Chapter 28

1.2K 27 8
                                    

Lance's POV

Sobrang aga ko nagising ngayong araw dahil titignan ko ang isa sa pinag ipunan ko noon pa. Sa hapon naman ay ichecheck na ang area na pag seset-upan namin para sa event bukas.

Walang ideya si Renzo sa pupuntahan namin dahil gusto kong i-surprise siya.

"San ba talaga tayo pupunta?" Kanina pa niyang tanong sakin.

"Basta ma lalaman mo din." Sagot ko sakanya. Sobrang na eexcite na din ako dahil ngayon ko lang makikita, dati kasi puro sa picture lang pero ngayon nasa mismong lugar na ko.

Pagbaba namin ng sasakyan (grab lang wala pang pambili ng kotse.) Namangha ako sa nakita ko.

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong niya sakin na may halong duda.

Hinila ko lang siya papasok ng isang bahay at hindi siya nakapalag dahil sa bigla.

"Baka mapagalitan tayo!! Kanino ba tong bahay? Bakit walang gamit?"

Ngumiti ako at niyakap siya ng mahigpit. Sobrang saya ko lang kasi kaya gusto ko siyang yakapin.

"Sumagot ka naman kasi." Naiinis na siya.

"Sakin to."

"Huh? Sayo ang alin?" Nagtatakang tanong niya.

Kumawala ako sa yakap at tumingin sakanya.

"Etong bahay. Sakin.... Eto yung matagal ko ng pinag ipunan." Pagmamalaki kong sagot.

Bakas sa mukha niya ang gulat at saya matapos kong sabihin na akin tong bahay.

"Wow talaga??? Galing naman ng baby ko may sarili ng bahay oh!!" Pinanggigigilan niya pisngi ko ngayon at todo kurot pa siya.

Ibang saya nararamdaman ko ngayon dahil isang achievement to sa buhay ko. Ang makapag pundar ng sariling bahay.

Pag marunong ka talagang mag tyaga at mag sipag, walang imposibleng mangyari lalo na't may gusto kang bagay.

Natignan na namin ang buong bahay at sobrang satisfied ako dahil maayos at maganda ito. Simple lang naman tong bahay, may dalawang kwarto may cr sa labas at isa sa kwarto at may magandang kusina.

Napansin kong naging tahimik si Renzo kaya agad ko siyang nilapitan at kinausap.

"Bakit padang malungkot ka?" Tanong ko sakanya at umupo sa tabi niya.

"Mamimiss kita katabi sa pag patulog."

Nakakakilig pakinggan lalo na galing sa kanya.

Pero tama siya, maski ako mamimiss ko siyang katabi sa kama. Lagi kaming magkayakap habang natutulog lalo pang mamimiss ko ay ang kwentuhan namin bago matulog. Isa kasi yung sa way namin para makilala pa ang isa't isa, kwento ng mga nakaraan masaya man o hindi. Napag uusapan din namin ang mga bagay na gusto naming gawin sa future.

"Wag na malungkot ano ba yan! Nawawala pagka cute mo eh."

Hinawakan ko ang kanyang kamay at pinisil pisil ito.

"Matutulog parin naman ako sainyo eh. tapos syempre matutulog ka rin dito para may time tayo sa isa't isa. Okay ba yun?" Suggest ko sakanya. Kaso hindi parin nag bago mukha niya at tumango lang siya.

"Saka magagawa na natin yung gusto nating gawin dahil wala ng ibang tao dito sa bahay maliban satin. Diba? Diba?" Bulong ko sakanya sabay halik sa tenga niya.

Naging matagumpay ako dahil natawa siya sa sinabi ko at hinigpitan hawak sa kamay ko.

"Ikaw ah? Pero tama ka maganda nga yun." Sagot niya sakin.

Secretly Loving YouWhere stories live. Discover now