Chapter 20

1.7K 59 24
                                    

I Love You

..............

"Pau, pa follow up lahat ng mga gagamitin sa event for Saturday, then yung sa catering ask them kung kailan ang food tasting..... Ano pa ba???" Paalala ko sa lahat ng kailangan gawin dahil malapit na ang event sa hotel ni Kyle.

"Yung mga tatao sa event Sir, nakapag confirm na sila so wala ng problema at tumawag kanina si Sir Arredondo kanina nag padala siya ng invitation para satin dito." Pagbibigay alam niya sakin.

Natuwa naman ako dahil ang bait talaga ni Kyle, nagawa niya pang inbitahan kaming nandito. Kaya pala sobrang daming blessing na dumarating sakanya.

"Alright sounds perfect hays! Thank you sa pag asikaso ah? Next week treat kita lunch ok?" Masigla kong sabi sakanya. Nakita ko naman siyang ngumiti at nag paalam na rin siyang lumabas ng opisina.

Habang nag aayos ako ng mga papel dito sa table dahil sobrang kalat na, napansin kong tumatawag pala si Kyle.

"Hello Kyle." Bati ko pag sagot ko ng tawag.

"Hey Lance! Be prepared for this coming Saturday ok?"

Sa tuwing naririnig ko boses niya para akong dinuduyan dahil ang lumanay at ang sweet makinggan.

"Nothing to worry ok na lahat ng gamit for the event." Sagot ko sakanya.

"Not that one, alam ko namang ayos na yon eh. Ikaw mismo ang mag prepare dahil gusto ko cute ka sa araw na yon." Paglilinaw ni Kyle.

Pero bakit? Simpleng guest lang naman ako dun, pero hindi na ko kokontra dahil alam ko hindi siya makikinig.

"Sure..." sagot ko

"See you on Saturday.." huli niyang sabi

Mapapalaban nanaman ako ng formal attire susko! Hindi ko panaman trip na nag foformal, semi formal ok pa eh. Bahala na nga.

Sa sobrang inip ko pumunta muna ako ng cafeteria para mag hanap ng makakain o maiinom.

"Goodmorning Sir." Bati ni Renzo

Bakit ba kasi lagi nalang kami nagkakasabay sa hagdan o elevator nakakainis na!

"Isang linggo mo na kong hindi pinapansin ah?" Pagkausap sakin ni Renzo, samantala ako patuloy lang sa paglalakad hanggat sa makapasok ng cafeteria.

Isang linggo ko na siyang hindi pinapansin matapos kong makita siya na may kaharutang hindi kagandang babae na kung makakapit sakanya wagas na tila aagawin sakanya.

"Ate wala kayong pasta ngayon?" Tanong ko sa nagbabantay dito.

"Ay sir wala po eh. Bukas pa po." Sagot sakin ni ate girl na nagpapacute pag bumibili ako.

Siya lang ata bukod tanging hindi napapansin ang pagiging paminta ko.

"Hanap nalang tayo sa labas ng pasta!" Ideya ni Renzo.

"Hanap ka....."

Hindi siya sumagot at bigla nalang umalis, mukhang nabadtrip sakin.

Secretly Loving YouWhere stories live. Discover now