Chapter 8

1.8K 55 7
                                    

"Wag......Wag ang mga anak ko !!! Parang awa niyo na! Kunin mo na ang lahat wag lang ang mga anak ko!!!.....Nakikiusap ako sainyo!" pagmamakaawa ng isang babaeng duguan at walang kalaban laban sa mga lalaking nakatakip ang mukha. Bawat lalaki ay may dalang mga baril at dala dala nila ang dalawang batang lalaki na marahil ay ang tinutukoy na anak ng babaeng naroon.

"Kahit anong gawin mo hindi mababayaran ng lahat ang ginawa ng magaling mong asawa! Kaya mga anak niyo ang kapalit!!!" Sigaw ng leader ng grupong iyon.

Matapos ng pagkuha nila sa dalawang bata ay mabilis silang umalis at tumungo sa isang liblib na lugar. Para itong lumang gusali, nakakatakot, madilim at amoy ang alak, sigarilyo at iba't ibang hindi kaaya-ayang amoy.

Nanginginig ang dalawang bata. Nakakaawa. Takot na takot sila dahil sa nangyayari.

"Iba-balik niyo na kami sa mama namin!!! Ayaw na-namin dito!!! Bad kayo!!!" Sigaw at iyak nang isa sa mga bata.

"Shssss... wag kana umiyak.... Dadating din si Mama ah?? Wag ka ng umiyak pleaseeee." Pagtatahan naman ng isang bata.

Niyakap niya ang nakakabatang kapatid upang patahanin at tanggalin ang takot nito. Hindi niya alam kung hanggang kailan sila mananatili rito at kung makakalaya pa ba sila sa mga lalaking ito o tuluyan na silang mawalay sa kanilang ina.

Sa pagkakayakap nila ay nagulat at lalo silang natakot ng biglang buhatin ang isa sa mga bata.

"Kuyaa!!!!" Sigaw ng bata.

"Waaaag!!!!"

Nagising ako ng may luha sa mga mata. Napanaginipan ko nanaman ang tagpong iyon. Hindi malinaw sakin kung bakit paulit-ulit kong napapanaginipan ang mga batang nasa panaginip ko. Hindi ko makita ang itsura ng mga bata, hindi ko alam kung sino sila at bakit sila ang tumatakbo sa panaginip ko.

Gusto ko malaman, ngunit paano? Saan? Konektado kaya sila sakin?

"Beeeeeep beeeep!!!!" Busina ng motor sa likuran ko kaya nagising ang diwa ko habang naglalakad papuntang sakayan. Nilingon ko ito at si Red pala ang sakay ng motor.

"Ano papakamatay ka ba???" Bulyaw nito sakin. Hindi ko ito sinagot at tuloy lang sa paglalakad.

Wala ako sa mood sa tuwing napapanaginipan ko iyon. Para bang ang lakas ng pakiramdam kong may kinalaman sa akin ang lahat ng iyon.

"Sakay na! Hahatid na kita sa office baka kung san ka mapunta sa katulalaan mo eh." Alok ni Red at inabot sa akin kaagad ang helmet na dala niya.

Wala na kong nagawa kundi ang sumakay.

Habang binabaybay ang daan, pakiramdam ko ay nais kong lumanghap ng sariwang hangin. Lugar na kung saan ay magiging panatag ang loob ko. Kaya naman naisip kong wag nalang pumasol sa trabaho.

Kinalabit ko si Red at sinenyasang himinto upang masabi ko sakanya ang hindi ko pag pasok sa opisina.

"Red dito nalang ako. Hindi ako papasok ngayon." Agad kong paalam sakanya upang hindi na masayang oras niya sa pag hatid sakin.

Nangunot ang noo neto tila ba naguluhan sa aking sinabi.

"Baliw ka bang bakla ka? San ka pupunta kung hindi ka papasok?" Bruskong tanong niya sakin.

San nga ba ako pupunta??? Hindi ko alam sasagot ko pero, siguro kahit saan nalang basta tahimik.

"Ahm... Ewan . Gusto ko lang sa tahimik na lugar. Kahit saan.... kung san ako dalhin ng aking mga paa." Magulo kong sagot sakanya. Napayuko ako dahil hindi ko din alam ang nararamdaman ko. Nababalot ako ng lungkot sa hindi ko malamang bagay.

Secretly Loving YouWhere stories live. Discover now