Chapter 58

687 37 1
                                    

Abot tenga ang ngiti ko nang tumingin si Third sa akin tapos kumaway pa. Si Oe naman, panay abot ng kilay nang tumingin sa akin. Hinila niya naman si Third palabas ng Training Grounds.

Sa isipan ko, nandito ako para suportahan si Cass, pero ang puso at mga paa ko gustong-gusto sundan ang dalawa. Hindi pa nagsimula ang kompetisyon pero alam ko na na mananalo si Cass dito. Nagpaalam muna ako kay Ara para mag-cr, pero sa totoo lang susundan ko sina Oe.

Pagkalabas ko sa Training Grounds, nakita kong papasok ang dalawa sa building, I can see Oe's face really angry, bakit kaya?

Sinundan ko pa rin sila, tapos pumasok sila sa changing room ng PA Uniforms. Ano kayang gagawin nila dito?

Biglang sinigawan ni Oe si Third na rinig na rinig ko mula sa kinatatayuan ko, dahil walang ibang tao sa changing room, naririnig ko lahat ng pinag-uusapan nila.

"What the heck are you doing Third?!" sigaw ni Oe.

"What I do-- is obviously none of your crappy business," tugon ni Third.

Ano bang dahilan ng pagtatalo nila? Bakit ba sila nagtatalo? May nangyari ba?

"Stop doing that to Sky," Oe.

Me? Bakit naman ako nasali sa usapan nila?

"At ano?" Third.

"Ako ang makakalaban mo," Oe.

Bakit Oe? Ano bang ginawa ni Third sa akin? Or tangkang gawin pa?

"Mind your own business Oe, bakit ka ba nangingialam sa aming dalawa?" Third.

"Dahil bestfriend ko ang pinaglalaruan mo!" Oe.

P-pinaglalaruan? Who? Third? to me?

"I am not playing with her, you know that," Third.

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Hindi ko alam kung anong pinag-aawayan nila tungkol sa akin pero nakaka-intriga ito. Charot HAHAHA.

"JUST STOP THIRD," Oe.

"No, I will stay by her side, isipin mo ng gusto mong isipin Oe, hindi ko responsibilidad na ipaliwanag sa'yo lahat," Third.

Bakit kaya tutol si Oe sa aming dalawa. May iba pa bang dahilan maliban sa forbidden love?

"Alam ko na sa simula pa lang-- lumalapit ka lang sa kaniya dahil kay Karsten," Oe.

And the topic shifted to Karsten. Noon din, first day of school ko, narinig ko rin na pinag-uusapan nila si Karsten. But why? Anong koneksyon ko kay Karsten?

"Are you doing this to Sky dahil magkamukha sila?" Oe.

Parang huminto ang oras sa narinig ko.

What?

What?

What?

M-magkamukha?

"Don't play safe Oe, lahat naman tayo lumapit sa kaniya dahil kamukhang-kamukha niya si Karsten," tugon ni Third.

M-magkamukha? Magkamukha kami?

Hindi ko alam kung ano ng nararamdaman ko ngayon, sobrang nagulat ako sa narinig ko. M-magkamukha kami ni Karsten ba ka mo? K-Karsten? Imposible, kasi nakita ko naman ang mukha ni Karsten sa isang picture. H-hindi naman kami magkamukha.

Nararamdaman ko ang labis na panginginig sa mga naririnig ko.

"So stop doing that to her because of that fucking reason, she will never be a replacement of your fantasies," Oe.

ZODIAC UNIVERSITY: Meet The Zodiac CircleWhere stories live. Discover now