Chapter 32

1.3K 35 24
                                    

Pag gising ko una kong nasilayan ang ilaw mula sa itaas. Nilibot ko pa ang aking tingin at napansin kong hindi ito ang kwarto ni Renzo o kwarto ko.

Bakit ako nandito??? Dapat nasa bahay ako diba?

Nakaramdam ako ng sakit mula sa aking tagiliran at ng hawakan ko ito ay takip ito ng benda. Ang kamay ko naman ay may swero.

Nasa ospital ako ngayon at naalala ko nalang bigla ang huling tagpo ng may malay ako.

Hindi pala ako nakaiwas sa patalim ng man laban ako sa pesteng holdaper.

Kinapa ko ang aking necklace pero biglang sumikip ang dibdib ko, dahil wala na sakin ang isang bagay na mahalagang natanggap ko kay Renzo.

Susubukan ko sanang tumayo upang hanapin ang necklace ng bukas ang pinto mula sa kwartong to.

"Buti naman gising kana. Sobra akong nag alala sayo." Bungad sakin ni kuya. Kita sa mga mata niya ang labis na pag aalala at halatang puyat siya marahil ay sa pag babantay sakin. Pero saan si Renzo? Siya dapat isa sa tabi ko ngayon ah?

"Kuya yung necklace?....Kuya nawawala yung necklace!!!!" Natataranta kong tanong sakanya. Hindi ko siya nagawang batiin dahil isa lang ang nasa utak ko ngayon, yun ang mahanap ang necklace ko.

Ngumiti siya sakin at tumabi, hinawi niya ang buhok ko at saka naman may kinuha siya sa kanyang bulsa.

"Easy lang ok? Oh eto na...."

Pagkaabot niya ng necklace para akong nabunutan ng tinik sa sobrang saya na hindi pala nakuha sakin ang bagay na to.

Niyakap ko ng mahigpit si kuya kasabay ang pag luha. Ewan ganito ako na pag may binigay sakin ang mahalagang tao sakin, sobra ko itong iniingatan.

"Kuya san si Renzo?" Tanong ko kay kuya.

"Hindi ko nga rin alam eh. Sabi ng mama niya hindi daw umuwi kagabi." Sagot naman ni Kuya sa akin.

Napaisip ako bigla.

"Hindi umuwi? Eh ang alam ko inaantay niya ko sa bahay eh saka natulog na siya."

Hindi na sumagot si kuya marahil ay wala rin talaga siyang ideya kung saan man si Renzo ngayon.

Pinakain sakin ni kuya ang nga prutas na dala niya para daw magkalakas ako. Nung una ay wala akong gana dahil kakaisip kay Renzo pero napilit din niya ako.

Ilang oras ang lumipas ng mapansin kong nanlaki ang mga mata ni Kuya habang nakatingin sa phone niya.

Mukhang may masamang balita.

"Kuya? Ayos ka lang ba???" Nag aalalang tanong ko sakanya.

Tumingin siya sakin ng diretso na parang may importante siyang sasabihin. Ramdam ko ang kaba sa oras na to.

"Kuya???" Muli kong pag tawag sakanya.

"La-lance... Hindi ko alam kung tama bang ipakita to sa sitwasyon mo ngayon pero mahalagang malaman mo to." Seryosong sabi ni kuya.

Dahan-dahang inabot sakin ni kuya ang cellphone niya.

Pinag masdan ko mabuti ang dalawang tao sa picture.

Nanghina ako, nanginig mga kamay at bigla nalang dumaloy ang luha mula saking mga mata. Niyakap ako ni kuya ng mahigpit upang kumalma ako pero hindi parin maalis ang panginginig ko at pag hagulgol.

Kasabay ng malakas na pag iyak ko ay ang pag bukas ng pinto.

"Baby!! Sorry na late ako ng pu-" hindi ko na gawang patapusin siya sa pag sasalita.

Secretly Loving YouDonde viven las historias. Descúbrelo ahora