"Kaya pala sobrang interesado ng kaharian namin sa iyo, lalong-lalo na ang hari," wika niya.

"I don't care about your stupid kingdom!" sigaw ko naman.

Biglang bumitaw si miss Twinkle sa akin at napasandal siya sa mesa.

"Ack!" sigaw ko.

"A-ang lakas ng kapangyarihan ng gumawa sa iyo niyan," aniya.

"Miss?" ako.

"Hindi ko alam kung sino ang nagsadyang alisin sa iyo ang nakaraan mo, huwag kang mag-alala Sky, the gap will be filled in no time, you will remember everything again," hina niyang sambit at napasandal siya sa mesa.

Nanghihina si miss. Miss sobrang laki po talaga ng naitulong mo sa akin. Miss used up her healing energy para sa kapakanan ko, nakatulog na tuloy siya.

Inalalayan ko na siya tungo sa clinic at pinahiga na. Lumabas ulit ako para pumunta sa usual place namin ni Cyrus.

May bad girl side pala ako? 

Pagkarating ko sa ilalim ng puno kung saan kami parating magpipicnic ni Cyrus, wala pa si Cyrus. Bakit ang aga ko?

"Hi Sky," Cyrus.

"Ano nga pala ang pag-uusapan natin?" ako.

He sat beside me while looking at the school's campus kaya umupo na rin ako. He's just trying to be the typical Cyrus tonight just like the old days, except for his stares at me at medyo na weweirduhan ako sa kaniyang kilos.

"May sasabihin ka sa akin?" tanong ko.

"Mayroon," ikling sagot niya.

Binigyan ko lang siya ng ano-naman-yon look. Ngumiti na naman siya, typical Cyrus.

"I took this moment for us Sky, because I am afraid na baka hindi na ako magkakaroon pa ng pagkakataon na makahingi ng oras sa iyo," tugon niya.

"What?" ako. Itinulak ko siya pero friendly push lang. "Ano bang trip mo ngayon ha? hahaha."

Binigyan niya ako ng hindi-ko-din-alam look.

"Alam mo, ang weird mo ngayon," ako.

"Mag to-two months ka na sa university hindi ba? Ako mas nauna lang ako ng isang linggo sa iyo rito," Cyrus.

"Ah talaga ba? Oo nga no? Dalawang buwan na, ang dami na ring nangyari sa mga buhay natin," ako.

"Naalala ko pa nga sobrang lampa mo dati, kahit hindi mo alam pinaggagawa mo, pinagpatuloy mo pa rin," dagdag niya.

"Oo nga, sobrang trying hard ko dati hahaha," ako.

"Kaya 'yon din ang nagustuhan ko sa iyo," siya.

Nabigla ako sa sinabi niya.

"Nagmamatapang ka kahit alam kong naduduwag ka," pagpatuloy niya.

"Cyrus," ako.

"Kaya nga nachachallenge ako sa iyo, nakakalimutan ko lahat kapag kasama kita, parang nahihirapan ako sa mga bagay-bagay na sobrang dali lang sana sa akin, at gustong-gusto kitang kasama palagi," pagpatuloy niya.

"Ano bang---," ako.

"Kahit na kaya kong mag rank-up agad, pero hindi ko nagawa dahil ayokong maiwan ka, gustong-gusto kitang maprotektahan," siya.

"Ano bang sinasabi mo?" ako.

"Gusto kita Sky," direkta niyang sagot.

"Ha?" ako.

"Gusto mo rin ba ako?" tanong niya. "Haha, hindi mo kailangan sagutin ang tanong ko, dahil alam kong masasaktan lang ako."

"H-hindi ko lang inexpect ito," ako.

"Sa iba kasi nakatuon ang atensyon mo, nakalimutan mong nandito ako," Cyrus. Ngumiti siya sa akin.

Sobrang blangko ng isipan ko. Hindi ako makareact sa kaniya. Nyemas!

*---*---*---*

Do not forget to vote for this chapter!

You can use these hashtags:

#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle

See you on next chapter!

-axinng

ZODIAC UNIVERSITY: Meet The Zodiac CircleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon