Chapter 19

1.4K 38 3
                                    

"Pre parang babae kutis neto ah?"

"Oo nga jackpot kahit bading!"

"Laspagin natin to!"

"Iyak to panigurado."

Hinanda ko nalang ang sarili ko .

Tatanggapin nalang ang mangyayari. Kesa hindi na ako abutin ng umaga na humihinga.

Gusto kong pumalag ngayon pero kada palag ko ay sakit ang kapalit.

Nakakapang hina.

Ito ang una kong pagkakataon na ako ang papasukin at masaklap dahil sa hindi ko pa kilalang tao.

Pumikit ako at huminga ng malalim, nakikiramdam sa mga susunod na maaring mangyari.

"Sige umiyak ka lang!!!" Sigaw ng isang lalaki sakin, kasabay nun ay naramdaman kong may ipinasok sa aking likuran at dahil dun ay napasigaw ako na halos maputol ang aking ugat sa leeg.

Pakiramdam ko mapupunit at pakiramdam ko na hihimatayin ako. Hindi to tama.

"Arghhh!!! Mga hay*p kayo!!!" Sigaw ko sa gitna ng sakit na aking nararamdam.

Puro tawa ang naririnig ko sakanila at para silang mga asong nababaliw.

"Mga g*go kayo! Bitawan niyo siya!!!" Sigaw ng isang lalaking tumatakbo papunta sa pwesto namin sabay sapak sa lalaking nasa likuran ko.

Nakapikit parin ako ngayon dahil sa labis na takot.

Hindi ko magalaw buong katawan ko dahil sa labis na sakit na natamo ko.

Rinig ko ang sapak at sigaw nila, natatakot parin ako dahil sa posibleng mangyare at kilala ko ang boses ng taong nandito upang sagipin ako.

Pag mulat ko ng aking mata una ko siyang nakita na sinasapak ang isang lalaki habang nakahiga ito, halos patayin na niya pero natigilan siya ng makita akong nakatingin sakanya.

Bagsak lahat, parang nawalan ng malay at siya naman ay may dugo sa kanyang labi.

Dahil sakin nasaktan siya.

Pero dahil sakanya nakaligtas ako sa isang bangungot.

Lumakas ang pag iyak ko dahil sa labis na takot na nararamdaman ko at ang iyak na ito ay may tuwa dahil may taong narito at nasagip ako .

Kita sa mata niya ang labis na galit pero nag iba ng makita niya ako napalitan ng awa. Mabilis siya lumapit sakin.

Pag lapit niya ay inalalayan niya akong makaupo ngunit di ko kinaya dahil sa sakit ng katawan at likuran.

"Shtt Lance! May dugo!" Gulat niyang sabi at inayos niya ang pantalon ko. Isinuot din niya ang jacket niya sakin.

Hinaplos niya ang pisngi ko at pinunasan ang aking mga luha. Gusto kong ngumiti dahil sa pag-aalala niya ngunit hindi ko magawa.

"Dalin kita sa ospital." Sabi niya pa.

Umiling ako bilang sagot sa kanya.



..........

"Hindi ako bakla!!!" Naiiyak na sigaw ng batang lalaki.

"Lampa ka kaya, tapos naglalaro ka ng Chinese garter! Ganun ang bakla!" Pang-aasar pa lalo ng isang bata.

Hindi na muling sumagot ang batang iyak ng iyak. Tumakbo siya pauwi sakanila habang patuloy sa pag hagugol.

Nakarating siya sa bahay nila na hingal na hingal at nag hahabol ng hininga dahil sa pag-iyak at pagod.

Secretly Loving YouDove le storie prendono vita. Scoprilo ora