Chapter Thirteen, Part Two

340 16 1
                                    

Takot at sakit ang naramdaman ni Spice paggising niya. Usually, siya ang ang nauunang magising mula nang magsimula silang magtabing matulog. At nang unang magising si Sanji sa Cebu, at least, bukod sa ipinagbilin siya kay Manang Juliana, nag-iwan ito ng note. Pero sa pagkakataong iyon, inabutan na siya nang tanghali at naikot na ang buong unit, wala siyang nakitang note.

He left without a trace. Na para bang gustong isipin niya na hindi totoo ang nangyari kagabi. He left her like a pathetic one-night-stand. Matapos niyang ipagkaloob ang sarili dito nang dalawang beses. At nahulaan niya ang intensiyon nito sa ginawa. Inangkin siya nito upang bigyan ng satisfaction ang attraction na nararamdaman nila sa isa’t isa, bilang tuldok sa lahat nang namagitan sa kanila.

Gusto niyang pagtawanan at kaawaan ang sarili nang sabay. Dahil pagkatapos nang nangyari kagabi, kahit hindi naman dapat, umasa siya. Umasang magbabago ang isip nito at totohanin nila ang ginagawa nila at alukin siya ng isang relasyon. Of course, pagkatapos nang mga naranasan nito, bakit siya umasang magbabago ang tingin nito sa pag-ibig at commitment nang dahil lang sa kanya?

Manhid ang pakiramdam na lumabas siya ng condominium. Hindi na siya lumingon pa. At hindi na muling lilingon. The part of her life with Sanji ended. Today.

Sugar, Spice and Everything Hush: SpiceDonde viven las historias. Descúbrelo ahora