Napatayo ako. Kailangan kong iligtas ang sarili ko!

Nawerdohan s'ya sa ginagawa ko pero wala akong pakialam kailangan kong iligtas ang aking sarili laban sa kanya!

"What--I mean anong ginagawa mo?" Ginagawa ko? Hala baka iniisip na n'yang aalis ako kaya hindi n'ya matuloy ang plano n'ya. Kailangan kong umacting para hindi s'ya makahalata na aalis ako. Bukas na bukas aalis ako sa trabaho ko! Ayaw ko pang mamatay!

"H-hu? W-wala p-po." Takot na takot kong saad. Hindi ata s'ya kumbinsido kaya tumayo s'ya at naglakad palapit sa'kin.

"W-wag k-ka lumapit!" Takot na takot kong sigaw. Baka may ilalagay s'ya sa ilong ko katulad ng mga kidnapper!

"Hey? Bakit parang takot ka? May masakit ba sa'yo? Damn! Tell me Carnasyon!" Parang galit na galit na ata s'ya. Wahhhh mama ayaw ko pa pong mamatay!

"Ser! Wag n'yo po akong embalsamahin!" Humakbang ang mga paa ko patalikod habang humahakbang naman ang kanyang mga paa papunta sa'kin. Naramdaman ko nalang na lumapat na ang aking likod sa dingding.

"What? Embalsamahin?"

"Yis ser! Yu plessis spear my life ser! I hav plentiful of drems! Gusto ko pa pong iahon sa kahirapan ang inay ko! Gusto ko pang magtapos ng pag aaral at ang kapatid ko gusto ko pa pong pag aralin kaya maawa ka ser! Wag n'yo po akong patayin!" Takot na takot na sigaw ko.

Lumapit ang mukha ni Ser sa akin, ilang pulgada nalang ang agwat ng aming mga mukha at maghahalikan na kami.

Ang ganda talaga ng kanyang mga mata.

"Iniisip mong eembalsamahin kita huh?" Sabi n'ya sabay tingin sa labi ko. Napalunok s'ya.

"O-opo."

"Bakit ko naman gagawin yun?" Saad n'ya sabay tingin ulit sa mata ko tapos sa labi ko.

"K-kasi po C.E.O ka." Saad ko naman, nararamdaman ko na ang tama ng hininga n'ya sa mukha ko.

"At ano naman ngayon kong C.E.O ako ha? Iniisip mo bang kaya kitang patayin dahil may pera ako. Pera lang din ba ang gusto mo?" Lumayo ang mukha ni Ser sa akin. Nagbago ang kanyang anyo, naging malamig ulit ito.

"Bobo po kayo? Hindi po yun ang ibig kong sabihin Ser." Saad ko kasi nakita kong nagiging masungit uli s'ya. Tumalikod s'ya sa akin pero nakatigil parin.

"C.E.O po kasi, Carnaper, Embalsamador Oficer. Hindi n'yo po alam yun? Bobo n'yo naman po."

"What!? Carnaper, Embalsamador Officer!? Are you seriously kidding me Carnasyon!?" Gulat na gulat n'yang saad sabay tingin sa'kin.

Kidding? Diba magbiro yun? Mukha ba akong nagbibiro? Ako ba ay pinagloloko ni Ser?

"Ser? Hindi po ako nagbibiro. Totoo po yun. At kung may balak kang embalsamahin ako wag po. Bata pa po ako. Marami pa akong pangarap sa buhay." Seryoso kong saad. Kailangan kong ilaban ang aking buhay. Wala akong sa isang teleserye na may dadating at sasagip sa akin. Nandito ako sa realidad ng buhay na ang sarili ko lang ang aking tanging makakapitan.

Nakita kong nagbago ulit ang anyo ni Ser. Parang pinipigilan n'yang matawa hanggang sa natawa na talaga s'ya.

"Damn HAHAHAHAHHA you're really HHAHAHAHAHAHAHA funny HAHAHHAHAHA Carnasyon HAHA you really HAHHAHAHA made my day HHAHAHAHAHAHA!" B-baliw na ba si Ser? Hala! Kailangan kong tumawag sa mental hospital! Hindi na 'to pwede!

Tumigil na sa kakatawa si Ser at tiningnan ako ng seryoso. Dahan dahan s'yang naglakad papalapit sa'kin. Lumapit ulit ang mukha n'ya sa mukha ko. At nagwika.

"I'm sorry Carnasyon because I will steal something important from you but I am not sorry for doing this,"

Napadilat ng malaki ang mga mata ko dahil sa ginawa n'ya. Hinalikan n'ya ako. Nakalapat ang kanyang mga labi sa aking labi. Parang may naramdaman akong bulate sa t'yan ko. At ang puso ko ang lakas ng kabog. Tinanggal na n'ya ang kanyang mga labi at nagwika.

"Your lips is really tempting. I'm sorry I can't stop my self from claiming that gem." Saad n'ya sabay labas sa pintuan.

Naiwan akong nakatulala at nakahawak sa dibdib ko. Hinalikan ako ni Ser? Hinalikan ako ng C.E.O o Carnaper, Embalsamador Oficer? Bakit ang lakas kumabog ng dibdib ko? Bakit parang kinikilig ako? Ito na ba 'yun?

May sakit ako sa puso!?

*********************
Hit it dudes
MissteriousGuile

THE BILLIONAIRE'S SLAVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now