Chapter Twenty One, Part Two

299 14 0
                                    

"You missed him, don't you?"

Parang may sumuntok sa sikmura ni Spice nang marinig ang tanong ni Tara pagkatapos nang ilang sandaling pananahimik nito. Sarado na ang StarCoffee nang mga oras na iyon, pero naroon pa siya sa opisina at nag-i-inventory nang daanan siya ni Tara bago ito pumasok sa hospital. Abala siya sa ginagawa nang bigla nitong banggitin ang nangyari three weeks ago kung saan naabutan siya nitong umiiyak habang yakap ni Bass matapos ang pangyayaring hinding-hindi niya makakalimutan. Hindi rin siya noon iniwan ni Tara pero hindi ito nagtanong kung ano'ng nangyari. Ngayon lang.

Namalayan na lang niyang pahapyaw niyang sinabi dito ang mga nangyari mula sa pagsunod niya sa planong akitin si Bass hanggang sa kung bakit itinulak niya si Sanji palayo. At mula kung saan, somehow desperate na makita ang reaksiyon nito, sinabi niya dito ang tangka niyang pagpapakamatay---bagaman hindi ang totoong dahilan. Tulad ni Hush, hindi niya ito kinakitaan ng awa o iba pang negatibong emosyon. Mataman itong nakinig, walang panghuhusga sa mga mata. Sa halip, nakakaunawang ngumiti ito at sinabing masaya ito dahil nagkaroon ito ng pagkakataong maging kaibigan siya. Simpleng mga salita lamang iyon, but it lifted her spirit up. Mukhang nakatagpo talaga siya ng bagong totoong kaibigan sa katauhan ni Tara. Lalo na ngayong natitiyak niyang may pinagdadaanan din si Hush dahil sa muling pagbabalik ni JC sa buhay nito kaya hindi rin nagpaparamdam. Alam niyang tatawag na lang ito kapag handa nang magsalita.

“Tawagan mo kaya siya,” sabi pa ni Tara.

Tuluyang nag-sink in sa kanya ang gusto nitong mangyari. Apparently, matapos marinig ang nangyari sa pagitan nila ni Sanji, iyon ang reaksiyon nito.

“W-what?” aniyang nabigla at naalarma sa suhestiyon nito.

Nagkibit-balikat ito. "Because you missed him."

Parang may mariing kamay na pumisil sa puso niya. Tatlong linggo na mula nang mag-walk out si Sanji sa apartment niya at sa buhay niya. Of course, she missed him.

"Nakikita mo si Bass?" sa halip ay tanong niya, walang balak seryosohin ang sinabi ni Tara. Matapos niyang magkuwento dito, nakadarama siya nang panghihina. Gayunman, kahit paano, nabawasan ang bigat ng dibdib niya dahil nailabas niya iyon.

Tumawag sa kanya si Bass noong isang araw, at sinabing na-mi-miss na daw siya nito, at handa daw itong tanggapin ang friendship niya kung iyon lang ang kaya niyang ibigay dito. Lihim niyang ipinagpasalamat iyon dahil hindi niya gustong magtapos ang pagkakaibigan nila. Still, bihira siyang mag-reply kapag nag-mi-message ito. Mas gusto sana niyang mapag-isa muna. Bagaman okay lang na binisita siya ni Tara.

"For sure, brokenhearted. Hindi ko siya nakikita. At saka na natin siya pag-usapan," ani Tara na napabuntong-hininga. "Look. Hindi mo ba gustong malaman kung na-mi-miss ka rin ni Sanji?"

Lalong nanikip ang dibdib niya. "Tara, I think ma-li-late ka na," aniyang malungkot na ngumiti. "Thank you for listening." Na-appreciate niya iyon ng husto, but she was quite worried sa patutunguhan ng sinabi ni Tara. Lalo lang siyang nahihirapan. Kanina, nakita niyang sa kabila nang halos dalawang buwan na ang nakararaan mula nang i-upload niya ang viral music video niya, pinag-uusapan pa rin iyon at ang hindi niya paglantad. Na-appreciate niyang nirespeto ni Sanji ang desisyon niyang huwag mahpakilala, pero hindi niya mapigilang hilingin na sana hindi ito sumuko at in-encourage pa siya nito. Na sana... Ipinilig niya ang ulo. Hindi niya gustong mag-isip.

"No, babe. Please, hear me out. Naisip ko lang kasi, paano kung hindi ka nagpadalos-dalos at pinakinggan mo si Sanji?" Tara asked gently. "Naisip ko lang na kung handa siyang sumugal sa'yo sa kabila ng nakaraan niya, then his feelings for you were strong enough. Na kahit ang mga sugat mo o ang ginawa mo sa nakaraan ay hindi magiging dahilan para layuan ka niya."

She swallowed hard. "Tara---"

"Don't be scared, Spice. Hindi pa huli para sabihin mo sa kanya ang lahat at para harapin mo kung anuman ang maging reaksiyon niya. Take a leap, because he already did. Nilinaw niya sa'yo ang intensiyon niya. He deserved your honesty, too. Sabihin mong nagsinungaling ka lang na si Bass ang pinili mo. At sabihin mo kung bakit mo ginawa iyon. Huwag ka nang matakot na baka masaktan ka lang sa maging reaksiyon niya, dahil ngayon pa lang na hindi mo siya nakikita, nasasaktan ka na. Take the risk. If he's going to judge you tulad nang iniisip mo, then he's not worth it. Move on. Ang importante, wala kang pagsisihan sa huli."

Ilang sandali nang nakaalis si Tara pero nagpabalik-balik pa rin sa isip niya ang mga sinabi nito. There. Narinig na niya mismo sa bibig ng kaibigan ang mga salitang ilang gabi nang nagpapabalik-balik sa isip niya.

Sanji decided to face his fears for her. Naalala niyang sabi nito, siya ang nag-iisang bagay na hindi nito kayang tanggihan. Natatakot itong baka tulad ng ama nito, magawa nitong saktan siya. Natatakot itong magmahal. Pero sa huli, mas pinili nitong sumubok. At kung handa itong gawin iyon, bakit hindi niya naisip na para magawa nito iyon, hindi lang dahil mahalaga siya dito, kundi dahil mas malalim ang nararamdaman nito para sa kanya nang higit pa sa inaakala niya? Siguro nga dahil sa mga sugat niya, maaalala nito ang ginawa ng ina nito. But what if he wanted to be with her as much as she wanted to be with him? Na kahit pa malaman nito ang buong dahilan ng mga sugat niya, tatanggapin pa rin siya nito at hindi huhusgahan? Had her fears made her too blind to see the possibility? And too deaf to even try to comprehend those questions that had already been playing in her mind for quite sometime now? At paano kung tumigil na siya sa paninisi sa sarili? Paano kung puwede naman pala siyang maging masaya?

Damn it. Bigla siyang nakadama ng frustration. "Well, hindi na masasagot ang mga tanong na iyon. It's too late," mapait niyang kausap sa sarili at parang may tumusok sa puso niya nang maalala ang pagsuko sa tono ni Sanji nang huli silang mag-usap.

No. You're just a coward, nanunuyang wika rin ng munting tinig na iyon. And to think that all this time, nangangamba si Sanji na baka masaktan ka niya, making himself believe that you deserved better. Gayong kung tutuusin, ikaw ang hindi nararapat para sa kanya. Not only because you would remind him of what his mother did; kundi dahil masyado kang duwag para harapin ang takot mo at ipaglaban ang nararamdaman mo para sa kanya.

Damn it.

Sugar, Spice and Everything Hush: SpiceWhere stories live. Discover now