Chapter Two

417 13 1
                                    

"So, kayo na ba ni Bass?" Napatingin si Spice kay Tara sa tanong nito.

"Sabi ni Tara, nakita niya si Bass na lumabas sa apartment mo a few days ago. Bagong gising at mukhang doon nagpalipas ng gabi," nanunudyong sabi naman ni Jane.

Kasalukuyan silang nag-di-dinner ni Hush sa isang fastfood restaurant nang makita nila ang dalawa at naki-share sa table nila. Day off niya. At iyon ang unang araw na hindi siya pumasok during her day off. Sa halip, sinamahan niya si Hush sa mga lakad nito. Kaibigan at kaklase nito noong college si Jane. Best friend naman ni Jane si Tara na bagong kapit-unit niya sa apartment building. Bagaman matagal na niyang kilala si Jane dahil kay Hush, lately lang niya ito nakakausap talaga dahil madalas ito sa unit ni Tara. At masyadong friendly si Tara.

"Jane, may sakit no'n si Spice. Hindi naman nila puwedeng gawin ang nasa isip mo," sabad ni Hush.

"Hey. Nang minsang may lagnat ako, it didn't stop me and my ex Jeric from having a wild monkey sex." Si Tara na sinabayan ng tawa.

Muntik na siyang mabulunan sa kinakaing fries. Tara was... really something. Ilang linggo pa lang itong tenant sa building. Nurse ito. Unang araw pa lang nito doon nang makasalubong niya itong umiiyak. Nang tanungin niya ito kung okay lang, ikinuwento nito sa kanya ang pamamaalam ng isang pasyente nito. Halos dalawang oras itong nagkuwento ng mga pinagsamahan nito at ng pasyente nito. At nang mga sumunod na araw, kapag nagpapang-abot sila sa labas, magkukuwento ito sa kanya nang kahit ano lang. As if kailangan lang talaga nito ng kausap para makalimutan ang mga karanasan sa hospital at siya ang natitiyempuhan nito. So, Spice let her. Silently admiring her new neighbor for being the way she was. Candid and friendly. At ang paraan kung paano nito mahalin ang pasyente nito, obvious na passionate ito sa ginagawa.

"We are so not talking about your sex life now," ani Jane at pinukol ng matalim na tingin si Tara bago bumaling sa kanya. "Hindi ako naniniwalang puwedeng maging magkaibigan lang ang isang lalaki at babae nang hindi nagkaka-develop-an. At close kayo ni Bass. Ni hindi pa siya nagtatangkang halikan ka or something?"

"Siyempre hindi. Magkaibigan lang talaga kami," aniyang namula. May bigla na namang naalala sa namamagitang usapan, at hindi na naman mapigilang makaramdam ng kakaibang init.

Gustung-gusto na niyang makalimutan ang pangyayaring iyon sa gilid ng daan noong isang araw. Pero tila lalo lamang iyon nanunukso sa isip niya. Parang naramdaman pa niya ang mga labi ni Sanji sa puno ng kanyang tainga. She let out a sharp breath. Goodness, ni hindi ganoon kasensitibo ang katawan niya at hindi naging marumi ang isip niya nang masaksihang nakikipagtalik si Bass sa fiancé nito noon. Bagkus, tanging shock ang nadama niya. Pero kay Sanji... Shit! She hated him for making her feel this way. Hindi na niya ito gustong makita pa kahit kailan.

"Wait, baka naman, may isa sa dalawang nagtatago lang ng feelings---" Napigil sa pagsubo ng sandwich si Tara at pinagmasdan siya.

"Oh, geez. Yes, Spice is in love with Bass," sagot ni Hush para sa kanya. Napapikit na lang siya. "Sabi ko nga sa kanya, i-seduce niya, eh."

"Hush!"

"Oo nga. Bakit hindi mo na lang i-seduce?" Ngumisi si Tara. "Tulungan ka namin?"

Tumawa si Hush. At sa panggilalas niya, excited na nagplano nga ang tatlo kung paano niya aakitin si Bass. Ipinagpasalamat na lang niya na nasa sulok ang puwesto nila at masyadong maingay sa fast food restaurant para marinig sila ng ibang customers. Sinikap niyang huwag pansinin ang mga ito. Pero imposible iyon, lalo na at sinabi ni Jane na since hindi pa niya nararanasang makipag-relasyon, kailangan muna daw niya ng experience para magawa niyang akitin si Bass.

"No offense, Spice. Pero sumisigaw ng innocence ang image mo. At ang ibang lalaki, iniiwasan ang mga inosente since worried sila that they would only taint her or something," ani Tara. "Sa case ni Bass, since brokenhearted siya, hindi pa siya ready sa isang commitment. Ang option natin, you have to make him so attracted to you until he has no choice but to commit. Kailangang kaya mong makipagtitigan sa kanya nang hindi nag-ba-blush hanggang sa mamuo ang sexual tension. At kapag nangyari iyon, kiss him. At kailangan mong gawin ng tama. Dahil hindi mo lang itatanim sa isip niya na puwede kayong maging higit sa magkaibigan; you're also going to make him imagine if what kind of a woman you are in bed.

"At huwag kang mag-alala. He cares for you. Kung i-re-reject ka niya, iyon ay dahil ayaw niyang magkalamat ang friendship ninyo. But surprise, surprise. Sa puntong iyon, he already desires you badly at hindi ka na mawawala sa isip niya. At siyempre, aakto kang parang walang nangyari. Makipag-date ka kunwari sa iba at ipaalam mo sa kanya. Siyempre, mangingibabaw ang male pride niya. Hindi niya matatanggap na balewala sa'yo ang halik na iyon. Hahalikan ka niya. Sa pagkakataong iyon, itutulak mo siya. Ibabalik mo sa kanya ang sinabi niyang ayaw mong masira ang friendship ninyo. Dalawang emosyon ang maglalaro sa kanya sa puntong iyon: sexual frustration at wounded male ego. Hindi niya matatanggap ang rejection. He'll pursue you, Spice. Makakalimutan niya ang ex niya dahil ikaw na ang magiging laman ng isip niya."

Bahagyang nakaawang ang mga labi niya nang matapos si Tara, samantalang ngumisi sina Hush at Jane. "Hindi ko alam kung saang romance book nabasa iyan ni Tara, pero malamang sa malamang, iyan nga ang mangyari," wika ng huli. "So, ang pinakaunang gagawin natin, bigyan ng guts si Spice na gawin iyon. Kailangan niya ng experience para---"

"Okay, wait!" agap niya. "Experience as in, makikipag-one-night-stand ako?" hindi makapaniwalang sabi niya.

"Of course not. Siyempre hindi mo ibibigay ang sarili mo sa lalaking hindi mo mahal. We won't let you," agad na sabi ni Hush.

"Ang ibig naming sabihin, experience like kissing and touching," ani Tara. "At least a bit of sensual interaction between a man and a woman. You see, sa totoo lang, having an intimate experience with a man can boost your confidence as a woman. Matututo ka kung paano i-handle ang isang lalaki sexually and emotionally until he's kneeling and begging for your attention and cute heart."

"Okay. But that's ridiculous. Hindi ninyo inaasahang papayag ako sa makapanindig-balahibong plano ninyong iyan?" namumulang sabi niya. Kapag nasa StarCoffee, Spice felt older than her twenty-two years of age. Kailangan niya iyon, lalo at karamihan sa mga empleyado, matanda sa kanya. Maging ang Assistant Manager na si Meredith ay apat na taon ang tanda sa kanya. Ang former manager ng main branch na si Mr. Leo na nagretiro na ay mahusay. And Spice had to earn the respect of their employees. And so far, ibinibigay ng mga ito iyon sa kanya, making her feel more matured, at mas confident sa ginagawa. Gayunman, sa namamagitang usapan ngayon, pakiramdam niya ay napakabata at walang muwang niya kompara sa mga kaharap.

"Hindi," sabi ng best friend niya. "Pero mahal mo si Bass at since napapasaya ka niya, ipaglaban natin ang nararamdaman mo. So, maghahanap tayo ng lalaking obvious na may kakayahang pakawalan ang hidden seductress side mo. At isang lalaking mahusay lamang sa kama ang makakagawa no'n. Iyon ang target natin. At siyempre, kasing-hot nito." Kinindatan siya ni Hush at ipinakita sa kanya ang larawan sa phone nito mula sa article sa isang website. "Like your big brother's best friend---Sanji Dela Vega."

"Oh my God. He's hot," halos magkasabay pang bulalas nina Jane at Tara. "Wait. Hindi ba't ito ang CEO ng SDV?" tanong pa nang huli.

Hindi siya makasagot dahil napaawang ang mga labi niya sa pagkagulat. Tumitig sa larawan sa internet. The hypnotizing eyes of the devil, the lopsided smile on his sexy lips. Shit, alam ba ni Hush na kanina pa niya gustong alisin sa isip ang lalaking iyon? At ano kaya ang magiging reaksiyon nito kapag nalaman na may "karanasan" na siya sa mga kuko ng playboy na iyon?

"Over my dead body kung katulad niya, Hush!" aniyang napatayo.

"Mas pipiliin mong mamatay na virgin at inexperience, gano'n?" tudyo ni Hush.

What. The. Hell.

Sugar, Spice and Everything Hush: SpiceWhere stories live. Discover now