Part 31

1.2K 21 9
                                    

Umagang umaga negetive vibes agad ang meron dito sa bahay nila Renzo. Pakiramdam ko bigla nalang akong sasaksakin sa tagiliran o kaya naman bubulagain ng sapak habang narito.

Ayoko sabihin kay Renzo itong nararamdaman ko dahil ayoko namang magka issue pa nang dahil sa ganitong feeling ko.

"Wala ka bang sariling bahay ah???" Maangas na tanong sakin.

Bumilis ang kabog ng dibdib ko sa tuwing kakausapin o titigan niya ko.

"Me-meron po." Nauutal kong sagot.

"Nak, tinatakot mo naman si Lance eh!" Saway ng mama nila.

"Kaya nga kuya...Easy lang." Sabi naman ni Renzo at hinawakan ang kamay ko sa ilalim ng mesa kung saan hindi kita ng iba.

Alam naman ng kuya ni Renzo ang relasyon namin pero sa totoo lang hindi ko sure kung OK lang ba sakanya o hindi.

"Tinatanong ko lang naman siya... Anong masama ???... Asan magulang mo? Diba dapat kasama mo sila ngayon?" Tanong pang muli.

Sarap bigyan ng resume to at bigyan ng isang buong papel na nakasulat ang buong pagkatao ko.

"Wala na mga magulang niya kuya... Tito at kuya nalang niya kasama niya." Singit ni Renzo na mukhang hindi nagustuhan ni Kuya Daryl.

Tumingin lang siya ng masama at nagpatuloy sa pagkain.

Tahimik lang ako at binibilisan ang pagkain para maka akyat na ng kwarto. Hindi ko na makayanan ang ganitong eksena.

Nang matapos ako ay mabilis akong umakyat upang makapag bihis para pumunta kay kuya.

Habang nasa kwarto hindi ko mapigilang hindi mag isip sa kuya ni Renzo. Pakiramdam ko talaga ay hindi siya sang ayon sa relasyon naming dalawa ni Renzo kaya naman ganoon niya ko pakisamahan.

Nakakatakot, oo pero hanggat alam kong nandyan sa tabi ko si Renzo ay isasang tabi ko nalang tong bumabagabag sakin.

"Baby ko?" Malambing na tawag ni Renzo sakin at niyakap ako mula sa likuran.

Arghh! Ang sweet nanaman niya eh!

"Hmm?" Sagot ko habang patuloy sa pag aayos ng buhok.

"Sorry sa asal ni kuya ah? Ganun lang talaga yon pero mabait naman yun. Baka stress lang siya ngayon."

"Ok lang noh wag ka mag sorry....Naiintindihan ko naman...." Sagot ko.

Niyakap ko din siya matapos kong mag ayos at hinalikan siya sa pisngi.

"Punta na ko kay kuya ah? Kita nalang tayo mamaya ok?" Paalam ko sakanya.

.....

Pag pasok ko ng bahay ni Kuya Kyle bumungad sakin ang isang magandang ngiti mula sakanya. Hanggang ngayon na kahit alam kong kuya ko siya ay natutulala ako sa kagwapuhan niya. Kahit sino ata makakita sakanya ay ganito din mararamdaman. Pero maswerte ako dahil siya ang kapatid ko.

Niyakap niya ko at inaya sa sala upang kausapin. Wala akong idea sa pag uusapan namin dahil ang rason ng pag punta ko dito ay para mag bonding sa labas.

Pag upo namin sa isang puting sofa (Karamihan ng gamit dito ay puta.) Ay inabot niya ang isang brown envelope na di ko alam ang laman.

"Ano kuya?" Di ko maiwasang tanong.

"Just open it."

At binuksan ko nga.

Pag bukas ko ay inilabas ko ang mga papel sa loob.

Habang binabasa ko ay hindi ko maiwasang hindi kilabutan dahil sa nakasulat dito. Sobrang good news ito para sa akin pero at the same time bad news din naman.

Secretly Loving YouWhere stories live. Discover now