Chapter 23

1.2K 26 5
                                    

"Renzo!!! Anaaak??? Gising na."

"Renzooooo!"

"Ay patawarin !!!!"

Sigaw na nakapag pagising sakin.

At nakapag pagulat sa Mama ni Renzo dahil pag pasok niya dito sa kwarto magkayakap kaming natutulog ,masaklap pa walang suot na ipang taas si Renzo.

"Ay Renzo! Ano ba yan!" Angal ko kunyari kasabay ng pagtulak sakanya at sabay tayo sa kama.

Ang mama naman ni Renzo ay may ngiti na hindi ko alam kung nag iisip ba ng hindi maganda o sadyang wala lang sakanya ang bagay na ganito.

Nagising na rin naman si Renzo. Nag unat unat pa si mokong na parang walang pakielam kung ano nangyare.

"Mukhang nakaistorbo, baba nalang kayo Lance para kumain ah??" Nakakalokong sabi ni Tita sabay kindat sakin.

Ramdam ko yung hiya hanggang buto ! Shemay naman oh!

"GoodMorning Lance, bakit parang gulat na gulat ka?" Sabi ni Renzo habang nakahiga parin sa kama.

Kahit gulo-gulo buhok niya at bagong gising itsura niya sobrang gwapo parin niya sabayan pa ng pamatay na ngiti.

"Ah... kasi....Pumasok mama mo dito sa kwarto."

"Pumasok lang pala eh. Wag kana mahiya dun!" Sagot niya . Umupo na siya ngayon sa kama kaya kita na ang katawan niyang hot. Kainis!

"Ayun na nga eh..  Kaso nakita niya magkayakap tayo.... Baka kung ano isipin niya eh " hindi ko mapakaling sabi sakanya.

Tumawa siya sakin at nakatingin lang. Nakaka-inlove mga tinginan niya susko naman.

"Wala yun. Sanay na yun si Mama. Mga tropa ko nga nakayakap at dantay sa isa't isa eh." Sabi niya pa.

"Eh ayun na nga.. kaso syempre alam niyang bakla ako tapos ganun tayo nakita."

"Hindi yan...  Wag kana mag isip ng kung ano-ano ok??? Ang mahalaga nag enjoy ka." Sabay tawa niya.

"Luh!!! Kapal ah! Baka ikaw nag enjoy!"

"Sus ayaw pa aminin !! Nag enjoy naman talaga siya! Yieeee!" Lumapit siya para kilitiin ako.

"Zo! Ano ba! Nakikili-" hindi ko matuloy sinasabi ko dahil sa kakatawa.

"Tama na! Hindi na ko makahinga!" Saway ko.

"Sabihin mo munang nag enjoy ka sa yakap ko!" Pilit niya, sabay kiliti nanaman sakin habang naka higa.

"Ayo-ko....tama na kas- hahaha"

"Sabihin mo na kasi!!!"

"OO NA!" Sigaw ko para tigilan na niya ko. Buti tumupad siya sa usapan ,ngunit hawak parin niya ang braso ko.

"Oo ang alin??? Bilis sabihin mo muna "oo nag enjoy ako sa yakap mo" bilis naaaaa!" Tampo tampuhang boses. Grabe ang cute talaga nitong mahal ko.

Natatawa ako sa kilos niya ngayon, hindi ko inaasahang mararanasan ko at makikita ko siyang ganito saakin.

"Oo na! Nag enjoy ako! Ok na? Happy ? Happy?" Pag suko ko wala na eh ,baka mamatay ako kakatawa dahil ubos na hininga.

Tatayo na sana ako kaso pinigilan niya ko, kaya naman nahawakan ko balikat niya at siya naman ay napaibabaw sakin.

Magkalapit na mukha namin at nakatitig lang ako sa mga mata niya. Tumitigil ang oras ko ngayon dahil sa kaba at ligaya.

Hahalikan niya ba ako??

Ngumiti siya at naging mapungay mata niya.

"Paano kung halikan kita uli?" Pabulong niyang tanong na medyo husky voice pa. Ang hot niya sabayan pa ng titig niya.

Secretly Loving Youजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें