Chapter 33

816 45 6
                                    

Pagkarating namin sa bahay nina Ara, or should I say MANSION, pinaghandaan ulit kami ng mga pagkain.

"Wala sina mom at dad ngayon, sayang naman, pero hindi bale na, we can spend the night here," Ara.

Napansin kong ang laki ng swimming pool ng bahay nila, at halos saang parte ng bahay ay may tubig, kahit saang banda ay may makikita ka talagang fountain mapalaki man o maliit. Ang kanilang dining room naman ay napapalibutan ng aquarium.

May cute na mga pusa rin si Ara, kulay gray, white at orange na ang pangalan daw ay Fluffy, Meiky, at Juicy.

"My family belongs to the water element, ako ay isang cancer zodiac, my mom is a cancer zodiac too and my dad is a scorpio," Ara.

All water element huh? Is the myth really true? Gaya ng sinabi ng mga bata kanina. Well, kids don't lie remember?

"Cooler than knowing your mom owns the biggest aquarium in the world!" Cass sabay pakita sa amin ng isang brochure.

"Ah yeah," Ara.

Ang daming pictures na nakalagay sa dingding nila, hindi yata nakaranas ng pagiging pangit si Ara kasi simula bata sobrang cute na niya, tapos katabi ng cute niyang photos ay may maraming medals din na galing sa Zodiac High at mga certificates ng swimming competition, palagi siyang nagchampion.

Kinahapunan ay napag-isipan ng mga girls na magbonfire at mag bbq party, pagkatapos naming mag grocery shopping napansin kong sobrang tahimik na ni Cass.

"Okay ka lang ba?" tanong ko kay Cass.

Busy sa pagluluto sina Ara at Oe ng barbecues, kaya ako na ang lumapit kay Cass. Agad naman siyang ngumiti sa akin, hilig talaga neto magpapa-as if okay no, kahit hindi naman talaga okay.

"Oo naman," sagot niya.

"May bumabagabag ba sa isip mo?" ako.

"W-wala----hindi ko alam," Cass.

"Handa akong makinig," ako.

"Si Crater kasi, gusto niya makipagbalikan pero ang sinagot ko sa kaniya ay hindi pwede," Cass.

"What? Why?" ako.

"Kasi hindi kami para sa isa't-isa Sky, ibang elemento si Crater, kahit pa man gaano namin gustuhin na magkatuluyan, darating din ang araw na magkahiwalay ulit kami, mas mabuti nang maaga para less sakit," Cass.

"Big deal ba talaga ang forbidden love between different elements?" ako.

"Oo, hindi kasi magkakasundo ang dalawang magkaibang elemento," Cass.

Kaya siguro ang daming naghihiwalay na mag-couple dahil hindi compatible ang zodiac signs nila. Charot Sky's Theory na naman.

"Actually hindi lang 'yan ang bumabagabag sa isip ko," Cass.

"Ano iyon?" ako.

"There's a reason why I am studying in Zodiac University, dahil gusto kong---," pinutol niya ang sinabi niya.

"Gusto mong?" ako.

"Ah wala, tulungan nalang natin sina Oe at Ara tara, bukas ay pupunta rin naman tayo sa bahay namin," Cass.

"O-okay sige," ako.

And the day went well, we enjoyed our bbq party and have some nice sleep.

Kinabukasan, nakarating na kami sa bahay ni Cass, literally na bahay niya, ang totoong bahay kasi nila ay nasa ibang lugar na malayo rito. Parang bahay bakasyonan lang daw niya ang bahay na ito.

"Welcome to my house guys! Feel free at home!" Cass.

Ang cute ng bahay niya, puro wooden furnitures nandito, of course earth element kasi si Cass. Mayroon din siyang tree house sa di kalayuan ng bahay niya.

ZODIAC UNIVERSITY: Meet The Zodiac CircleWhere stories live. Discover now