Chapter Seven, Part Three

356 15 0
                                    

Alas-dos nang madaling araw nang maalimpungatan si Spice. Nang hindi na muling makatulog, lumabas siya sa verandah nang kinaroroonang silid. Sinalubong siya nang mabining simoy ng hangin at nang magandang view ng city lights ng Cebu.

Ang akala niya kanina, mag-che-check in sila sa hotel. Sa halip, nalaman niyang may mansion si Sanji doon. Ang matandang katiwalang si Manang Juliana ang sumalubong sa kanila. Ipinakilala siya dito ni Sanji pero walang sinabi kung ano siya sa buhay nito. Nakadama siya ng hiya. Alam niya kung ano ang "relasyon" nila ni Sanji. Pero hindi iyon alam ni Manang Juliana, and she wanted to be ashamed of herself. Ano ba talaga ang ginagawa niya?

Humugot siya nang malalim na paghinga. Napatingin sa swimming pool sa ibaba nang makarinig nang splash ng tubig. Bumilis ang kabog ng dibdib niya. He was swimming. Bago pa siya makapag-isip, lumabas siya ng silid at bumaba ng kabahayan. Huminto sa entrada ng lanai nang nakitang umahon ito. At mula sa malamlam na liwanag sa pool, kitang-kita niya ang magandang pangangatawan ni Sanji sa suot na swimming trunks.

Nanunuyo ang lalamunan niya. God, he was beautiful, like a work of art. And if he were, he was a masterpiece. Mula sa halos perpektong mukha na natitiyak niyang kinainggitan nang mga kapwa lalaki, sa lean pero well-built na pangangatawan na mayroong six-pack abs, at patungo sa ibaba pa... Hindi ba't naramdaman na niya iyon? At isipin pa lang niya kung gaano iyon kalaki, parang gusto na niyang maramdaman uli... Oh, shut up, Spice. Talaga bang lagi ka nang nag-iisip nang mga malalaswang imahe ngayon? Iniinitang ipinilig niya ang ulo.

Naupo si Sanji sa isang settee sa gilid ng pool. Ipinatong nito ang mga braso sa tuhod at tumingin sa kawalan. Hindi alintana ang tumutulong tubig sa katawan. Mataman niya itong pinagmasdan. Napapitlag pa siya nang magsalita ito.

"Wala ka bang balak lumapit, love?"

"P-paano mo nalamang nandito ako?" aniya. Madilim sa kinatatayuan niya at ni hindi ito lumingon sa dako niya.

"Akala ko panonoorin mo na lang ako," anitong marahang natawa. Hindi pa rin lumingon at hindi sinagot ang tanong niya. "Bakit ka nagising?"

Lumapit siya at naupo siya sa isa pang settee. "Dahil maaga akong nakatulog? Thanks sa pagbuhat sa akin mula sa movie room."

"You're welcome."

"Hindi ka pa natutulog?"

Bumuntong-hininga ito. "Couldn't sleep." Kaya siguro nagpasya itong mag-swimming nnag ganoong oras.

Bumalot ang katahimikan sa pagitan nila. Tensiyonado pero payapa ang paligid. Maging siya ay na-amazed sa kombinasyon.

"You have a nice place here, Sanji. May bahay ka pala dito sa Cebu."

"Tagarito ang Mama," anito, hindi na nagbigay nang iba pang paliwanag.

"At matagal na dito si Manang Juliana?"

"She lived with us before in Manila," walang emosyong sabi nito. "Pero nang magawa ang bahay na 'to, pinakiusapan ko siyang dito na muna."

"Masyadong malaki ang bahay na 'to. Kung hindi ka nagbabalak mag-asawa," hindi napigilang sabi niya. Hindi ito tinitingnan.

"You're curious about that part of my life, huh?" tudyo nito, pero nahalata niyang pilit lamang iyon. "Bakit, nahuhulog ka na sa akin?"

"Of course not," agad namang tanggi niya. "Kalimutan mo na nga ang sinabi ko."

He chuckled. "You mentioned that this Bass loves music. Siguro iyon ang dahilan kung bakit nagkagusto ka sa kanya?" flat nitong tanong.

Hindi niya alam kung paano sasagutin iyon kaya hindi siya umimik. Hindi siya komportableng pag-usapan nila si Bass. Kahit na ito mismo ang dahilan kung bakit magkasama sila ni Sanji, sa hindi niya maintindihang dahilan, her heart was against it.

Sugar, Spice and Everything Hush: SpiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon