Chapter Fourteen, Part Two

310 12 0
                                    

“Spice, hija! Kuuu. Na-miss kitang bata ka. Lalo kang gumanda, anak,” masayang salubong ni Manang Solidad kay Spice pagpasok na pagpasok pa lang nila ni Hush sa Villa Fajardo. Binati rin nito si Hush na gumanti ng bati.

“Na-miss ko rin kayo, Manang. Kumusta ho?” nakangiting tanong ni Spice.

“Naku. Heto. Mabuti naman. Binisita ako ng anak kong si Sugar.”

“Nandito ho si Sugar?” Hindi pa niya nakikita ang anak ni Manang Solidad pero bata pa lang siya ay ikinikwento na sa kanya ng mayordoma ang tungkol sa nag-iisang anak nito.

“Nandito. Nagbabakasyon. Pero hayun at lumabas. Nag-ikot-ikot sa hacienda. Mamaya at ipapakilala ko sa’yo. Halina na muna kayo ni Hush sa kusina para kumain. Mamaya, may mga bisita ring darating si Sean.”

“Mamaya na lang ho, Manang Sol. Pagod pa ho ako sa biyahe. Wala pa akong ganang kumain. Nasaan nga ho pala si Sean? Sino ang mga---” Hindi pa man siya tapos magtanong, narinig na niya ang pamilyar na boses ng kapatid.

“Little sister.”

Nalingunan niya si Sean na sa entrada ng villa. Suot pa nito ang maputik na boots na halatang maagang nagsimula ang araw sa hacienda. Tumango ito kay Hush bilang pagbati.

“Hi, Sean,” bati naman ng kaibigan niya.

Nagkita naman sila ni Sean no’ng graduation nila ni Hush. Pero na-miss pa rin niya ito ng husto. Lumapit siya dito at yumakap. “I miss you, big brother.”

“Obviously. Kaya nga ngayon ka na lang uli umuwi dito after one year,” amused nitong sabi at tinapik siya sa likod.

“As if hindi tayo nagkikita sa Manila kapag pumupunta ka. At dalawang buwan pa lang nang huli tayong magkita.” Hinalikan niya ito sa pisngi. “So, sino ang ipapakilala mo sa akin?” tudyo niya.

Umangat ang isang kilay nito. The gesture reminded her so much of Sanji that something inside her ache. “May sinabi ba akong may ipapakilala ako sa’yo?”

“Wala. Pero may na-se-sense lang ako.”

“Ang imagination mo na naman,” nakangiting sabi ni Sean at ginulo ang buhok niya. “Welcome home, sis. Sige na. Magpahinga na muna kayo ni Hush. May tatapusin lang ako sa study.”

“Workaholic. Nagpapahinga ka ba?”

“Look who’s talking.” Binigyan siya nito ng pointed look. “Nabanggit ni Meredith sa’kin na lagi kang nag-o-overtime lately.”

Kapag naniniguro si Sean kung maayos ang lagay niya, ang assistant niya ang tinatawagan nito. “At least umuwi ako ngayon.”

“This is me resting, sweetheart.” Nasa pinto na ito ng study nang lumingon sa kanya at mataman siyang pinagmasdan. “Sigurado kang okay ka lang?”

Pinilit niyang ngumiti. Isa rin sa mga dahilan kung bakit bihira siyang umuwi ay dahil hindi niya gustong makita ang pag-aalala sa kanya ni Sean. Kahit na hindi ipinapahalata ng kapatid, alam niyang fragile ang tingin nito sa kanya. At least si Hush, pagkatapos nang nangyari noon, hindi nag-iba ang tingin sa kanya. Pero naiintindihan naman niya si Sean. Nawalan din ito ng mga magulang. At siya na lang ang natitirang pamilya nito. He couldn’t lose her, too.

“Paano mo naman nasabing hindi ako okay?” Nabasa din ba nito mula kung saan na kapag biglang nagpaikli ng buhok ang isang babae ay nangangahulugang may pinagdadaanan ang puso nito?

“Nagtatanong lang ako, Spice. I’m your brother.”

“Na para bang makakalimutan ko iyon,” aniyang idinaan sa biro ang sagot. “Okay lang ako, Sean. Huwag ka nang mag-alala.”

Tumango ito. “Siya nga pala, tumawag ba sa’yo si Sanji? Hiningi niya ang number mo. Hindi ko alam kung ano ang biglang pumasok sa isip ng lalaking iyon. Tatanungin ka lang daw niya kung intresado ka pa ring ipagpatuloy ang pangarap mo. He said he could help you.” Sean snorted. “As if I believed him. May kutob akong intresado iyon sa’yo.”

Nahulog ang puso niya sa sahig. “K-kailan niya hiningi?”

“A week... two weeks ago? I think ‘yon iyong araw na tinawagan kita dahil akala ko may sakit ka.” Ang umaga na pauwi sila ng Maynila galing Cebu. Sa kabila ng lahat, nakaramdam siya ng panghihinayang. Noon pa nito hiningi ang number niya, bago pa ito magdesisyong tuldukan ang lahat sa kanila. Nanikip na naman ang dibdib niya.

“So, bakit mo binigay ang number ni Spice, Sean? Boto ka ba sa best friend mo para sa kapatid mo?” biro ni Hush, at binigyan siya ng tinging nagtatanong kung may dapat siyang ikuwento dito.

“Hush!” saway niya.

Pinaikot ni Sean ang mga mata. “Kilala ko si Sanji. At tinakot ko muna bago ko ibinigay ang number mo, Spice. Besides, alam ko namang hindi ka intresado sa kanya.” Pinagmasdan pa siya nito, bahagyang nakaangat ang isang kilay.

“Of course not,” mabilis niyang sagot. “At hindi naman siya tumawag.” At least totoo ang huli. Ano ba ang iniisip ni Sanji at kailangang hingin nito ang number niya kay Sean? Trip lang ba nitong bigyan ng hint si Sean na may something sa kanila? What the heck? At ni hindi nga ito tumawag sa kanya matapos hingin ang number niya.

“Okay. By the way, he’s---” Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil tumunog ang cell phone nito. Tinanguan sila nito bago pumasok na sa study.

“Hindi ka nag-react nang mabanggit ko kanina si Bass,” wika ni Hush.

“Pero nang banggitin mo si Sanji at ngayong mabanggit uli ni Sean, parang gusto mong tumakbo palayo. Ano ba talaga ang nangyari, Spice? Hindi ba si Bass kundi si Sanji ang dahilan nitong pagpapagupit mo ng hair?”

Huminga siya nang malalim. “Saka na lang ako magkukuwento, Hush. Please?” nakikiusap na sabi niya, pilit itong nginitian. Parang napakadaling magkuwento ng damdamin niya para kay Bass. Pero hindi ng kay Sanji. With the latter, what she felt was too... heartbreaking to reveal.

Nakakaunawang tumango si Hush matapos siyang pagmasdan. “For what it’s worth. Kung hindi na si Bass ang taong makakapagpasaya sa’yo, huwag mo nang ipilit.” Bahagya itong ngumiti at nagpatiuna nang umakyat. “Tara na sa silid mo.”

Sugar, Spice and Everything Hush: SpiceWhere stories live. Discover now