Chapter 34

790 49 1
                                    

"Tara na guys," aniya ni Oe. Hindi naman din daw kalayuan sa bahay ni Cass ang kinaroroonan namin pero hindi na niya kabisado ang daanan palabas ng kagubatan, so we need help.

Binubulungan ni Cass ang mga halaman na parang nakikipag-usap sa kaniya ang mga ito. Agad na nagsitabihan ang mga halaman para bigyan kami ng daan palabas. Cool.

"Tatawagan ko nalang si Manong Fredo, papakuha tayo rito," Oe.

Mga 30 minutes, dumating na ang driver ni Oe.

"Miss Oe, saan tayo patungo?" Manong Fredo.

"Ihatid mo na kami sa bahay po," Oe.

So we are heading to Oe's house, na stuck din kami sa traffic dahil may banggaan sa hi-way. Kinuha na naman ni Oe ang kaniyang cellphone at may tinawagan.

"Hello? May I talk to Kimberly Tarru from room 6228?" wika ni Oe, tinawagan niya yata ang apartment building namin.

"Hello, Kim, sino kasama mo diyan?" Oe.

Tahimik lang kaming tatlo na nakikinig ni Oe.

"Okay, dalhin mo na rin sila, punta agad kayo sa amin, here's the address," huling sambit niya bago niya ibinaba ang phone.

"What is going on?" Ara.

"They need to know guys, it is our responsibility as Zodiac Warriors to protect each other," Oe.

Pagkatingin ko sa labas, nalaglag panga ko nang makita ko ang amusement park, dumaan na kasi kami sa flyover kaya kitang-kita namin ang kalakihan ng buong amusement park.

Katabi ko sa sasakyan si Cass, siya naman ang malapit sa bintana, pareho kaming nakatingin sa labas pero nabaling ang atensyon ko nang mapansin ko ang marka sa likuran niya, nakasuot kasi siya ng off shoulder. Sobrang liit lang ng marka, at alam na alam ko kung ano ang hugis ng marka, simbolo ng Taurus.

"Ang cool naman niyan," puri ko pa sabay sundot sa marka niya.

"Ang alin?" tanong ni Cass.

"Ang marka, may marka ka ng taurus sa likod mo," ako.

Tumingin na rin sina Oe at Ara kay Cass.

"Meron ka Cass?" Oe.

"Wow, no way?" Ara.

"Bakit? Ano bang ibig sabihin kapag may marka ka sa katawan mo ng zodiac sign mo?" tanong ko.

"Dahil sa trigger lang siguro iyan, na trigger na kasi akong makipaglaban kanina sa taga Dark Source," Cass.

"Ang ibig sabihin niyan, na isa kang Zodiac Liner, in other words, may hawak ng kapangyarihan ng Zodiac," Ara.

"Zodiac Liner, kagaya ni Karsten?" ako.

"A-ah o-oo," Ara.

"Paano ilabas iyan?" ako.

"Hindi naman kusang lumalabas iyan kung kailan mo gusto, magpapakita lang iyan kapag lalabas ang zodiac power mo," Oe.

Zodiac Power? May basic power, may elemental power, tapos may zodiac power naman, ang cool.

Kinalaunan ay nakarating na kami sa property ng mga Christimatia, grabe sobrang laki ng kalupaan nila. At ang bahay nila? Times two ang laki sa bahay nina Ara.

"Bahay pa ba ito? O palasyo?" ako.

"Miss Oe, naghihintay sa iyo ang daddy mo sa loob," Manong Fredo.

"Sige po salamat," Oe. Sabay na kaming lumabas at halos lahat ng kasambahay nina Oe ay nagbibigay galang kapag nadadaanan naming apat. Iba talaga kapag mayaman.

Huminto kami sa harap ng napakalawak na hagdan, at binati kami ng kakababa lang na isang may-edad na presentableng lalaki.

"Hello Dad," bati ni Oe.

Nang malaman naming tatlo na papa pala iyon ni Oe ay agad kaming bumati.

"Magandang tanghali po," kaming tatlo.

"Mabuti naman at safe kayong nakarating, sa palagay ko pagod kayo ngayon dahil napakalayo ng byinahe ninyo," tugon ng dad ni Oe.

"Wala ka bang trabaho ngayon dad?" Oe.

"Meron naman iha, aalis na rin ako ngayon, gusto lang kitang maabutan dito," dad ni Oe.

Nang makalapit na siya kay Oe ay agad siyang yumakap. Ramdam ko ang pagmamahal ng ama niya sa kaniya.

"Dalawang taon, dalawang taon kitang hindi nakita anak," dagdag niya.

Oo nga pala, hindi sila nakakalabas ng Zodiac University nang basta-basta, miss na miss na si Oe ng kaniyang ama. Sana may ama rin aking ganiyan, hindi ko na kasi matandaan kung sino ang papa ko.

"Nice to meet you mga iha, sana nama'y naging mabait si Oe sa inyong lahat," wika ng dad niya sa aming tatlo.

"Naku po! Sobrang bait at responsable ni Oe po," Ara.

Tiningnan niya kami isa-isa. "Gusto kong maalala ang mga mukha ng kaibigan ng anak ko," wika niya.

"Ingatan ninyo ang isa't-isa," huli niyang sabi bago siya tuluyang umalis.

"Ang cool ng papa mo no?" ako.

"Oo," nakangiting tugon ni Oe.

Dinala na kami sa guest room ng bahay, sabi ni Oe na malapit na raw darating sina Kim dito kaya hintayin nalang muna namin.

Sobrang laki ng family picture nila sa guest room, nakita rin namin ang mukha ng kuya ni Oe.

"Si Kuya na ang magte-take over sa company ni dad next next year, sa ngayon kasi tinuturuan pa siya ng mga bagay-bagay at dahil hindi pa stable ang company sa ngayon, si dad muna ang naghahandle," explain ni Oe sa amin.

"In fairness may hitsura rin ang kuya mo, habulin ng mga girls," Cass.

"Wala ba siyang girlfriend? O fiancee?" Ara.

"Wala, wala pa yatang planong pumasok ng relasyon si kuya, nakapokus kasi siya sa trabaho," Oe.

"Pero diba kadalasan sa mayayaman ay ini-arrange marriage sila?" Ara.

"Oo pero lahat ng pamilyang nagkakainteres sa kuya ko ay hindi compatible sa elemento namin, at syempre secret lang din ang ability namin sa ibang tao," Oe.

Ayan na naman ang forbidden love na 'yan char. Speaking of Elements, ano kayang zodiac sign ni Third? Pero for sure hindi apoy.

"Miss Oe, nandito na po ang ibang bisita ninyo," bungad ng naka-butler suit na binata.

"Papasukin n'yo," Oe.

Nagsidatingan sina Kim, Anna, Carina, Grus, Crater, at si... Third. Abot tenga ang ngiti ko nang makita ko si Third na kasama nila. Omg!

*---*---*---*

Do not forget to vote for this chapter!

You can use these hashtags:

#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle

See you on next chapter!

-axinng

ZODIAC UNIVERSITY: Meet The Zodiac CircleWhere stories live. Discover now