Chapter 27

1.2K 33 3
                                    

Paalala : May part dito na medyo di angkop sa bata ah? At kung di mo gusto yung ganun skip mo nalang.

Yun lang :) enjoy reading labya.


.......


Magkakaharap parin kaming lahat. May kaba sa aking dibdib ngayon na hindi ko mapaliwanag. Dagdag pa ang kakaibang kilos ni Tito ngayon.

"Lance ikaw ba tong bata sa picture???" Pagpapakita niya ng larawan ko sa wallet.

Natatanging picture ko noong bata ako. Bigay sa akin ni lola iyon bago siya pumanaw.

"Opo... Ako yan ... Hmmm bakit po?"

Naglabas naman siya ng isang letrato mula sa kanyang bulsa. Hindi ko masyadong makita dahil sa distansya naming dalawa.

"Eto kilala mo?" Tanong niya sa akin kaya naman lumapit ako.

Paglapit ko naging malinaw sa paningin ko kung sino ang nasa letrato.

"Ako...."

Bigla akong niyakap ng papa ni Red. Naguguluhan ako at ang mama naman ni Red ay nakangiti habang may luha parin.

Pati si Red ay nagtataka sa nangyayare.

"Pa? Anong nangyayare??" Naguguluhang tanong ni Red.

Umalis sa pagkakayakap si Tito sa akin at pinakita ang isa pang letrato. At ngayon naman ay karga niya ang batang ako.

(Mga 2 years old ako sa picture)

Bakit kami magkasama??

Hindi kaya siya ang???

.....

"Johnny?? Johnny??" Pag tawag ko sa aking kapatid. Wala akong narinig na sagot mula sa bahay nila ngunit nakarinig ako ng malakas na pag iyak.

Agad akong tumakbo papasok ng bahay nila at nadatnaan ko si Johnny at Lisa na magkayakap at umiiyak.

"Tol bakit? Ano nangyare?" natataranta kong tanong habang awang awa sa kalagayan nila ngayon.

At bigla akong nanlamig dahil ang pinunta kong dalawang tao ay wala dito sa apat na sulok ng bahay na ito.

Tumakbo ako papuntang banyo, kwarto at likod bahay pero walang ibang tao.

"Na-nasan ang mga ....mga pamangkin ko?" Tanong ko sakanila.

Naiyak ako dahil wala silang naisagot sa akin. Alam kong may nagyayaring hindi maganda kaya naman natulala lang ako.

Ilang minuto lang ay nagkwento na si Lisa sa akin tungkol sa nangyare kanina.

Sobrang lapit sa akin ng dalawang pamangkin ko kaya sobrang sakit din malaman ang nangyare sakanila.

Ilang taon na din lumipas mula ng mawala Si Joshua at bunso, kasabay din ang pagkamatay ng aking kapatid na si Johnny. Para akong pinagkaitan ng pamilya dahil walang natira sakin.

Walang oras na hindi ako nag dasal para lang makita sila Joshua at bunso, na sana buhay pa sila at maayos ang lagayan.

Mabuti nalang lagi kong nasa tabi ang aking asawa at nag iisa naming anak na babae.

.....

Nalungkot ako dahil wala na pala ang aking tunay na ama. Hindi ko man lang siya nayakap at makausap. Asan si Mama? Asan ang kuya ko??? Mga bagay na gusto kong tanungin pero isinantabi ko muna dahil ang mahalaga ngayon ay kaharap ko ang taong kadugo ko.

Ang tito ko.

Hindi "tito" dahil sa tatay siya ng kaibigan ko kundi dahil "tito" dahil kapatid siya ng ama ko.

Secretly Loving YouWhere stories live. Discover now