Siya ang tanging lalaki na nagpakita sa akin na pwede palang maging posible ang itinuturing ng iba na imposible. Pinakita niya kung paano piliing maging masaya at kung ano nga ba ang pag-ibig.

~Because you don't know what it means to me~

"So atleast you won't feel uncomfortable."

"Good Morning..."

"Yes! She's with me and I'm with her!"

"You have your value. I may not personally know what you're going through but for me, you're important. Not everyone would appreciate you, so find people who would do, and first, you should appreciate yourself more than anyone can do."

Kung kailan pinipili ko nang aminin sa sarili kong iniibig ko nga siya, bakit ngayon ko pa mararamdaman ang sakit na 'to?

Bakit ako nasasaktan? Bakit ganito ako kaapektado sa nalaman ko? Ganito ba talaga kapag nagkagusto—kapag nagmahal?

~Love of my life, don't leave me~

Hindi ko mapigilan ang sarili kong maluha.

~You've taken my love, you now desert me~

"Huwag mong hayaan na mapamahal ka kay Estefanio Del Carpio."

Kung nandito lang si Eda, siguradong sasabihin niya kung bakit ba kasi sinuway ng puso ko ang paalala niya noon. Ngayon, ako lang naman ang nasasaktan dahil sa disesyon kong aminin sa sarili ang nararamdaman ko.

~Love of my life can't you see~

"Alam mo bang may alamat ang Paoay Lake na 'yan?"

Nagitla ako nang sumulpot sa tabi ko si Mr. Gonzales habang nakatulala ako sa lawa ng Paoay. Mabilis kong pinunas ang luha sa mukha ko at nilingon siya. "Kayo po pala Mr.Gonzales."

"Tito Marcus na lang. Ang pormal naman ng Mr. Gomzales. Hindi ako tulad ni Elizabeth na gustong gustong tinatawag sa dinadala niyang apelyido," saad nito habang nakatitig sa lawa. Unti-unti nang sumasapit ang dapit-hapon at natatakpan na ang langit ng mga itim na ulap. "Teka, umiiyak ka ba?"

Mabilis akong umiling. "H-hindi po. Ganito lang po talaga ako k-kapag natutulala—naluluha," pagtatanggi ko. Pilit akong ngumiti sa kaniya.

~Bring it back, bring it back
Don't take it away from me~

Mula sa kinatatayuan namin ay bahagyang napadako ang tingin ko sa isang kainang kubo na ilang metro ang layo mula sa amin. Kita kong naroon si Estefanio at Alanis habang masiglang kumakain. Nagpapatugtug ang may ari ng karenderya. Hindi ko mapigilang maramdaman ang kirot sa puso ko habang nakikita si Estefanio.

~Because you don't know what it means to me~

"Bakit ka nga pala narito? Bakit hindi ka sumabay kina Estefanio sa pagmi-meryenda?"

Napalingon ako kay Tito Marcus. Nanatili lamang ang tingin niya sa kabuuan ng lawa. "Nagpapahangin lang po." Napabuntong-hininga ako. "A-ano nga po pala 'yung sabi niyo kanina?" pag-iiba ko ng usapan. Ayokong isipin niyang may dinadrama ako. Alam na ni Alanis na gusto ko si Estefanio. Nakakahiya namang buong kapamilya na ni Estefanio ang makaalam nito.

"Ah, 'yung alamat ng Lawa ng Paoay," tugon nito sa akin. Naiisip kong isang mabuting tao at ama si Tito Marcus. Halata ang pagmamahal niya 'di lamang kay Alanis dahil maging kay Estefanio ay parang anak na rin ang trato niya rito. Mabubuti naman talaga ang mga Gonzales. Tanging si Mrs. Del Carpio lang ang may hinanakit sa kanila.

"Sabi nila, dating baryo rin daw ang nasa ilalim ng lawang ito," dagdag niya. Taimtim akong nakinig habang nakatanaw sa lawa. "Isang mayamang baryo pero ang naging problema, naging makasarili at masama raw ang mga naninirahan dito kaya't nagalit ang Diyos. Batay sa mga kwento, nagbigay ng mga sinyales ang Diyos para malaman ng mga tao ang pagkakamali nila at baguhin ito. Mga sinyales na nagsasabing mali ang kanilang mga ginagawa at disesyon. Kaso, inalintana lamang ito ng mga mamayan ng barrio. Hindi nila ito pinakinggan at patuloy na pinagsawalang bahala kahit na napakarami na ng mga senyales na ito. Kalaunan, kahit na may iilang nagbago...nauwi pa rin sa trahedya ang buong lugar nila. Bumaha at nalubog ang mga ito sa tubig, ang buong barangay nila at ito na ngayon ang tinaguring Paoay Lake," pagsasalaysay ni Tito Marcus.

Till I Rewrite The Stars (Under Revision)Where stories live. Discover now