatang nasasaktan si Cass sa tuwing umiiwas si Crater sa kaniya, pero pinipilit niya pa rin ang sarili niyang maging masigla.

"Tara na!" masigla niyang sabi.

May 30 minutes free time kasi raw ang mga girls ngayon kaya sinamahan muna nila ako tungo sa classroom ko.

"Cass, mag-usap na nga kayo ni Crater para kayong Tom and Jerry eh," sumbat ni Ara.

"Hindi nga ako pinapansin nun," Cass.

"Ano bang nangyari sa inyo Cass?" curious na tanong ko.

Sumakay na kaming apat sa elevator kasi nasa 11th floor ang classroom ko ngayon.

"They broke up 5 months ago," tugon ni Oe.

"Halata kasing masakit pa rin sa damdamin ni Cass eh, anong nangyari sa inyong dalawa? Bakit kayo naghiwalay? --kung pwede ko lang malaman hehe," ako sabay kamot sa batok ko.

Hindi kumibo si Cass.

"Okay kung ayaw mong ishare, I understand, sorry Cass kung nangingialam ako," paumanhin ko.

"N-no it's fine, actually nagpromise kasi ako sa sarili ko na hinding-hindi na ako magsasalita tungkol doon," sagot naman ni Cass.

"Edi kami ang magsh-share!" suway ni Ara with matching pabirong ekspresyon.

"Huwag na, private life kasi iyon ni Cass," tugon ko.

"It's okay Sky, I'm good with it, go Ara," aniya Cass.

"Ganito kasi iyan Sky, magkaklase na sina Cass at Crater simula beginner-tier hanggang mid-tier at syempre nagkadevelopan dahil palagi silang magkasamang dalawa at ayun naging sila," Ara.

"Long story short, nagkalabuan ang dalawa for some reasons kaya nagbreak-up," sabay ni Oe.

Oo nga in short, walang forever, hays sa paningin ko sa kanila nasasayangan ako eh, and napaka-sad kasi I'm too late to witness their love story.

"Sobrang sweet kaya nila dati," Ara.

"We just needed some space," Cass.

"Ang dami namang nangyari 5 months ago," tugon ko.

ZODIAC UNIVERSITY: Meet The Zodiac CircleKde žijí příběhy. Začni objevovat