Chapter Eleven

322 14 0
                                    

Pagdating ni Spice sa apartment, ibinagsak lang niya ang mga gamit sa couch. Saka dumiretso sa silid upang kunin ang gitara. Kailangan niya iyon ngayon. She was desperate to--- Naisabunot niya ang kamay sa buhok nang tumunog ang buzzer. Lalong na-frustrate na tinungo ang sala at binuksan ang pinto.

Natigilan siya.

“Forgive me.” It was Sanji. A bouquet of flowers in his hands.

Parang may sumipa sa dibdib niya. Sa gesture at sa sinabi nito. Hindi siya mapakali kanina pa. Iyon pala, ang dahilan kung bakit masama ang loob niya ay siya ring mismong magiging dahilan upang kumalma siya.

Hindi alam ni Sanji kung nasaan ang apartment niya. Pero alam ng assistant nito, na siyang naghatid sa kanya galing airport. At habang lumilipas ang mga araw, nakadarama na siya nang hindi maipaliwanag na panghihinayang at desperation. Pumapasok sa isip ang mga eksenang susulpot ito sa labas ng apartment niya para sabihin ang mga sinabi nito sa restroom ng restaurant kanina. It was crazy. Pero pagkatapos nang mga ginawa nila ni Sanji, hindi na iyon nakapagtataka. At ngayon, nangyayari ang isa sa mga eksenang nabuo sa isip niya. Naroon si Sanji sa harap niya.

“Para saan?” Lumunok siya. Ipinagkrus ang mga braso sa kanyang tiyan, na para bang sa pamamagitan niyon ay mapoprotektahan niya ang sarili mula sa nararamdaman niya nang sandaling iyon.

Hindi nito pinapakawalan ang mga titig niya. “Para sa nakita mo. Sa ginawa ko. Sa mga sinabi ko.”

Nahigit niya ang paghinga. Sumasakit ang puso niya sa senseridad sa itim nitong mga mata. “Hindi kita boyfriend, Sanji,” paalala niya dito. “Wala kang dapat ihingi ng paumanhin.”

“I still want to apologize. And explain,” anito. “Isa sa mga naging hook-up ko si Stephanie. May meeting ako kanina sa Recording Manager ng SDV nang dumating siya. At sana puwede kong sabihin na hindi ako ang nag-initiate ng halik na iyon. Pero hindi. I was the one who kissed her.”

Tumama sa puso niya ang mga salita nito. Ang honesty nito, kahit masakit isipin na ito ang nag-initiate ng halik, made her feel as if he cared for her feelings. Hindi lang dahil kapatid siya nang matalik nitong kaibigan. Kundi dahil gusto niyang isipin na tulad niya, nararamdaman din nitong unfinished business pa ang nasimulan nila. And he respected what they had, no matter how insane it was. Nirerespeto siya nito.

“Bakit?” mahinang tanong niya. “Bakit ganoon ang tingin mo sa commitment? At bakit mas pinipili mong paniwalaan na hindi mo kayang makipagrelasyon kung ganito ang kinikilos mo, Sanji? Ni wala tayong relasyon pero parang... nagsisisi ka sa ginawa mo.”

Nawalan ng emosyon ang guwapong mukha nito. “Hindi tayo pupunta uli diyan, Spice.”

Pero hindi siya nagpaawat. “Bakit hindi mo hayaan ang sarili mong subukang makipag-commit? Maging masaya?” Tama ba ang hinala kong takot kang magmahal?

Frustrated na ginulo nito ang buhok, at naghahamong tiningnan siya. “Why do you care?”

“Dahil nakikita kong namumuhay ka pa rin sa nakaraan---kung anuman iyong nakaraaan na iyon. It’s not healthy. It will just make you unhappy.”

Lumapit ito sa kanya hanggang sa gahibla na lang ang layo ng mukha nila sa isa’t isa. His scent and his clean, hot breath on her cheeks drove her crazy. Pero sinikap niyang ituon ang atensiyon sa usapan sa kabila nang panginginig ng mga tuhod niya.
“Inuulit ko, Spice. Why do you care?”

“M-magkaibigan tayo...” Iyon na yata ang pinaka-lame at istupidong sagot sa isang tanong.

Lumayo si Sanji at sarkastikong natawa. “Magkaibigan?” Umiling ito.

“So, pagkatapos nang mga ginawa natin, inaasahan mong magiging magkaibigan tayo, Spice?”

Nairita siya sa panunuya nito. Talaga bang sinasadya nitong inisin siya? “Hindi ba’t ikaw ang nagsabi na aakto tayong parang walang nangyari?”

Sugar, Spice and Everything Hush: SpiceWhere stories live. Discover now