Chapter 29

1.2K 39 11
                                    

Naging maganda ang bawat araw na dumadaan sakin. Nakakatuwa dahil pakiramdam ko ay nakukumpleto na ang buhay ko na dati parang halos ako lang mag isa sa mundo.

Hindi ako pumasok sa trabaho ngayon dahil may inasikaso ako para sa bahay na binili ko. Si Renzo muna ang kumausap sa client namin para sa event na gaganapin bukas. Alam ko namang kayang kaya niya yung trabaho ko kaya malaki ang tiwala ko sakanya.

Kasama ko si Kuya na bumili ng ibang gamit sa bahay siya din nag bayad ng iba kahit ayoko ko. Sobrang mapilit siya kaya kahit anong gawin ko di tumatalab mga hirit ko sakanya kaya puro pasasalamat ako.

Dumaan muna kami dito sa isang pet shop malapit sa bahay.

"Anong gagawin mo dito kuya?" Tanong ko sakanya habang papasok kami sa loob.

Nakakaaliw dahil ang daming iba't ibang lahi ng aso't pusa, meron ding mga isda, ibon at may mga hamster pa.

Umakbay sakin si kuya at iniharap ako sa mga aso.

"What kind of dog do you want?"

Eto nanaman si kuya , si boy bili. Sobrang nahihiya na ko dahil ang dami dami na niyang binibili para sakin.

"Wala." pagsisinungaling ko. Ayoko lang talagang bilan pa niya ako.

Kumunot naman noo niya dahil sa sagot ko. Eto mukhang mag tatalo nanaman kami.

"So ayaw mo?" Nakataas kilay niyang tanong.

"Hindi naman sa ayaw kuya. Pero kasi ang dami na masyado. Ayoko naman na puro labas ka ng pera dahil sa mga gusto at kailangan ko." Paliwanag ko sakanya.

Bigla nalang siya umalis sa pwesto namin at lumabas ng pet shop.

Hinabol ko siya palabas pero hindi niya na ko kinikibo. Kahit nasa sasakyan na kami ay wala siyang kibo at nag mamaneho lang.

"Kuya naman eh! Mamansin ka naman!" Sigaw ko sakanya habang nasa byahe kami.

"Oh?"

"Ano ba naman yan!" Angal ko pa.

Tumingin lang siya ng walang ibang sinasabi. Seryoso lang mukha niya. Kung ibang tao siguro nakakakita ng mukha niya ngayon malamang natatakot na kasi sobrang seryoso na parang mananapak nalang bigla.

"Hays bahala ka!" Pagsuko ko.

Nakarating narin kami sa bahay kaya mabilis akong bumaba ng sasakyan at kinuha ang ibang gamit na pinamili namin para mailagay na sa bahay.

Inayos ko na ang mga platong binili namin, mga baso, kutsara at iba pang pang kusinang gamit. kasunod naman ay mga picture frames na ilalagay ko sa sala.

Kaninang umaga nag paprint ako kaagad ng mga pictures. Napapangiti ako habang inilalagay ang mga pictures sa frame napaka cute kasi ni Renzo, baby face at para bang ang amo tignan. Una naming picture Ay yung naging kami. Nasa star city kami habang hawak ang mga bulaklak na binigay niya.

Sunod naman ay yung nasa hotel kami. Nakaupo ako habang siya nakayakap mula sa likuran ko at nakapatong ang baba niya sa ulo ko.

Isa sa pinaka gusto kong picture namin etong nasa mall kami. Siya ang may hawak ng phone habang naglalaro kami sa timezone. Hawak niya kamay ko at itinaas niya para makita sa picture sabay halik niya sa aking kamay.

Bawat picture naming magkasama ay mag sisilbing paalala samin na sa araw araw na mag kasama kami kahit na sa iba't ibang lugar kami papunta at may mga kaganapan sa buhay nararanasan iisa lang ang kahulugan.

Yun ang mahal namin ang isa't isa

.....

Pag uwi ni Renzo ay kaagad niya akong niyakap ng mahigpit. Normal naman na yakapin at halikan niya ko sa tuwing uuwi siya. Kaso iba yung ngayon. Pakiramdam ko may mali o nagawa siyang kasalanan.

Secretly Loving YouWo Geschichten leben. Entdecke jetzt