Kabanata 10

Mulai dari awal
                                    

-----------------

Katatapos lang namin kumain ng hapuan at lumabas kaming dalawa ni Zeke sa bakuran ni Tiya.

" Bakit mo binibigyan ng pera si Tiya?" Tanong ko dito. Kumunot ang noo ko.

" I just want to help Nassandra. Wala kang sweldo so ano maibibigay mo kay Brylle." Kumuyom ang palad ko.

" Wala ka nang pake doon."hindi ko napaigilang mainis. Napatingin ako sa mukha niya at sincere na ngumiti.

Nanigas ang katawan niya nung niyakap ko siya.

" Thank you" hindi siya yumakap pabalik, nagtataka kung bakit ko iyon ginawa.

" For everything, for what you did for Brylle." Hihiwalay na sana ako nang hinila ako pabalik ni Zeke sa katawan niya.

" I will not refuse to a beautiful girl wanting to have me near her." Tinulak ko ulit siya.

" Tigilan mo ako." Tumawa lang siya. Nagkaroon ng katahimikan.

" U-uhmm" hindi ako tumingin kay Zeke at tinignan lang ang langit.

" Hmm?"

" So I didn't make a good impression on you." Napatingin ako sa kanya.

" Obvious naman." Napahawak siya sa batok niya.

" I'm sorry about that" wait, si Mr. So Yabang, nagsosorry?! Ngumiti ako dito sabay irap.

" Okay lang" napansin ko namang nabuhayan siya.

" Talaga? Nawala na yung inis mo sa akin" Masayang tanong nito. Binatukan ko siya.

" Nakakainis ka nama talaga in general kaya hindi maaalis iyon." Napanguso siya at natawa ako.

" You know that we are a member of a mafia" saad nito. Tahimik akong tumango.

" Are you scared?" tanong nito. Umiling ako.

" As long as hindi niyo idadamay ang pamilya ko, hindi ako matatakot" ngumiti siya sa akin.

" I promise, we'll not" ngumiti ako sa kanya pabalik.

May nagtext sa akin at nakita na si manang iyon. Tinatanong kung kelan kami babalik doon. Bumuntong hininga ako.

" We should head back" tumango siya at tumayo. Lumapit siya sa kotse.

" I'll wait for you here" tumango ako at pumasok saloob ng bahay.

Lumapit ako kay Brylle.

" Baby, I'm going to go back to my work na" nalungkot siya sa sinabi ko pero ngumiti rin.

" Okay mama, let's vc everyday okay?" Masayang sabi nito. Hinawakan ko ito sa pisngi tsaka hinalikan ang noo nito.

" Of course baby." Tumingin ako kay Tiya.

" Balik na po ako sa trabaho." Sabi ko dito. Niyakap niya ako.

" Pasensya na sa abala Nassandra. Pagbutihin mo at ako na ang bahala kay Brylle." Ngumiti ako dito.

Hinatid nila akong dalawa sa labas ng bahay.

" Bye papa!" Kumaway si Brylle kay Zeke at ganoon din ang ginawa niya.

" Bye Brylle." Sumakay na ako sa kotse at nagdrive na pabalik si Zeke.

-------

Nasa tapat kami ng gate at naghihintay na mabuksan nung guards yung gate. Napatingin ako sa bintana ko nang may napansin akong paggalaw sa may parteng may mga puno sa daan na ito. Kumunot ang noo ko. Hangin lang ba iyon?

" Nassandra? What's the problem?" Tumingin ako kay Zeke at umiling.

" Wala lang." Tinignan niya ako saglit bago magdrive papunta sa mansyon.

Lumabas kami ng kotse at nagaabang si Dale sa labas ng bahay.

" Where did you go Zeke?" medyo inis na tanong nito. Yumuko ako dito tsaka pumasok sa loob ng bahay.

" Bakit?"

" We've been discussing about Megicula" iyan lang ang narinig kong paguusap nila bago makarating sa kusina.

" Hi!" bati ko sa mga nandon. Napaharap sa akin si manang mula sa ginagawa niya. Ngumiti ito.

" Nassandra, dahil kadadating mo lang, ikaw lang ang maghugas" sabi nito at bumukas ang bibig ko. Napatingin ako sa lababo at napakadaming huhugasan. Napakamot nalang ako sa batok ko at nagsimulang maghugas.

-----------------

Napatingin ako sa orasan.

2:15 am.

Nakapatay na ang ilaw at lahat ng nandito sa kwarto ay tulog na. May kaba akong nararamdaman at hindi ko mapaliwanag kung saan iyon nanggagaling. Dalawang araw na simula nung umiyak nang umiyak si Brylle.

Baka hindi ako makatulog dahil doon. Oo, tama, yun nga. Pero hindi nawawala sa feeling ko na may nagmamasid sa lugar na ito. Simula nung may nakita akong gumalaw sa puno. Hindi ko nalang yun pinapansin.

Napatingin ako sa bintana dahil may napansin akong gumagalaw at nakarinig ng mahinang tunog. Napaupo ako at tinignang mabuti ang madilim na labas.

Mayroong nakaitim na mabilis na naglalakad paalis pero sa tingin ko ay mayroon siyang injury.

Napahawak ako sa dibdib ko kasi napakabilis ng tibok nito. Hindi ko alam kung dapat ba akong lumabas at tignan kung anong nangyayari o hindi nalang ako makikialam. Bumuntong hininga ako at tahimik na bumangon at lumabas ng kwarto.

Mabilis akong pumunta sa kusina at lumabas sa backdoor. Nang nasa bakuran na ako ay wala naman akong nakitang tao. Guni guni ko lang ba iyon?

Napatingin ako sa gilid dahil may pigura akong nakikita doon. Lumapit ako at nanlaki ang mata dahil isang guard ang nakahilata sa lupa.

Tinignan ko ang pulso niya at buhay pa naman. May bruise siya sa batok niya at sa tingin ko ay iyon ang dahilan ng pagkawala ng malay niya.

" Guards!" Nagulat ako nang may sumigaw at kinalibutan ako. Punong puno ng emosyon yung sigaw niya at halatang galit na galit.

Mabilis akong pumasok sa loob ng bahay at napunta sa sala na hindi malapit sa front door.

Madilim ang paligid pero kitang kita ko ang pigura ng isang lalaki na malapit sa isang nasa sahig na babae.

Napatingin sa akin yung lalaki at kitang kita ko yung nanlilisik na mata niya.

" Call the damn guards now!" Utos nito. Wala akong nagawa habang nakatayo lang. Tinitignan yung itsura nung nakahilatang babae.

------------------

Tehmterzya

Enjoy reading!

If you enjoyed reading Kabanata 10 of MFTMB, kindly vote for this chapter! Thank you! Much appreciated.

Maid for the Mafia BossTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang