Chapter 10

1.6K 49 13
                                    

Advance Happy New Year sa inyo ❤❤❤


Someone's Pov

"Hello..... Meet me tomorrow." Sabi ko kay Renzo.

"Hmm. Sige anong oras?" Tanging naisagot niya sakin.

"Around 10pm sa Mcdo ok?" Pagkumpirma ko sa oras at sinabi ko na din kung san magkikita.

"Oh sige sige. Punta ako."

"Ok then see you tomorrow." Huli kong nasabi at pinutol na ang usapan.

Sana umayon ang lahat sa plano, para naman hindi masayang effort ko.





Red's POV

Bakit ganito? Bakit nagkaroon ako ng feelings para kay Lance? Eh lalaki siya at alam ko sa sariling kong lalaki ako. Alam ko nasaktan ako sa nakaraang relationship ko sa isang babae pero ngayon iba ang isinisigaw ng aking puso.

Pero ang tanong ko ngayon ay kung mahal ko siya siya kaya? Mahal or gusto niya rin ba ako? Sana may patutunguhan ang lahat ng ito dahil kung wala.....

Hindi ko alam kung anong magagawa ko. Isang malaking kahihiyan sa aking sarili kung iisang tabi lang ako ng isang lalaki.











Lance nag lalaro ng ganda-gandahan POV 😂

Tanghali na ko nagising dahil isa nanaman itong araw na wala akong trabaho, in short restday. Sarap sa feeling dahil wala akong iintindihing stress ngayong araw. Walang paperworks, walang clients, walang magpapainit ng ulo ko at walang....

"Ring......ring...." tumunog ang aking mahiwagang cellphone.

"Hello?"

"Sir. Pa follow up daw ng mga details kay Ms. Gonzales at kung pwede rin daw mahingi yung list ng mga designs for the up coming event. Tapos may meeting din kayo ni Ms. Rivera sa Jan.2 at sa Jan 3 naman po ay may dinner meeting din with Mr. Ramirez at sa Jan 10 daw po papuntahin na yung ipapasok mo dito para daw ma interview na." Bungad ni Paulo na napakadaming gawain.

Ganda na sana ng mood ko eh! Akala ko wala ng trabaho at kung ano pa . Pero eto may pesteng follow up pa!

"Hmm.. geh lang." Malamig kong tugon sa sinabi ni Paulo.

"Kaloka dami kong sinabi "geh" lang sagot mo." Iritang sagot ni Pau.

"Eh wala naman akong magagawa eh." Casual na sagot ko.

"Bahala ka nga." Inis na inis siya at binabaan ako ng tawag.

May regla nanaman ang isang yon. Araw araw nalang ah. Pero masasabi kong sobrang mapagkakatiwalaan si Pauli sadyang maldita lang siya at kung minsan naman ay napaka bait. Para siya si Elli na parang tanga din kung minsan moody masyado eh.

Binuksan ko ang aking laptop dahil bibili ako ng ticket para sa year end concert ni Morissette bukas, sana ay may available pa at kung wala maghahanap nalang ako sa mga tao taong nagbebenta kahit may patong na ang presyo.

Ilang minuto lang ay nakabili ako! Kaya sobrang saya ko sa araw na to. Bali 2 ticket ang binili ko dahil isasama ko ang kaibigan ko dirty (Stacy) isusurprise ko siya bukas. Balak kong puntahan siya bukas sakanila at kidnappin nalang para walang palag.

And usual thing eto nood lang ng thai bl sa laptop habang nakahilata. Wala naman magawa eh katamad ding mag gala ngayong araw.

Dahil wala akong magawa ay nag my day ako ng mukha ko at may nakalagay na HAPPY NEW YEAR. Nang biglang nag react si baby.

Si Renzo.

"Ingat baka maputukan ka sa mukha. 😂✌" sabi niya.

Loko to ah.

Secretly Loving YouWhere stories live. Discover now