Special Chapter 2

1.4K 46 6
                                    

"Knock, knock, knock!"

Nataranta ako sa narinig kong pagkatok mula sa pintuan. Dali-dali kong binuksan ang pintuan at nag pakita ng isang matamis na ngiti.

Pero nang makita ko ang taong kumatok ay nawala agad ang aking ngiti.

Akala ko siya .....

"Iho...Maligayang pasko! eto oh carbonara at chicken... Luto ko yan." Masayang bati ni Aling Lyn sakin sabay abot ng mga pagkain.

Inabot ko ito at binati siya pabalik. Halos ilang pasko na din ang nag daan na nagbibigay siya ng pagkain, alam niya kasing hindi na ako nag hahanda dahil ako lamang ang mag isa rito.

"Salamat po ng marami! Grabe eto talaga the best pag pasko eh. Etong luto mo po!! Mapaparami nanaman ako ng kain nito eh." Pagpupuri ko sa kanyang luto. The best mga luto ni Aling Lyn, naikwento din niya sakin dati na cook siya sa isang hotel kaya naman bihasa na siya sa pagluluto.

"Ay nako kang bata ka! Nag umpisa ka nanamang mang bola ah!" Saad niya habang natatawa dahil taon taon ata na iyon ang sinasabi ko.

Isa rin si Aling Lyn sa mga kapitbahay kong masasabing napaka bait at halos ampunin na rin niya ko.

"O'sya ako'y mauuna na at baka magrambulan nanaman mga apo ko." Paalam niya at bago siya tuluyang umalis ay nag pasalamat ako at niyakap siya ng mahigpit.

Muli akong bumalik sa kama at nanonood lang sa YouTube. Nakakalungkot mag isa, pero nasanay nalang din ako,mukhang habang buhay naman na atang ganito ang pasko ko eh.

Kagabi ay inaya ako ni Stacy na mag pasko sakanila ngunit tumanggi ako. Sinabi ko na may pupuntahan ako upang mag pasko pero lingid sa kanyang alam ay wala naman talaga akong pupuntahan at mag mumokmok lang ako dito sa bahay. Nahihiya din kasi ako sakanila kahit na.halos maging part na ko ng pamilya nila.

Nakakaaliw ang mga batang nangangaroling dito sa bahay. Sinasadya ko pang lumabas at panoorin sila habang kumakanta. Minsan pa nga ay sinasabayan ko sila upang aliwin narin ang aking sarili.

Taon taon ay nag hahanda ako ng sapat na pera pang bigay sa mga batang ganito. Meron din namanng mga regalo para naman sa mga kaibigan ko at kapit bahay.

Pero ngayon lang naiba.

Dahil may isang regalong nasa ilakim ng christmas tree na para sa taong mahal ko.

Tuwing pasko wala akong kasamang pamilya at tuwing pasko..... Wala akong minamahal.... wala din nag mamahal na partner.

Drama noh? Pero seryoso yun dahil never ko na experience na mag pasko na may partner. Ewan ko ba natataon nalang siguro na tuwing november palang wala na kong partner at kung darating man ay January na, so hindi parin pasko.

Ngayon naman ay may tao nga kong mahal pero..... Hindi ako kailanman mamahalin. At dahil si TANGA ako may pa regalo pa  ko sakanya kahit na ba hanggang ngayon wala siyang paramdam sakin maski "Hi" o "kamusta".

Nawalan ako ng gana...

Nawalan ako ng gana ibigay pa sakanya itong regalo. Napaisip kasi ako na parang naghahabol ako sakanya. Or baka isipin niya na kinukuha ko siya sa pamamagitan ng mga regalo.

Ewan.

Bahala na kung maibigay o hindi.


.....

"Merry Christmas Lance!!! Mahal ka namin!" Chat ni Stacy.

"Merry Christmas Bes! Awra na!" Chat naman ni Alexia.

"Merry Christmas!" Chat din nina Joy at Aya.

"Merry Christmas Bakla! Alam kong wala kang ginagawa ngayon. Maya after namin kumain ng family ko punta ako dyan." Chat naman ni Red na ikinabigla ko dahil mag aabala pa siya na pumunta. Sumagot naman ako sa chat niya ngunit nangulit parin siya na pupunta dito.

Secretly Loving YouWhere stories live. Discover now