Chapter Nineteen

350 16 0
                                    

Patuloy ang pagdaloy ng mga luha ni Spice nang humakbang siya at yumakap sa likod ni Sanji. Nadudurog ang puso niya. Ipinapakilala nito ang sarili sa kanya, ipinapakita ang pinagdaanan nito at sobrang tindi nang nararamdaman niya. She hated his father for hurting him, for damaging his soul, hated her mother for not loving Sanji enough to stay for him. And she was ashamed of herself for her past, too.

“You are tough and brave, Sanji,” garalgal niyang sabi. “Hindi mo kasalanan ang magkaroon nang mga magulang na hindi alam kung paano ka pahalagahan. It was their loss for not appreciating the wonderful son that they had. Huwag na huwag mong isipin na tulad ka ng iyong ama. Nagawa mo siyang saktan para protektahan ang iyong ina. Sinabi ng ama mo na magiging tulad ka niya dahil anak ka niya. But he missed the fact that he taught you one good thing out of his insanity—to protect the woman you loved from someone like him.”

Napahugot nang malalim nang paghinga si Sanji. Hinawakan ang mga kamay niya at humarap sa kanya. Ang mga mata nito ay puno ng emosyong hindi niya maipaliwanag. “And this is one of the reasons I know that you’re too good for me. You see the good in people and you show kindness to the world, Spice.” Ipinalikod nito ang ilang hibla ng buhok sa kanyang tainga.

“Nang gabing puntahan kita sa apartment mo pagkatapos kong halikan si Stephanie sa restaurant, gusto ko lang humingi ng paumanhin---I never had the strong need to apologize to someone before, that I felt agony knowing na nasaktan kita---But you saw something in me. Something that exposed my vulnerability in a way that scared me. I hated it when you asked me why I couldn’t commit. Ang paraan kung paano mo ako tingnan na para bang gusto mo talaga akong sumaya. Na may pakialam ka sa’kin.” Bahaya itong umiling.

“Ang alam lang ni Sean ay tungkol sa ama ko. Pero sinabi ko sa’yo ang lahat. Because the way you always look at me with those devastatingly beautiful and trusting eyes of yours---makes me feel as if you can see right through me that it had me hanging by the thread. Nangangambang baka malaman mo ang nakaraan ko. At hindi ko gusto ang pakiramdam na iyon. So, I deliberately told you my dark secrets to finally see the fear and judgment in your eyes that would make me dislike you. Pero hindi ko iyon nakita sa mga mata mo. At hindi ko iyon nakikita ngayon.

“Nang unang beses mong sabihin na hindi ako katulad ng aking ama, naramdaman ko ang compassion mo. That and your sweet words made me grateful na sinabi ko sa’yo ang lahat. At sa kauna-unahang beses, hinayaan ko ang sarili kong maniwala na hindi ako tulad ng ama ko. Na tulad nang sabi ni Manang Juliana, huwag ko iyong paniniwalaan because my grandfather was a good man and he loved my grandmother; at kahit kailan, hindi niya ito pinagbuhatan ng kamay. Na sa maraming paraan, mas tulad ako ng lolo kaysa sa ama ko.

“You terrified me, Spice. You made me realize that I was afraid to even care for a woman because of my mother. At pinili kong paniwalaan na kasing sama ako ng aking ama para protektahan ang sarili ko. Hanggang sa maramdaman ko ang matinding pangangailan sa isang bagay na hindi ko pa naranasan kailanman. At dahil sa pangangailangang iyon, I want to stop believing that I’m capable of hitting a woman. At ngayon, ang tanging gusto kong gawin ay patunayan sa’yo that I’m a good man. And I’ll be even better. Because I’m done running away, Spice.”

She was overwhelmed by his words. Hindi niya lubos na naiintindihan ang sinabi nito, pero malinaw sa kanya ang nais nitong iparating. Siya ang bagay na tinutukoy nito; ang bagay na kailangan nito. Kaya mas pinipilit nitong maniwala na hindi ito katulad ng ama nito.

“Sanji...” she whispered. Tinawid niya ang distansiya sa pagitan nila at yumakap dito. Automatikong pumaikot ang mga braso nito sa katawan niya. He caught her lips and gave her the kind of kiss that branded every part of her for life.

Kinabig niya ito sa batok, ibinuka ang mga labi at sinalubong ang mga halik nito. Puno iyon ng pangangailangan at pagnanasa, pero may kahalong tenderness na humigop ng kanyang natitirang lakas. It had her surrendering every part of her to this broken but beautiful man. Taking away his pains, his scars. Letting him know that she was there to make it all better.

Sugar, Spice and Everything Hush: SpiceWo Geschichten leben. Entdecke jetzt