Chapter 50

753 48 1
                                    

Dumaan na ang ilang mga araw, hindi na nga talaga nagtuturo si miss Friah. Hindi ko na rin siya nakikita sa school, nasaan kaya siya ngayon? Dinakip na ba siya?

Ang ginawa lang namin sa klase ay nagpapaenhance ng aming mga ability. Meditations and stuffs.

Mayroon din kaming pageensayo sa training grounds kung saan minamaster namin na sabay ang combat at ang aming magic ability.

Pero minsan, may umaabsent sa klase namin gaya nina Crater na busy ngayon sa nomination area at pagfinalize sa results, si Oe naman na naka-assign sa maintenance ng takbo ng systema ng school, si Vita rin na naka-assign as Police official ng school na tumutulong kay sir Polaris ngayon tungkol sa case ni miss Friah.

Minsan wala rin sina Cass at Ara dahil may ibang agenda silang inaatupag, excused sila sa klase kaya walang problema sa puntos ng overall standing nila sa school.

Iba kasi sa bronze at sa diamond rank, kasi sobrang higpit ng rules sa bronze pero kaunti lang ang responsibilities, samantalang sa diamond naman ay medyo may freedom na kaso mas maraming responsibilities.

Masasabi ko talagang wala kaming seryosong klase masyado these days, at dahil na din malapit na ang Zodiac Circle Tournament.

Tapos ako ngayon, naging interesado sa case ng Dark Source.

Wala akong masyadong ginagawa at dahil ako lang mag-isa, napagpasyahan kong bumisita sa clinic pero nadatnan ko si Crater.

"Crater!" tawag ko sa kaniya.

"Oh Sky? Bakit?" tugon niya, pero parang nagmamadali 'ata siya ngayon.

"Crater, saglit lang, may alam ka ba tungkol sa nangyari sa school six months ago? Noong bago namatay si Karsten?" tanong ko.

Binigyan niya lang ako ng what-are-you-talking-about look.

"--or bago natamaan si Karsten ng black hollow?" dagdag ko.

"Teyka Sky, hindi kita naiintindihan," tugon niya with his confuse face.

"--or anything regarding sa paglusob ng Dark Source dito, six months ago?" dagdag ko ulit.

"Alam kong may digmaan na nangyari six months ago pero sino si Karsten?" tanong niya.

Ano raw? Sino si Karsten? Hindi ba niya kilala ang ex-lover ng kaibigan niya? Pero imposible naman na hindi, kasi hindi ba campus princess si Karsten dati? Kaya super popular nun.

"Si Karsten, 'yong ex-lover ni Third," ako.

"Um, I didn't know Third has a lover, pero I'll just cut it muna, pwede mamaya nalang tayo mag-usap Sky? May aasikasuhin pa kasi ako," tugon niya at umalis.

Weird. Ganito rin ang sinabi ni Grus sa akin before, na hindi niya rin alam na may lover si Third. Teyka? Secret relationship lang ba sila?

Dumiretso na ako sa clinic at tamang-tama naman dahil nandito si miss Twinkle.

"Hi miss," bungad ko.

"Oh hi Sky, napadalaw ka? May sakit ka ba?" tanong niya.

"Wala po, nakakamiss kasing umuwi rito," ako.

Nagpatuloy si miss sa kaniyang ginagawa, sobrang daming mga bondpapers ang sinusulatan niya.

"Ano nga palang pakay mo Sky?" miss.

"Eh kasi po, sobrang busy ng mga tao ngayon, hindi kasi ganito ang buhay ko sa bronze dati eh," ako.

"Ah, dapat masanay ka na," miss.

"Miss, pwede ba ulit ako magtanong tungkol kay Karsten?" ako.

"Bakit parang interesado ka ngayon sa taong namayapa na?" miss.

"Eh kasi po, hindi ba po campus princess si Karsten dati so ibig sabihin kilala siya sa lahat ng estudyante, pero bakit po noong tinanong ko sina Grus at Crater, hindi po nila alam ang tungkol sa kaniya o parang hindi man lang nag-exist si Karsten dito?" ako.

Huminto siya sa pagsusulat at napatingin sa akin.

"Ang totoo kasi niyan Sky, ang nakakaalala na lang kay Karsten ay ang mga taong close sa kaniya, sir Polaris made it happen, to lessen the hurt of everyone," miss.

Ganoon ba talaga ka celebrity si Karsten para ma apektuhan niya ang buong campus?

"Sir Polaris decided na tuluyan na sanang kalimutan si Karsten sa lahat ng tao pero Oe and the girls insisted na hindi nila pwedeng kalimutan si Karsten, and of course, Third," miss.

"So ibig sabihin po nun, na tayo lang po ang nakakaalam about kay Karsten?" ako.

Ako, Oe, Cass, Ara, Third, miss Twinkle, sir Polaris at si Gino?

"Oo Sky," miss.

Parang ang saklap naman, ano kayang mararamdaman ni Karsten ngayon na ganito ang nangyari sa kaniya? Kahit pa man gaano pa katragic ang pangyayari, dapat hindi kinakalimutan ang pagkamatay ng isang tao. Haha, nagsalita pa ako, eh nakalimutan ko nga ang pagkamatay ng mama ko.

"About ni miss Friah po, tuluyan na po ba siyang matalsik sa paaralan?" ako.

"Depende pa kay sir Polaris Sky," miss.

"Paano po nalaman ng mga staffs na kasabwat si miss Friah sa Dark Source," tanong ko.

"Mayroon kasi tayong Dark Source detector sa school, at noong last faculty meeting namin, nagpakita si miss Friah na minsan lang umaattend sa faculty meeting talaga, and the Dark Source detector ay umilaw sa mga oras na iyon, hindi pa naman talaga totally arrested si miss Friah, pero baka ganoon nga talaga ang mangyayari kapag nakahanap na ng mas malakas na ebidensya," explain ni miss.

"Ang hirap paniwalaan," ako.

"Bakit? Magkakilala ba kayong dalawa?" miss.

"Opo, sa totoo lang hindi talaga siya mapagkamalan na kalaban, kasi ang dami kong natutunan sa kaniya," ako.

"You must have wished na sana hindi siya kalaban, pero huwag ka sanang magwalang-bahala Sky. Ako, hindi ko kilala si miss Friah o kung anong pagkatao niya, naalala ko pa nga noong una niyang pasok sa school at ipinakilala siya sa amin ni Mrs. Evans ng Zodiac High, minsan lang siyang ngumiti, at parang walang balak na makipagkaibigan sa amin," miss.

"Si Principal Evans?" ako.

"When Dark Source attacked us, rumesbak agad ang taga Zodiac High, at bilang pasalamat sa tulong, binigyan ng pagkakataong mag-exchange teachers ang dalawang paaralan," miss.

"Kaya po napunta si miss Friah dito," ako.

"But we never had such bondings with her," miss.

Sa panahon ngayon, hindi mo na talaga alam kung sino ang maaasahan at sino ang hindi.

"O sha! Tulungan mo nalang ako rito, paki abot itong documents kay sir Polaris sabihin mo na ito yung pinapagawa niya sa akin, tapos mag-a-ice cream tayo pagbalik mo," miss.

Agad akong naging masigla sa sinabi niya, omg, magfoodtrip kami ni miss. Sarap sa ears.

*---*---*---*

Do not forget to vote for this chapter!

You can use these hashtags:

#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle

See you on next chapter!

-axinng

ZODIAC UNIVERSITY: Meet The Zodiac CircleDär berättelser lever. Upptäck nu