Chapter 45

756 44 1
                                    

*** Photo above is sir Polaris ***

*---*---*---*

Nakapagpahinga na ako, what time is it? Nasa clinic pa rin pala ako ngayon, dinner time na rin, pupunta nalang ako sa cafeteria tapos tungo na ako sa dorm. I miss my bed.

Pagkarating ko sa cafeteria, halos ang mga mata ng nadadaanan ko ay nasa akin, iyong iba naman ay panay galit kung makatitig at ang iba naman ay parang friendly stare lang. I guess alam ng school na victim ako sa black hollow. Bahala na nga sila basta ako kakain ako.

Napadami ang kain ko ngayon ah, nakaubos ako ng sampung cup ng rice kompara sa normal na tatlo. Tapos ang sarap pa sa mga mata ko ang desserts. Hello belly fats.

"Hi Sky," bati ng isang babaeng estudyante sa akin, ang badge niya ay silver at may kasama rin siyang gold ranker na babae.

"Hello," sagot ko sa kanila, ngumiti lang sila tapos nagpatuloy sa paglakad. Bakit kilala ako ng mga iyon?

Pagkatapos kong kumain ay pumunta na ako sa dorm, as usual dadaan pa ako ng ilang hallway hanggang doon. Nakita ko naman ulit si miss Friah.

"Wow, diamond," puri niya. Naka eye-glasses siya ngayon at may dalang libro.

"Saan po kayo papunta miss?" Tanong ko.

"May klase ako ngayon para sa mga detained students dahil sa violation," tugon niya.

Nagtuturo na pala si miss ngayon, may detention din pala dito sa school?

"I am so proud of you Sky, keep up the good work," huling sabi niya tapos nagpatuloy siya sa paglalakad. Napansin din yata niyang dala-dala ko ngayon ang libro na bigay niya.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Huminto ako nang madaanan ko ang hallway ng Zodiac Shrine. Sabi ni Ara sa akin na walang makakapasok sa loob kapag hindi myembro ng Zodiac Circle, pero bakit nakapasok ako rito dati?

At ayun, lumapit ako sa pintuan at tiningnan ang nakaukit na mga figures, kumikislap ang pintuan at ang daming simbolo. May figure dito na isang nakahoodie na tao tapos may mga ugat na lumalabas sa kamay nito, may nakasulat din sa ilalim na 'Defeat the Dark Source'.

Dark Source? Nang dahil sa dark source kaya namatay si Karsten, dahil sa Dark Source, namatay din si Gino. Sabi ni miss Twinkle na nilusob sila ng Dark Source 6 months ago, how did that happen? No one can enter the school naman diba? Lalo na ang taga Dark Source? Ano? Conspiracy? Gaya ng nangyari last week na nakapasok ang aura ng Dark Source dahil nakalabas kami? O kaya'y nakalabas kami tapos kami ang nagdala ng Dark Source sa loob? Ewan.

"Sky!" tawag sa akin ni sir Polaris, agad akong lumapit sa kaniya.

"Mabuti naman at nakalaya ka na sa quarantine ni miss Twinkle," wika niya.

"Opo, magaling na kasi raw po ako," tugon ko.

"Pagbutihin mo ang pag-aaral mo Sky," dagdag niya.

Ngumiti nalang ako.

"Sige," aniya at umalis. Tatanungin ko pa sana siya about sa Dark Source pero next time nalang.

Pagkabalik ko sa dorm, puno ng ngiti ang bumungad sa akin sabay mahigpit na yakap. Na miss ko ang mga girls, at namiss ko din ang higaan ko, parang inihanda nilang tatlo ang pagbabalik ko sa dorm kasi sobrang linis ng area ko.

"I'm back! Roommates slash Classmates!" wika ko.

Excited na ako para bukas dahil isa na akong ganap na diamond ranker. And I can also use my ability softly na. And classmates ko na silang tatlo at pati na rin sina Third.

So I should have a good sleep again.

DREAMING..

Sobrang ingay ng nagsasabugang bomba sa labas. Agad akong napatingin at nakitang nagsitakbuhan ang mga estudyante.

"Anong nangyayari?" ani ko.

Tumakbo ako tungo sa balcony ng isang building, wala akong ibang daanan, pero nakakapaglevitate na naman ako.

"Protect yourself," biglang wika ni Third sa akin habang nakahawak sa balikat ko.

Wait? Is it a war?

Nakita ko rin ang mga Dark Source na nagsilabasan ng malalakas na kapangyarihan sa amin, w-wait I can fight na.

Tinulungan ko ang ibang estudyante na kalabanin ang Dark Source, pero may ibang estudyante rin na nasugatan lalong-lalo na ang mga bronze rankers. Nasaan kaya sina Oe ngayon? Okay lang ba sila? W-wait it's just a dream okay, no need to worry, hindi ito totoo.

Bigla akong napunta sa lugar na hindi ako pamilyar and I saw myself na nakahiga habang hawak-hawak ang tiyan ko, I am wearing again the black long dress gaya ng napaginipan ko rin dati. It is my reflection again, I saw myself dying.

My reflection looked at me like she was needing my help, nakita ko ang bukambibig niya, Dark Source.

Bigla na namang may humila sa braso ko. "Wake up Sky!" sigaw ni Oe.

"Oe?"

"Wake up!"

END OF DREAM.

Napamulat ako, sobrang dilim ng kwarto kasi naka-turn off ang ilaw, ang himbing ng tulog ng mga girls. Hays, I just had another bad dream.

It's still 3 in the morning, pero mulat na mulat na ang mga mata ko. Eh kasi naman puro tulog lang ginawa ko kahapon.

My dream feels real? Parang kinabahan tuloy ako baka darating ang araw na mangyayari iyon, na tuluyan kaming lusubin ng Dark Source.

But if ever, it will happen, I won't let anyone hurt my friends. I will do my best to protect them. Even if it cost my life.

Bell rings at six.

"Good morning everyone!" masigla kong bati sa kanilang lahat, sabay pa silang bumangon.

"Ang sigla mo 'ata ngayon Sky?" wika ni Ara habang humihikab.

"I'm just excited kasi magkaklase na tayo," ani ko.

"Well, that's true," Cass. Yawn.

Naligo na kami at nagbihis ng school uniform, I am so happy seeing myself with a diamond badge.

Sa wakas maging kaklase ko rin si Third.

"I will do your hair," wika ni Oe at pinaupo na ako sa higaan ko. Napatingin sa aming dalawa sina Ara at Cass.

"Brings back memories," aniya ni Ara.

Gumawa ng cute hairpin si Cass gamit ang kaniyang ability. Isang blue butterfly hairpin ang ginawa niya na ginamit ni Oe pang-ipit sa buhok ko.

"Omg it suits you," puri ni Ara.

Nabigla naman ako nang yinakap ako ni Oe. "We are so grateful to have you with us," bulong niya. My heart flattered.

I look myself at the mirror, isang simple twisted crown ang ginawa ni Oe sa akin at may blue butterfly hairpin, I look so gentle in this hairstyle, para akong isang prinsesa.

*---*---*---*

Do not forget to vote for this chapter!

You can use these hashtags:

#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle

See you on next chapter!

-axinng

ZODIAC UNIVERSITY: Meet The Zodiac CircleTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang