Chapter 33

1.1K 24 5
                                    

Renzo's POV

Tatlong araw na akong pabalik balik sa bahay ni Julia ngunit hindi ko siya nadadatnan. Halos mabaliw na ko sa kakaisip na dito na ba magtatapos ang relasyon namin ni Lance? Araw-araw kong sinusubukan siyang kausapin, ngunit lagi akong bigo. Ayaw niya kong makita o kahit makausap.

Gagawin ko ang lahat para lang malaman kung ano ba talaga ang nangyari nung gabing iyon. Kung meron mang namagitan samin ni Julia, tatanggapin ko yon dahil isa naman talagang kasalanan ang makipag talik habang may karelasyon. Pero kung mapatunyan kong walang ganoong nangyare at isa lang set-up. Agad agad kong ibabalita kay Lance iyon upang mag kaayos na kami.

Lunes ng gabi sinubukan kong dumaan sa bahay nila Julia upang kausapin uli siya ng mapansin kong may kausap siyang lalaki sa tapat ng bahay. Hindi ko gaano makita yung lalaki pero nakahawak ito sa kanyang bewang. Mukhang may relasyon silang dalawa base sa galaw nilang dalawa.

Lalapit na sana ako ng biglang may humatak sa likuran ko.

"Ano baaaa!!!" Angal ko dahil sa pagkaka hatak sakin.

"Shsss ingay mo naman pre! Tila bakla amp*ta!"

Nang aking lingunin si Red pala tong humatak sakin.

Nakatago kami sa isang truck malapit sa bahay nila Julia. Patuloy lang sa pag mamasid si Red.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya.

"Binabantayan yang ex mo. Malakas pakiramdam ko na gumagawa ng kalokoham yan eh. Example na yung issue sainyo." Paliwanag niya.

Napangiti ako dahil mukhang makakahanap ako ng kakampi. Isa siguro si Red na pwede mag patunay na wala akong kasalanang nagawa kay Lance.

"Salamat... Pre... Mukhang naniniwala ka na wala akong ginawa kay Lance."

Pero biglang nangunot ang kanyang noo.

"Sira! Wag ka masyadong mag saya. Di porket nandito ako eh naniniwala ako sayo. Baka mamaya talagang kinama mo yang si Julia! Matapos mong paiyakin si Lance, di mo makukuha loob ko kaagad agad oy!" Sermon niya sakin.

Pakiramdam kong di masyadong seryoso si Red. Walang masyadong tensyon sa pagkakasabi niya kaya naman ok ang aking pakiramdam at walang gaanong kaba.

Dahil sa daldalan namin ni Red hindi namin napansing sumakay na ng kotse si Julia at ang kasama niya.

"Sh*t paalis na sila!" angal ko.

"Tara sundan natin yang mga ugok na yan!"

Mabilisang sakay sa motor ang ginawa namin at dahan dahang maneho si Red upang hindi mapansing nakasunod kami kela Julia.

Julia's POV

"Congrats Babe successful ginawa natin." Bungad sakin ng taong nag bigay liwanag sa pag gawa ko ng mga plano ko.

Niyakap niya ko ng mahigpit at hinalikan sa aking labi.

Ramdam ko ang pagmamahal niya sakin pero lingid sa kaalamanan niya ay ginagamit ko lang siya upang makuha si Renzo sa Lance na yon.

"Dahil yon sa tulong mo babe. Kaya we need to celebrate!" sabi ko naman

"So where do you want to celebrate?" Tanong niya.

Nag isip muna ako. Since mayaman siya i want something relaxing.

"I want to relax babe. Like out of town or maybe mag hotel? What do you think?"

Ngumiti lang siya at inaya na kong sumakay sa kotse niya.

Habang nasa daan nakakapansin akong kakaiba. Kanina pa ko palingon lingon sa likod at talagang hindi ako mapakali dahil sa motor na kanina pa nakasunod.

Secretly Loving Youحيث تعيش القصص. اكتشف الآن