Chapter Twenty-Two, Part Two

331 15 1
                                    

Matapos ang ilang sandaling katahimikan, akmang magsasalita si Sanji, pero nagpatuloy siya. “Nang araw na maaksidente ang Mama at Papa, tinawagan nila ako. Narinig na daw nila ang kantang ginawa ko para sa kanila. At alam mo kung ano ang sinabi ng Mama? She told me she was sorry for not being there for me when I needed them. She said she was sorry dahil masyado siyang abala na nakakalimutan niyang kailangan namin sila ni Sean. She said she was sorry for being selfish, na dahil sa hindi niya magandang karanasan, she missed to see that her mother left me her talent.

“Nang araw na iyon, may business trip sila sa Davao. Pero nang sandaling iyon mismo, sinabi niyang uuwi sila para daw magkakasama kami sa wedding anniversary nila ng Papa. Tapos ang Papa naman ang nasa linya. He said he was sorry too, for everything. I... I was so happy that day. Tapos nakatanggap ako ng tawag. At nagbago ang lahat.”

Hinayaan niyang maramdaman ang sakit na nadama nang araw na iyon. At the same time, she allowed herself to feel the relief of telling about it to someone, na hindi niya sinabi kahit sa psychiatrist niya. Sanji bared his soul to her. He deserved to know her dark past, too. Her deepest secret---her guilt. After all, iyon na lang ang natitirang hindi alam ni Sanji tungkol sa kanya.

“Spice...”

“Ilang beses kong inisip na kung hindi nila narinig ang kantang iyon, hindi sila uuwi nang araw na iyon. At hindi sila maaksidente. Buhay pa sana sila ngayon.” Kinagat niya ang ibabang labi upang pigilin sa pagpatak ang nagbabantang mga luha.

Sanji inhaled sharply. “Spice, are you---”

"Oo," sagot niya sa itatanong nito. "Sinisisi ko ang sarili ko. Dahil kasalanan ko naman talaga ang nangyari. Kasalanan ko kahit gusto ko lang namang ipaalam na mahal ko sila sa pamamagitan ng awitin ko. Ako ang dahilan kung bakit sila naaksidente. Ilang beses kong inisip na kung alam ko lang na mangyayari iyon, hindi ko na sana sinubukang ipaalam sa kanila kung gaano ko sila kailangan. Nakontento na sana ako sa madalang nilang presensiya, kung ang kapalit niyon ay makikita, mayayakap at makakasama ko sila hanggang ngayon. I was mourning not only their lost, but the good memories I could have shared with them, that it made the guilt more suffocating.”

"But there was no way you would have known that." His tone was gentle, soothing. And in pain. “Spice, gusto ko pa ring sabihin sa’yo na hindi mo iyon kasalanan. Pero kahit pa sabihin ko iyan sa’yo ng paulit-ulit, hindi iyon makakatulong dahil iyan na ang nakatatak sa isip mo. And you’re the only one who knows your pain. You only need someone who will make you forget how it feels. Who’ll help you heal."

At sino ang someone na iyon, Sanji? Dahil nang sandaling isatinig nito iyon, alam niyang hindi sarili nito ang tinutukoy nito. Bakit nito i-vo-volunteer ang sarili matapos niya itong ipagtabuyan? Alam iyon ni Sanji at hindi na nito ipagpipilitan ang sarili sa kanya. Mali nga siguro si Tara. At ang totoo, naka-move na sa kanya si Sanji.

"Spice, gusto kong malaman mo that I don’t think you’re a coward for what you did. At hindi ako naaawa sa’yo kung iyon ang inaakala mo.
I know that when you almost gave up, iyon ay hindi dahil basta ka na lang sumuko. You fought. You fought so hard to chase away the pain and guilt until it drained you. At nang hindi ka sumukong huminga nang mga sandaling iyon at nagpatuloy kang mabuhay sa kabila nang pinagdadaanan mo, that was surely you being strong enough to stay alive, at alam kong dahil iyon kay Sean---your remaining family na maiiwang mag-isa kapag pati ikaw, nawala sa kanya. Maraming tao ang hindi ka maiintindihan. Only because they are not you."

His voice turned soft, “Kahit pa kinuha sa'yo ng tadhana ang mga magulang mo sa nakakalungkot na pagkakataong iyon, at least you learned how much they loved you. At kung nasaan man sila ngayon, hindi nila gustong sisihin mo ang sarili mo. They would want you to forgive yourself for even blaming yourself for what happened to them. Para sa kanila, sana gawin mo iyon, Spice. More than a million of people out there are happy and inspired because of your music. Your parents even loved your song. If that guilt is eating you up, swallow it whole by sharing your gift to the world. Sa paraang iyan, bumuti ang pakiramdam mo.”

Hindi na niya napigilan ang pumatak na mga luha sa pisngi. "Sanji..." garalgal na sabi niya. Nalaman agad nito na iyon ang pumipigil sa kanya para ilantad ang sarili bilang ang misteryosang mang-aawit. He understood her too much. At bakit ba niya naisip na huhusgahan siya nito? Na hindi siya nito matatanggap kapag nalaman nito ang buong nakaraan niya, kung ganito ito kamaunawain? God, isang malaking pagkakamali nga ang ginawa niya nang itulak niya ito palayo.

Huminga ng malalim si Sanji. “Nasaan si Tara, Spice?”

Bakit nito hinahanap si Tara? “Umalis na...”

“Then do me a favor and go to Bass. Payakap ka sa kanya. I know how badly you need a hug right now.”

Oh. Lalo lang nag-uunahang tumulo ang mga luha sa kanyang pisngi. Hindi niya alam kung dahil iyon sa tila ipinaaubaya na talaga siya ni Sanji kay Bass. O dahil sa tono nitong talagang nag-aalala sa kanya. Na parang ang tanging mahalaga dito ay ang mayroong yumakap sa kanya dahil alam nito kung gaano niya iyon kailangan ngayon.

Gusto niyang sabihin na hindi naman sila ni Bass. Na ito mismo ang gusto niyang yumakap sa kanya. Pero bago iyon...

"I won't do it again," she blurted.

“I believe you,” he said after a moment. Naintindihan ang ibig niyang sabihin. At para bang alam nito kung gaano kahalaga sa kanyang marinig iyon.

"You're right. The thought of hurting Sean, hindi ko na iyon magagawa uli. But... I believed my scars would repulse and scare you away---"

“Now, back up,” mabilis nito agap. “Iyan lang ba ang dahilan kung bakit itinulak mo ako palayo? Alam kong natakot kang baka husgahan kita. But you also thought you would remind me of what my mother did at matatakot akong makasama ka dahil doon?" Naririnig niya ang pagtatagis ng mga bagang nito. "God, Spice. Tama ba ako na iyan lang ang dahilan kung bakit sinabi mong ang lalaking iyon ang pinili mo?”

Bago pa man niya magawang sumagot, may narinig siyang nagsalita sa kabilang linya.

“Sanji, babe. Are you coming or not?”

“Susunod ako,” sagot ni Sanji bago siya muling binalingan. "Spice---"

"The answer is no, Sanji. At alam mo kung ano ang dahilan. Salamat sa pakikinig mo. Good bye." Tinapos niya ang tawag.

For a moment there, nagkapag-asa siya. Pero mukhang nahuli na siya. Babe. Malambing ang tinig ng babaeng nagsalita.

Mariing ikinuyom niya ang mga kamao. Mali nga talaga si Tara. Hindi ito nasasaktan nang dahil sa kanya. In fact, mukha ayos lang ito. Kasalanan niya at pinakawalan niya si Sanji. Pero hindi niya kayang isipin na sa maikling sandali, nakikipagkita na ito sa ibang babae. At ngayon, bumabalik na naman siya sa katotohanang isa itong playboy at hindi niya dapat iyon kalimutan. Kaya tama nga siguro ang desisyon niyang itulak ito palayo.

Nahirapan siyang huminga. Pero bakit hindi niya iyon kayang paniwalaan?

Sugar, Spice and Everything Hush: SpiceTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang