Chapter 37

412 12 11
                                    


"Renzo, i need to go back in Manila. Sure ka ba mag stay ka dito?" Tanong sakin ni kuya Kyle.

Tumango lang ako bilang sagot.

"I'll be back as soon as possible, wag mo na alalahanin pag stay dito at mag transfer nalang ako ng pera for your needs. Just call me if you need something else ok?"

"Salamat kuya." tanging sagot ko.

Nakatanaw lang ako sa dagat, umaasang makikita siya, umaasang marinig ang boses niya... Boses na malambing at kung paano niya ako kulitin sa tuwing gusto niya kong patawanin.

Hindi ako mawawalan ng pag-asa na makita siya.

Ramdam kong buhay siya, nangako kami sa isa't isa na hindi namin iiwan ang bawat isa kaya naman naniniwala akong tutuparin niya ang pangako niyang iyon.

.....

Nagising ako dahil sa malakas na katok mula sa pinto.

Napa balikwas ako ng tayo dahil dito.

Baka si Lance na yon.

Tumakbo ako papuntang pintuan at pag bukas ko.

"Hays salamat binuksan mo kala namin ano na nangyare sayo eh hindi ka pa kasi lumalabas ng kwarto simula kanina. Tara sabayan mo na kami kumain." Pag-aya ni Ulyseas, siya yung boyfriend ng may ari netong resort.

Sumama ako dahil nakakahiya naman tumanggi, kahit wala kong gana kumain sasabayan ko nalang sila.

Nang makarating kami, umupo narin ako kasama nila at nag simula na kaming kumain.

" Wag ka mawawalan ng pag asa Renzo, gagawin natin ang lahat makita lang si Lance." Puno ng sinsiridad na sabi ni Ace.

"Salamat po." tanging sagot ko naman at mag uumpisa nanaman tumulo ang aking luha buti nalang napigilan ko kahit papaano.

Magang maga na mata ko pero patuloy akong naluluha sa tuwing nababanggit ang pangalan ni Lance.

Tahimik at walang nag sasalita samin, siguro dahil hindi naman talaga kami magkakakilala or hindi lang alam kung ano ang mga bagay na pwedeng pag usapan.

"Inom tayo sa labas... Sunod ka nalang ah?" pag-aya naman ni Kuya Ace.

Naging abala naman si Kuya Ulyseas sa pag aayos ng mga pinagkainan. Namiss ko tuloy si Lance.

Sumunod na ko sa labas kung saan mag iinom.

"Upo ka... Alam kong stress kana at need mo kahit papaano mag relax."

"Relax? Paano po ako mag rerelax kung hanggang ngayon di ko pa nakikita si Lance?" hindi ko napigilang sumagot. Alam kong mas matanda siya sakin, sakanya etong resort pero pano ako mag rerelax sa ganitong kalagayan.

Tumayo siya at tinapik ang likod ko at tinuro ang upuan na malapit sakanya.

Ginawa ko nalang ang nais niya at ikinakalma ang sarili ko.

"Calm down, I know how it feels. Dumating na ko sa point na ganyan. To be honest, my parents died because of an accident and same din sa nangyare sainyo. Kasama ko parents ko sa isang malaking barko then may pag sabog din na nangyare, dahil gusto nila akong iligtas so they sacrifice.... Hmm yeah ganun nga nangyare...Kaya hanggat may pag asa we're going to help you Renzo.. " Pagkkwento niya sa kanyang karanasan.

Nakakalungkot pala nangyare sakanya. Pero nakakatuwa dahil kahit may ganung trahedya nangyare, eto siya nakatayo at maganda ang buhay.

" Tama, kaya wag panghinaan ng loob dahil tutulong kami. Kailangan lagi kang may lakas dahil bukas at sa mga susunod na araw mas pag iigihan natin ang pag hahanap sa mahal mo. At alam nating lahat na ayaw niyang nalulungkot ka kaya wag masyado mag alala. Nararamdaman kong nag aantay lang siya sayo Renzo. " Dugtong naman ni kuya Ulyseas.

Secretly Loving YouWhere stories live. Discover now