Chapter Sixteen, Part Two

353 12 6
                                    

Dalawang katok lang ang ginawa ni Spice bago pinihit ang seradora ng pinto ng silid na inuukupa ni Sanji. Nakaupo ito sa gilid ng kama, nakapatong ang mga siko sa tuhod habang pinapanood ang pagtulo ng dugo sa kanang kamay nito. Ni hindi nag-angat ng tingin nang pumasok siya. Na para bang inaasahan nang darating siya, na susundan niya ito sa silid nito.

Napaisip tuloy siya kung sinadya ba nitong dumiretso doon kahit sinabihan niyang hintayin siya nito sa sala habang kumukuha siya ng medicine kit, dahil iyon ang paraan nito para masolo siya sa kwarto.

Ipinilig niya ang ulo at humakbang palapit dito. "Sinabi kong maghintay ka sa sala dahil gagamutin ko ang sugat mo. Pero mukhang hindi mo iyon naintindihan." Nabasag ang basong hawak nito kanina at pinulot ang mga butil.

Nag-angat ito ng tingin. "Nandito ka na ngayon. Bakit nagagalit ka pa rin?"

"Hindi ako galit. Naiinis ako." Naupo siya sa harap nito at ibinaba ang medicine kit. Bago kinuha ang dumudugong kamay nito. "Bakit ba napaka-careless mo? Talaga bang masaya ka kapag naaaksidente?" He chuckled softly. Pinukol niya ito ng matalim na tingin. "Bakit ka tumatawa?"

"Kasasabi mo lang na masaya ako," amused nitong sabi.

Gusto niya itong sapakin. Pero gusto rin niyang yakapin. Na-miss niya ang kapilosopohan nito. Na-miss niya ito. Oh, God. Mas baliw pa pala siya kaysa sa inaasahan niya.

"Shut up," aniya at bumuntong hininga. Sinimulang lagyan ng bulak na may betadine ang sugat nito. Nang mapasinghap ito ay agad niya iyong hinipan. He stiffened. "Sorry," aniya. "Masakit ba?"

"No." His tone was hoarse.

Saglit siyang natigilan at nag-angat ng tingin. Wala na ang amusement sa mga mata nito. Sa halip ay naroon ang pamilyar na emosyong nagpaparamdam sa kanya ng kakibang init. And there it was, the familiar ache between her legs. Nagbaba siya ng tingin at ipinagpatuloy ang ginagawa. Sa pagkakataong iyon, bahagya nang nanginginig ang mga kamay niya. Binilisan niya ang ginagawa at nilagyan iyon ng bandage. Natatakot siya. Kinakabahan. At na-e-excite.

"Hindi ko gustong isipin na nagmamadali ka dahil may usapan pa kayo ng Bass na iyon. Magkasama na kayo mula kaninang umaga," sarkastikong sabi ni Sanji. "Dahil din ba sa lalaking iyon kaya ka nagpagupit? Are you trying to impress him by trying to look more beautiful? Alam mong hindi mo kailangang gawin iyon. Dahil dati ka nang maganda."

Pinigil niya ang mapapikit sa sinabi nito. Bakit kailangan nitong magsalita nang mga bagay na nagpapangiti at lalong nagpapasakit sa puso niya? Oh, and if he only knew. Na ito ang dahilan ng pagbabagong ginawa niya sa sarili---because he broke her, at ni hindi nito alam iyon. At hindi nito malalaman iyon.

"Isipin mo na kung ano ang gusto mong isipin, Sanji. Wala ako pakialam."

"Ginagamot mo ang sugat ko. At least, may pakialam ka sa akin." Tumitig siya sa mga mata nito. Nakaangat ang sulok ng mga labi nito sa isang makapigil-hiningang ngiti, sa kabila nang intensity ng mga titig sa kanya.

"T-there. Puwede ka nang matulog," aniya at mabilis na tumayo pero pinigilan siya ni Sanji sa palapulsuhan.

"Not so fast, love. Hindi pa tayo tapos mag-usap."

"Wala naman tayong pinag-uusapan." Binawi niya ang kamay dito. Pinakawalan naman siya nito.

"Kailangan bang saktan ko uli ang sarili ko para manatili ka pa sa tabi ko nang ilang sandali?"

She released a shaky breath. Kung ganoon, sinadya nitong sugatan ang sarili nito kanina? "Damn you. Bakit kailangan mo pang sugatan ang sarili mo?" hindi makapaniwalang sabi niya. "Kung gusto mo akong kausapin, sabihin mo lang. Hindi mo kailangang saktan ang sarili mo."

Sugar, Spice and Everything Hush: SpiceWhere stories live. Discover now