Chapter 38

112 9 15
                                    

Renzo's POV

Isang araw nanaman ang lumipas pero walang maski anong  balitabkay Lance. Sa bawat oras lagi ko siya naaalala at patuloy parin akong naiiyak. Miss na miss ko na siya, wala akong ibang magawa kundi ang mag dasal na sana makita na namin si Lance ng buhay.

Gusto ko na siyang mahagkan at mahalikan muli. Sana sa oras na to ay ayos ang kalagayan niya at alam ko din na nasasabik na siya makita ako.

Hindi parin kami titigil mag hanap sakanya kahit mapagod ako ay iindahin ko ang lahat para lang magsama kami muling muli.

Someone' POV

"Ayun buti naman gising kana. Eto oh higop ka muna ng mainit na sabaw para naman kahit papaano magkalaman yang tyan mo. Pasensya ah? Wala pa kasing matinong pagkain hindi pa ko nakaka pangisda."

Sa dami kong sinabi wala siyang maski anong sagot. Nakatulala lang siya at tila di ako naririnig.

Lumapit nalang ako at umupo sa tabi niya. Naawa ako sakanya dahil mukhang di madali pinagdaanan niya.

Nang tumabi ako bigla naman siyang tumingin sakin at nagulat ako sa sunod na ginawa niya.

Yumakap siya.

Ng sobrang higpit.

Hinayaan ko lang siya dahil ramdam ko ang pagpatak ng luha niya saking balikat.

Niyakap ko na din siya para damayan. Pinatatahan ko na rin siya.

"Ligtas kana... Wag kana umiyak..." sabi ko at hinihimas ang likod niya.

Medyo naging kalmado na siya. At bumitaw sa pagkakayakap.

"Sorry... Di ko sadya." pag hingi niya ng tawad at mukhang nahiya siya sa pagkakayakap niya.

Ngumiti lang ako.

Alam kong may itsura naman ako pero etong lalaking to halatang mayaman, sobrang kinis at cute.

"Albert nga pala." sabay lahad ng aking kamay bilang pagpapakilala.

Inabot naman niya ang kamay ko.

Parang babae kamay niya dahil ang lambot at hindi kalakihan.

"Lance..."

.............

"Mang andoy! Malas parin konti huli."

Kakatapos ko lang mangisda at eto hindi parin maganda ang araw dahil kaunti lang ang nahuling isda. Kaya wala nanaman kita.

"Nako Bert, daming nag rereklamo kanina kasi wala din masyado nakuhang isda. Sana naman sa mga susunod na araw ay dumami na para mas malaki kitain natin." malungkot na tugon ni Mang Andoy.

Dala dala ang kaonting huli ay nagpatuloy na kami ni Lance pabalik sa bahay.

" Saya pala mang huli ng isda noh? " masayang sabi ni Lance.

"Masaya sa una lalo na't ngayon mo lang nagawa pero pag araw araw mo na to ginawa tapos konti huli magsasawa kana lang." sagot ko naman.

"Paano pala yan pag wala kayong huli? San kayo kumukuha ng pera or pagkain?" tanong niya naman sakin.

Nakabalik na kami sa bahay at kumuha na ko ng bigas upang mag saing. Para bago mag dilim makakapag hapunan na kami. Mahirap kasi pag gabi na wala naman kuryente, gasera lang ang mayroon.

"Pag walang huli, tiis nalang sa saging saging, okaya naman pag may bigas asin ulam basta mahalaga di gutumin at mairaos ang isang araw." sagot ko.

Nananhimik siya at may lungkot sa mukha niya.

"Oh bat nanahimik ka dyan?" tanong ko naman.

"Hirap pala ng sitwasyon niyo dito... Wala bang tumutulong sainyo? Like kabitan ng kuryente bahay ng bawat isa dito or kahit anong tulong galing gobyerno."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 13, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Secretly Loving YouWhere stories live. Discover now