Chapter Fourteen, Part Three

332 14 1
                                    

“Hi. Ikaw si Sugar, right? Ang anak ni Manang Sol?” wika ni Spice nang makasalubong ang tsinitang babae paglabas niya nang silid nang umagang iyon.

Nang umalis kahapon si Hush, maghapon na siyang nakatulog. Bahagya lang siyang nagising nang dalhan siya ni Manang Solidad nang dinner pero hindi rin niya iyon ginalaw at natulog uli. Alas-sais nang umaga nang muli siyang magising. Kaya hindi na siya kahapon nagkaroon nang pagkakataong makilala ang unica hija ni Manang Sol. Pero nang makita niya ito ngayon, nahulaan niya kung sino ito dahil hawig sa ina.

“At ikaw si Spice. Ang nakababatang kapatid ni Sean,” wika ni Sugar na gumanti ng ngiti sa kanya. Napakaganda ng mukha nito. Parang manika.

“Ako nga. Ikaw yata ang tinutukoy ni Hush na girlfriend ni Sean.”

“W-what? Hindi ako girlfriend ni Sean!” ani Sugar na pinamulahan ng mukha.

Napangiti lang siya. “Okay. Sasabihin ko na lang kay Hush na ikaw ang anak ni Manang Sol. Nice to meet you, Sugar. Sana nagugustuhan mo dito sa hacienda.”

“Oh, I like it here very much, Spice. Thank you,” ani Sugar na matamis na ngumiti, tila nakabawi na sa sinabi niya kanina. “Ikinagagalak ko ring makilala ang bunsong kapatid ng masungit na si Sean.” Sugar smirked. “No offense.”

“None taken,” aniyang natawa. Kung ganoon ay nakatikim na ito ng kasupladuhan ng nakatatandang kapatid. Niyaya niya itong mag-breakfast pero tapos na daw ito.

Bumaba siya ng kabahayan. Binati niya ang kasambahay na si Tasya na natuwa nang makita siya. Tinanong siya kung ano ang gusto niyang agahan.

“Black coffee lang. Pakihatid na lang sa stable, Tasya. Salamat.” Na-miss niya si Alena, ang kulay puti at napakagandang stallion niya. Kapatid iyon ng Stallion ni Sean na si Jacob. “Siya nga pala, kanino ang itim na sports car sa garahe?” Bagong bili ba iyon ni Sean? Hindi naman iyon bagay sa hacienda.

“Ah. Sa mga bisita ho iyon ni Sir Sean, Miss. Halos kasunod ninyo lang ho silang dumating kahapon.”

“Sino ang mga bisita---” May bumundol na kaba sa dibdib niya. “Never mind.” Mabilis siyang lumabas ng villa. Kinakabahan na siya. Lord, please. Sana mali ako. Pero somehow, natitiyak niyang hindi. At nang makita kung sino ang kasama ni Sean sa stable, tuluyan na siyang natigilan.

“Hey. Good morning, Spice.” It was JC.
Nang ibalita niya kay Hush na darating si JC, hindi niya alam kung kailan ang eksaktong araw nang pagdating nito. At kung ang ginamit na “mga” ng katulong sa pagtukoy sa bisita ni Sean, ibig sabihin, hindi mag-isa si JC. It meant that... their other friend could be here, too.

Sanji Dela Vega.

“Good morning,” aniya nang matagpuan ang boses. Pilit siyang ngumiti, iniinda ang panginginig na nararamdaman sa posibilidad na anumang oras ay makikita doon si Sanji. “It’s nice to see you again, JC.”

“Same here. You’ve grown up,” anito at ngumiti. He was very attractive. Kaya pala hindi makalimutan ni Hush. At mukhang nahulaan na niya kung bakit biglang nagpaalam ito sa kanya kahapon. Nang biruin niya itong kumuha ng pagkain sa baba, bumalik ito sa kuwarto niyang tila wala sa sarili at nagmamadaling nagpaalam pauwi. Nakita marahil nito si JC.

“Matagal ka ring hindi umuwi ng bansa,” aniya.

“Yeah.” May pait na nagdaan sa mga mata ni JC pero hindi siya sigurado dahil tumingin ito sa malayo.

“Maglilibot ka sa hacienda, Spice?” ani Sean. Tumango siya. Ito na mismo ang naglabas kay Alena sa kuwadra.

“Alena,” aniyang napangiti nang makita ang mare. Hinimas-himas ang ulo niyon. “Mukhang inaalagaan kang mabuti ni Sean, ah. You still look so pretty. Like me.” Niyakap niya ito at hinalikan.

“Of course,” ani Sean. “Magkamukha naman talaga kayo.” Natawa si JC samantalang hindi niya pinansin ang kapatid at agad na sumakay kay Alena.

“Sa’yo na lang ang kapeng itinimpla ni Tasya, Sean. Maiiwan ko muna kayo.”

“Hindi ka pa nag-aagahan?” Kumunot ang noo nito. Umiling lang siya at pinatakbo ang kabayo. “Spice!”

Pero hindi na siya nakinig at iginiya si Alena patungo sa mapunong bahagi ng hacienda. Kung talagang si Sanji nga ang kasama ni JC, wala siyang lakas para harapin ito ngayon. Masakit man tanggapin pero may hinala siyang hindi ito pupunta sa hacienda kung alam nitong naroon siya. He left her. At hindi ito tumawag pagkatapos nang gabing iyon. Malinaw ang mensahe nito sa kanya. Tila may patalim na naman na humiwa sa dibdib niya.

Dumiretso siya sa cabin sa gitna ng gubat at itinali si Alena sa isang malaking puno. May mababang bakod ang cabin. At alam niyang madalas iyong ipalinis ni Sean sa mga katulong. Nang buksan niya ang pinto, binalot siya nang matinding nostalgia. It was her own library and music room. Nasa ayos pa rin ang mga libro sa bookshelves at ang iba-ibang musical instruments na naroon. Ipinagawa niya ang cabin nang mawala ang mga magulang niya at doon siya madalas manatili kapag nasa hacienda. Hindi madaling mahanap ang kinaroroonan niyon para sa mga taong hindi taga-hacienda dahil iba ang daan niyon.

Nilapitan niya ang kinaroroonan ng piano na ginamit niya sa video. Regalo iyon ni Sean sa kanya. Dahil alam nitong mahilig siya sa music, noong nagkokolehiyo na ito sa Manila, at high school pa lang siya sa Victoria Island, kapag umuuwi ito tuwing Pasko ay may dalang regalo sa kanya na kahit anong related sa music. That was his way of letting her know that he supported her. Naniniwala din kasi ito na kung ipagpapatuloy niya ang pangarap niya, gagaling ang ina nila sa traumatic experience nito. If only Sean knew that... Ipinilig niya ang ulo at huminga ng malalim. Lalong nadagdagan ang kalungkutang nararamdaman.

Naupo siya sa harap ng piano at nagsimulang tumipa sa piyesa. Inihahanda iyon. Ilang minuto pa, natagpuan niya ang sariling inaawit ang kantang ilang linggo nang gumugulo sa kanya.

“For what it’s worth. Kung hindi na si Bass ang taong makakapagpasaya sa’yo, huwag mo nang ipilit,” naalala niyang sabi ni Hush.

Pero kung hindi na si Bass ang taong makakapagpasaya sa kanya, sino? Because it wasn’t that man who taught her different faces of pleasure she never knew existed---until he touched her. Hindi iyon ang lalaking pinagkalooban niya nang sarili. It would never be him. Hindi pagkatapos siya nitong iwanan na para bang wala siyang halaga para dito.

Sugar, Spice and Everything Hush: SpiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon