Chapter Seven

339 15 4
                                    

"Here. This will look perfect on you."

Bahagya pa siyang napapitlag nang dumikit ang braso ni Sanji sa kanya. Napapikit siya at pinagalitan ang sarili. Hindi makapaniwalang sa simpleng pagkakadikit lang nilang iyon, nanghihina na ang mga tuhod niya at bumabalik na naman sa isip ang lahat nang naganap sa flight kanina.

He chuckled softly. Obviously, hindi nakaligtas ang reaksiyon niya. Pero ipinagpasalamat niyang hindi ito nagkomento. Ipinakita lang sa kanya ang sundress na hawak nito.

Pagkagaling nila sa airport, may driver na sumundo sa kanila. At ipinadiretso ni Sanji ang sasakyan sa isang boutique. Saka pa lang din niya naalalang tawagan ang assistant niya para sabihing tatlong araw siyang mawawala, then instructed her na ipadala sa kanya ang inventory report thru e-mail. Iyon ang unang pagkakataong um-absent siya. Kahit no'ng may sakit siya, nagawa pa rin niyang pumasok. But then, kailangan niyang gawin iyon para sa taong nag-alaga sa kanya no'ng nagkasakit siya.

"Ayoko niyan, Sanji," aniya. The dress was pretty at mukhang komportable kapag sinuot. Tulad nang mga naunang dress na ipinakita na nito sa kanya. Na bahagya niyang ikinagulat since si Sanji ang tipo na kung bibigyan nang pagkakataong mamili ng damit para sa isang babae, pipiliin ang mga revealing style. Pero mukhang mali siya. He was obviously choosing what he thought she would like in a dress. At inaamin niyang na-appreciate niya iyon. Pero mga t-shirts at jeans lang ang hinahanap niya.

"You know. If you want to walk around naked, hindi kita papayagan. It's only cool when we are alone, love. Pero sa public, kung saan maraming lalaki ang makakakita sa'yo? Of course, kailangan mong magsuot ng damit. But for goodness' sake, isang daang dress na ang ipinakita ko sa'yo, wala ka pa ring magustuhan kahit isa," anito sa pagitan nang sarcasm at panunukso.

Namumulang pinukol niya ito nang matalim na tingin. "Tatlong dress pa lang ang ipinakita mo sa'kin, 'wag kang OA. Besides, hindi ko sinabing tulungan mo akong maghanap ng damit. Puwede ka namang manatili sa sasakyan. Wala pa ngang tatlong minuto mula nang pumasok tayo dito, naiinip ka na."

"Really? Akala ko isang oras na. Here. You'll look hotter in it tulad nang mga naunang dress kanina." Another sundress. Nang tingnan lang niya iyon, marahan na itong natawa. "For the record, hindi ako naiinip. In fact, this is fun."

"Kung gano'n, puwede bang manahimik ka na lang?" she hissed.

"Kiss me then," simpleng sabi nito. Lalo lang tuloy nag-init ang kanyang mukha. Narinig iyon ng sales lady na nag-a-assist sa kanila at nahinto sa pagtitig kay Sanji nang may pagnanasa sa mga mata. Inakala niyang pupukulin siya nito ng matalim na tingin, pero ngumiti ito na tila biglang na-realize na cute couple sila ni Sanji.

"Sanji," mariing sabi niya. Kinindatan lang siya nito at nagkagulo ang mga paruparu sa kanyang sikmura.

Alam niyang sinabi nitong aakto ito na parang wala lang nangyari sa pagitan nila. Pero ngayong nakita na nito ang katawan niya, nakabisa ang mga nunal at nahawakan siya sa mga pribadong parte, halos hindi siya makapaniwalang nagagawa pa rin siya nitong tuksuhin nang ganoon and made her blush like crazy. Samantalang siya, hindi na halos makapag-isip nang maayos tuwing nagkakalapit sila dahil naaalala niya ang lahat nang ginawa nito sa kanya sa loob lang nang dalawampu't apat na oras. Damn him. Of course, hindi naman talaga ito maaapektuhan tulad nang nangyayari sa kanya. He'd been been with countless of women after all.

Inis na kinuha niya ang mga dress na isinuhestiyon nito sa kanya. Mas na iyon ang mga tipong isuot ni Hush. Pero sabi nga ng kaibigan, simulan na niyang magsuot ng mga sexy dress para maakit niya si Bass. At sabi ni Sanji, she would look hotter in those dresses he gave her. Great, ngayon ay gusto niyang maniwala dito.

He seemed pleased nang makita ang mga damit na hawak niya. "Nasa left side ang fitting room."

"I think kasya sa'kin ang mga 'to. Hindi ko na isusukat."

"Okay. I'm sure kasya sa'yo ang mga iyan. Trust me," anito. Pinasadahan pa siya ng tingin mula ulo pababa. Gusto niyang lumubog sa kinatatayuan sa ipinapahiwatig nito. "Oh, Spice. How can you still blush after the things we did?" he murmured teasingly. Nang lalo siyang mamula, he smirked. The bastard.

"I'll kill you, Sanji," naniningkit ang mga matang sabi niya.

Tumawa lang ito at binalingan ang sales lady. "Undergarments-"

"Sanji!" saway niya dito. "Ako na---"

"Hindi ka na magsusuot niyon? Completely fine with me then."

"Oh my God. Gusto mo ba talagang mamatay?" pikon na pikon nang sabi niya.

Itinaas nito ang dalawang kamay tanda ng pagsuko. "Nagbibiro lang ako. Masyado kang pikon." Inis na tinalikuran niya ito pero napigilan siya nito sa braso. At sa pagkagulat niya, niyakap siya nito. In a way as if embracing her, having her in his arms, was a natural thing to do. Sa isang iglap, naglaho ang iritasyon niya. "I'm sorry, okay?" bulong nito sa ibabaw ng ulo niya. "Titigil na ako. You're just fucking beautiful when you're angry, love."

Nahigit niya ang paghinga. Her heart was racing. May kakaibang damdamin siyang nararamdaman na nagpanghina nang husto sa kanya.

Pinakawalan siya ng binata at masuyong iniangat ang kanyang mukha. "Pero may palagay akong mas magugustuhan ko kung ngumiti ka sa akin. Hindi pa kita nakitang ngumiti."

Kaya pinigilan niya ang ngumiti ngayon. "You're such a flirt."

He grinned handsomely. "Oh, I am. Lalo na pagdating sa'yo."

Namumulang tinalikuran na niya ito at nagtungo sa undergarments section, kumuha ng mga kailangan bago nagtungo sa cashier. What she felt out there was scary. Hayun na naman ang warning bell sa utak niya na tumakbo siya palayo. Pinawi niya iyon sa isip. I'm here because of Bass, mariing sabi niya sa isip.

Magbabayad na lang siya nang ibigay ni Sanji ang credit card nito. Kahit nagprotesta siya, hindi ito nagpaawat at binayaran ang mga pinamili niya. Nasa parking lot na sila nang may tumawag dito at narinig niya ang "Mysterious Siren".

"Hinahanap rin pala ng SDV si Mysterious Siren," kinakabahang sabi niya dito pagkatapos nang tawag. "Napanood mo ang video?"

"Yeah," ani Sanji. "She's perfect, isn't she?"

"Oh." Umiwas siya ng tingin. Nakaka-flatter malamang maraming tao ang naging intresado sa misteryosang singer sa video. Pero iba ang dating ang malamang pati si Sanji Dela Vega ay nakuha niya ang atensiyon. Well, ni Mysterious Siren.

"Jealous? Don't be. Ikaw pa rin ang pipiliin ko, Spice."

"Ang kapal talaga ng mukha mo," inis niyang sabi at nagpatiunang maglakad dito.

"God, you're really fun to tease, aren't you? Ang bilis mong mapikon," natatawang sabi nito. Pero hindi na niya ito nilingon.

Sugar, Spice and Everything Hush: SpiceWhere stories live. Discover now