Chapter 22

1.2K 36 17
                                    

Lumong lumo ako sa nakikita ko ngayon. Naging abo lahat ng gamit ko, walang mapapakinabangan. Kahit umiyak ako ng dugo ngayon walang mangyayare dahil hindi ito maibabalik ang mga mahahalagang gamit ko.

"Tahan na.... Ang mahalaga wala ka nang mangyare ang sunog... Mahalaga ligtas ka.." Pagpapakalma sakin ni Red.

"Tama si Red... Mababawi mo rin lahat yan at andito kaming mga kaibigan mo oh." Sabi naman ni Stacy.

Ang kailangan ko ngayon ay matutuluyan pang samantala. Siguro mag hohotel muna ako o hanap ng paupahang kwarto.

"Paano ako neto." Tangi ko nalang nasabi.

"Shtt pupunta pala kami ng palawan... Hindi pa kita mapapatuloy sa bahay... Sorry... Pag uwi nalang siguro namin." Nag-aalalang sabi ni Stacy.

Hindi rin pwede kela Joy dahil nakatira siya sa Tita niya at kay Alexa naman hindi rin pwede.

"Samin ka nalang muna... Welcome ka naman dun at matutuwa pa si Papa." Alok naman ni Red.

"Nakakahiya eh..."

"Nope. Wag ka mahiya...."

"Baka matagalan pa ko bago makalipat... Sa iba nalang siguro. Ayokong maging pabigat.." Sabi ko pa.

"Ang kulit... ok nga lang sa bahay.. Sige ganito nalang... Sagot mo nalang pagkain natin tuwing gabi para hindi mo maisip na pabigat ka. " pagpipilit niya pa.

"Go mo na yan bes." Sabi naman ni alexa.

Mukhang hindi ako makakatanggi dito kay Red kaya umoo na ko.

.....

"Nako mabuti nalang at ligtas ka... Wag ka mahiya dito sa bahay ah? Feel at home." Sabi ng Papa ni Red.

"Salamat po Tito... Pero saglit lang po ako dito. Nakakahiya po talaga eh." Sabi ko .

"Nako.. Alam mo bang mas gusto ko may tao dito maliban ka Red?? Nakakamiss ang maraming anak at ituturing din kitang anak kaya wag ka mahiya sakin."

Grabe sobrang bait ng Papa ni Red, parehas sila. Kung nakilala ko kaya Papa ko? Ganito rin kaya siya kabait?

.

Tumungo kami sa kwarto na tutuluyan ko, ang laki ng kwarto kahot guest room ito. Kasya mga apat na tao dito.

"Kuhaan kita ng twalya saka mga ibang gamit na pwede mo gamitin . At pag may kailangan ka pa wag ka mahiya mag sabi ok?"

"Red... Salamat talaga ah??? Babawi ako pangako." Taos puso kong pasasalamat.

"Yung bawi ko kahit sagutin mo lang ako ayos na yun." Sabay kindat niya. Hindi ko alam kung biro ba o hindi. Naguilty ako kasi hindi ko magawang mahalin at sagutin siya. Dahil mahal ko si Renzo at ganun din ang nararamdaman ni Renzo.

"Haha sige hindi kita manadaliin pero sana Lance maramdaman mo kung gaano kita kamahal." Huling sabi niya saka lumabas ng kwarto.

.....

Madilim na ng magising ako. Nagising ako dahil sa tumatawag at si Renzo yon.

"Hello."

"Lance ayos ka lang ba??? Nabalitaan ko nangyare eh..." sa tono ng boses ni Renzo talagang nag aalala siya.

"Zo... Oo ayos naman ako kaso eto walang natira sakin." Sagot ko

"Hays. Bakit hindi ka man lang tumawag o nag chat sakin? Nag alala ako eh tapos hindi mo pa sinasagot tawag ko!"

Kinikilig ako dahil sa asal ni Renzo ngayon. Medyo nakakawala ng lungkot.

" oh kalma naman. Hindi ko na naisip na tumawag sorry. Sobrang stress kasi eh."

Secretly Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon