Chapter Ten, Part Three

339 12 4
                                    

Spice knew it was him. Masyado na siyang pamilyar sa posture nito na hinding-hindi niya ito maipagkakamali sa iba. Kaya nasisiguro niyang ito ang lalaking may kahalikan nang sandaling iyon sa sulok ng restaurant. At bilang kompirmasyon, nag-angat ito ng mukha at tila sinipa ng stallion niyang si Alena ang dibdib niya.

Nagkasalubong ang mga mata nila. Bumakas ang pagkabigla sa guwapong mukha nito. Then he swallowed. May emosyong nagdaan sa mga mata nito, which suspiciously looked like... guilt? Hindi siya sigurado dahil naging blanko din agad ang ekspresyon nito. At bakit naman ito ma-gui-guilty? Wala naman silang relasyon para maramdaman nitong nagtataksil ito sa kanya.

Gusto niyang yayain si Tara na lumipat sila sa ibang restaurant. Pero hindi niya hahayaang isipin ni Sanji na apektado siya. The man was a playboy. Matagal na niyang alam iyon. Pero iba ang masaksihan iyon ngayon. God, talagang hindi niya ito gusto at hinding-hindi niya ito magugustuhan kahit kailan. Of course, Spice. Kinailangan mo lang siya para magkaroon ng karanasan, hindi ba?

Ipinagpasalamat niyang sa table na malayo sa kinaroroonan nito ang napiling puwesto ni Tara. Pero napansin din nito ang lalaki.

"Oh. Ako na lang kaya ang lumapit ngayon kay Sanji Dela Vega para hingin ang number niya? I bet isa lang sa mga fling niya ang babaeng iyon. Sabi mo nga, hindi siya nakikipagrelasyon."

"At lalapitan mo pa rin siya? Para saan? Sa one-night-stand?" Wala sa loob na nilamukos niya ang tissue paper.

Her good friend smirked. "Maybe."

"Lapitan mo na. I'm sure he won't mind."

Marahang natawa si Tara. "Yeah. At aalamin ko ang identity ng babaeng iyon para maabangan natin. Alam mo na, para hindi ka nagseselos nang ganyan."

"Hindi ako nagseselos," she hissed. At nang ma-realize ang tono, agad siyang humingi ng paumanhin kay Tara at nag-excuse na pupunta sa powder room. All the while, damang-dama niya ang mga titig na iyon sa likuran niya. Tinatawag din ba nitong "love" ang babaeng iyon?

Nanginginig siya. Hindi niya nagustuhan ang nakita niya. At hindi niya alam kung bakit. Ayaw niyang malaman kung bakit. Pagdating sa restroom, huminga siya nang malalim. Mariin siyang pumikit at nang muling dumilat, nakita niyang pumasok si Sanji. Isinara nito ang pinto at sumandal doon. Mabilis ang ginawa niyang pagbaling dito.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" asik niya. Hindi nagawang itago na masama ang loob niya. Ang totoo, gusto niya itong saktan. Na maging siya ay nagulat sa gusto niyang gawin.

"I don't know," walang emosyong sabi ni Sanji. Matamang nakamasid lang sa kanyang mukha. Na para bang may kung anong hinahanap doon. And she hated him even more for being annoyingly beautiful that she couldn't stop herself from admiring him, from lusting over him sa kabila nang sama ng loob niya. At mukhang pinagti-trip-an pa siya nito sa sagot nito.

Naningkit ang mga mata niya. "Then lumabas ka na lang at ipagpatuloy mo ang pakikipaghalikan sa babaeng iyon."

"Nagseselos ka?"

"No!"

Sa isang iglap ay nasa harap na niya ito. Gahibla ang layo ng kanilang mukha sa isa't isa. "Really?" Dumapo sa kanyang pisngi ang mainit nitong hininga at bahagya siyang nanginig. Nalunod siya sa itim nitong mga mata. "Bakit galit ka?" Bumaba ang mga titig nito sa mga labi niya bago muling hinuli ang mga mata niya.

"Hindi ako galit. At huwag mong susubukang halikan ako pagkatapos mong makipaghalikan sa babaeng iyon," mariing sabi niya. Bahagya lang sumagi sa isip na wala naman talaga itong karapatang halikan siya dahil hindi niya ito boyfriend, at nilinaw nito sa airport na tapos na ang charade nila.

Tila pinigil nito ang mapangiti sa sinabi niya. "Sure. Do you want me to go down on you here instead?" His tone was low, husky, seductive.

Nalaglag ang puso niya sa sahig. Pinuno ng pagnanasa ang katawan at isip niya sa ipinahiwatig nito. Lalo na nang bumaba ang kamay nito sa kanyang hita, at dahan-dahang ipinasok sa skirt niya.

"Alam kong ang tatlong araw lang na iyon sa Cebu ang naging usapan natin, but it didn't have to end there yet, did it?" he rasped out and she shivered at the absolute need in his voice. "I can still make you feel good, if you want me to." Hindi ba't lihim niyang hinintay na maulit ang tagpong iyon? Pero hindi niya makalimutan ang halikang nasaksihan kanina.

Sa naalala ay mabilis niya itong itinulak. "No." Saka automatikong guwinardiyahan ang sarili. "Tumawag sa akin si Bass kanina. Hindi na raw siya makikipagbalikan sa ex niya."

There it was. The anger in his eyes. Iglap itong lumayo sa kanya. "That's good. You can easily seduce him now and he'll be yours," tiim-bagang nitong sabi. Akmang tatalikod na nang tila may naalala. "Oh, and Spice? Alam mong hindi kita girlfriend, right? Hindi ka dapat nagseselos kay Stephanie." Iyon lang ang sinabi nito bago lumabas ng restroom. Kasamang tinangay ang matinding init na nadama niya kani-kanina lang.

May kung anong nabasag sa dibdib niya. Bakit kailangang saktan siya nito? At bakit... nasasaktan siya? At sa kabila nang lahat, mas lalo siyang nasaktan nang ma-realize na hindi siya nito tinawag sa endearment nito sa kanya.

Sugar, Spice and Everything Hush: SpiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon