Kinahapunan, naghanda na kami para sa gaganaping general assembly.

"Halika Sky, let me do your hair," ani ni Oe.

"A-ah, I guess I'll better stick with this hairstyle," sagot ko. Simple lang ang buhok ko ngayon, sinuklayan ko nalang at nag make-over na.

Bell rings..

"Let's go guys," Cass.

Lumabas na kami at nagtungo sa General Hall, sabay na kaming naglevitate tungo sa upper wing, except ni Cass dahil nagteleport lang siya. Nakita rin namin na kakarating lang ng mga boys dahil sa hiyawan ng mga girls sa baba, parang mga celebrity talaga oh.

Nang makita ako ni Third agad siyang nagsmile sa akin, doon ko rin napansin na nasa likuran niya si Cyrus na nakatingin din sa akin kaya umiwas na ako ng tingin.

"Bakit parang matamlay ka ngayon?" tanong ni Third sa akin at tumabi ng upuan. Nasa likuran namin ang tatlong boys na sina Crater, Grus at Cyrus.

"Huy, okay ka lang ba?" tanong ulit ni Third.

"A-ah o-oo okay lang," ako.

"Good evening students!" bungad ni sir Polaris kaya tahimik na kaming lahat at itinuon ang mga atensyon namin kay sir.

Biglang may lumabas na malaking parang tv sa itaas ni sir na parang 200 inches ang laki. Tapos may effects na lumalabas mula rito, NOMINEES OF ZODIAC CIRCLE

"Alam n'yo naman na isang mahalagang gabi sa history ng Zodiac University ngayon," pagpatuloy ni sir.

Lumitaw na rin sina miss Lydia, miss Kareen at miss Twinkle sa tabi niya.

"Hindi na natin patagalin pa, i-aannounce na namin ang resulta ng Zodiac Circle Election, at kapag nagflash ang pangalan ninyo sa Visurous, agad kayong pumunta rito," sir Polaris.

Sobrang sabik na ngayon ng lahat ng estudyante sa resulta.

"THE FOLLOWING STUDENTS MUST COME FORWARD," tunog ng tinawag na Visurous ni sir Polaris na parang TV.

"Candidates for Gemini, Carina and Santiago," Visurous. Sabay na nagflash ang dalawang pictures at names sa screen.

Insert graduation theme music. Joke.

Nag-auto teleport ang dalawang itinawag na pangalan tungo sa General Hall Stage at sabay na naghiyawan ang mga estudyante.

Syempre, obvious naman na masali talaga si Carina, sobrang popular din niya. Para na rin itong People's Choice Awards, lol.

"Candidates for Capricorn, Randy and Grus," Visurous.

Wow nasali rin si Grus.

"Candidates for Virgo, Anna and Willy," Visurous.

Si Anna rin.

"Candidates for Aquarius, Oe and Reymart," Visurous.

Yey! Proud na proud ako sa kaniya!

"Candidates for Cancer, Rudy and Ara," Visurous.

Expected na masali ang mga friends ko syempre, proud na proud ako sa kanila.

"Candidates for Libra, Crater and Solina" Visurous.

Woah, si Crater rin nasali.

"Candidates for Taurus, Cassiopeia and Eimee," Visurous.

Yey! Go Cass! Sobrang ingay na talaga ng General Hall dahil sa mga resulta.

"Candidates for Aries, Kimberly and Elizabeth," Visurous.

Si Kim din nasali, iba talaga kapag masali ang magbabarkada.

"Candidates for Pisces, Third and Porche," Visurous.

Mas lumakas ang ingay ng General Hall. Aww I'm proud of you beb!

"Candidates for Saggitarius, Blake and Cyrus," Visurous.

What? Cyrus? Really? Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong nagteleport si Cyrus tungo sa mga candidates.

"Candidates for Scorpio, Vita and Excel," Visurous.

Ehh? Excel? Woah wait? Akala ko ba Leo si Excel?

"Lastly, Candidates for Leo, Blu and Sky," Visurous.

Mas nagulat ako nang biglang lumiwanag ang paligid ko at napunta na ako sa General Hall stage.

"Wow, congrats Sky!" bati sa akin ng mga kaibigan kong candidates.

EHHHH?? BAKIT AKO NASALI RITO?

Napapalibutan kami ng mga naghihiyawang estudyante. Nagsipalakpakan ang lahat sa loob ng General Hall.

"P-paano ako nasali dito, kaka-diamond rank ko palang ah?" ako.

"Alam mo bang naging busy kaming mga election representatives dahil sa last minute pahabol na votes sa nomination area in the past days?" wika ni Crater sa akin.

Nyems!! What?

*---*---*---*

Do not forget to vote for this chapter!

You can use these hashtags:

#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle

See you on next chapter!

-axinng

ZODIAC UNIVERSITY: Meet The Zodiac CircleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon