Tinanggal niya yung nakatakip sa mukha ko at hiwakan yung pisngi ko. Nakayuko lang ako at ang tanging nakikita ko ay yung sapatos nung nasa harap ko.

Sumandal ako paharap sa katawan nung lalaki. Kaamoy ni Zeke. Hinawakan ko ang itim na damit nito at duon umiyak. Hinahagod niya yung ulo ko na para akong bata.

Nang humina yung pagiyak ko ay nagsalita siya.

" Tapos ka nang basain yung damit ko?" Nainis ako sa boses niya at marahang tinulak tsaka tumalikod sa kanya.

" Umalis ka na nga dito kung mangaasar ka lang." Tumawa siya.

" Pagkatapos mo akong gawing panyo?" Inirapan ko nalang siya at pinunasan ang mukha ko gamit ang damit ko. Natulala nalang ako at natahimik.

Naglakad siya papunta sa harap ko tsaka lumuhod para makatapat ang mukha ko. Bumungad sa akin yung mukha niya pero iniwas ko yung tingin ko dito at suminghot.

" Cute" pinanlisikan ko siya ng mata. Tinitigan niya ako bago magsalita.

" What happened?" Matagal ko siyang tinignan bago napabuntong hininga.

" Tumawag si Tiya kanina, umiiyak si Brylle, hindi tumitigil. Nung sinubukan ko siyang pakalmahin sinabihan niya ako na iniwan ko daw siya at ayaw niya sa akin." Napakuyom naman ang palad ko. Natigilan si Zeke at mukhang hindi makapaniwala.

" He said that?" Tumango ako. Napaisip siya.

" Do you want to go home?" Umiling ako sa kanya.

" Bawal daw sabi ni manang." Ngumisi naman siya.

" Are you kidding me? I'm like your master." Tinaasan ko siya ng kilay.

" So?" Umirap siya.

" Uhhm, I can bring you home kahit bawal." Napasinghot ako at tumingin sa mata niya.

" Talaga?" Umirap ulit siya at tumango. Mabilis akong tumayo.

" Edi tara na, kailangan ko nang puntahan si Brylle." Tumatawa siyang tumayo at sabay kaming pumunta sa loob ng bahay.

Nagpaalam ako kay manang at wala siyang nagawa kasi si Zeke na ang nagsabi sa kanya.

Casual lang na umalis si Zeke at hindi man lang nagpaalam sa mga tao sa lamesa sa dining room.

" Saan ka pupunta Zeke?" Narinig kong tanong sa kanya nung isang babae. Hindi ito pinansin ni Zeke at pumunta na kami sa kotse niya.

-----------------

Pagkadating namin sa bahay ay nasa labas si Tiya at mukhang problemadong problemado. Mabilis akong bumaba ng sasakyan at lumapit kay Tiya.

" Nassandra!" Gulat na sabi ni Tiya. Nakita niya si Zeke at tila nawala sa isip niya yung gusto niyang itanong.

" Nasaan po si Brylle?" Tanong ko. Tinuro niya ang loob ng bahay.

" Nasa kwarto niyo, hindi padin tumitigil sa pagiyak." Pumasok agad ako sa bahay at binuksan ang pinto ng kwarto namin.

Nakita ko naman na nasa sulok ng pader si Brylle at nakataas ang binti nito at nakayakap siya dito.

Napatingin siya sa akin at mas lumakas yung pagiyak niya.

Mabilis ko siyang niyakap at ramdam ko ang pagtutulak niya sa akin palayo. Yinakap ko lang siya kahit ganoon. Sigaw siya nang sigaw nang 'no'. At lumabas na naman yung mga luha ko.

" I'm sorry" paulit ulit na sinasai ko sa kanya.

Tumayo ako habang buhat buhat siya. Pilit niyang hinihiwalay yung sarili niya sa akin.

" Brylle, I'm here na. Please, tahan na" sabi ko pero kumakawala siya sa hawak ko.

Nabitawan ko siya sa sobrang likot at mabilis na tumakbo papunta sa pinto ng kwarto. Bago siya makalabas ay humarang sa daanan si Zeke at napayakap dito si Brylle. Tumaas ang tingin ng bata sa mukha ni Zeke.

" Papa?" Napatingin sa akin si Zeke, hindi alam ang gagawin. Umiyak sa pantalon ni Zeke si Brylle.

" Papa, you're here!" Malakas ang paghagulgol ni Brylle. Tumango ako kay Zeke. Ngumiti siya sa akin bago buhatin si Brylle.

" I'm not your real father but I'll be your papa for now." Tumigil sa pagiyak si Brylle at yumakap sa leeg ni Zeke.

" Papa" pumikit ito at sa tingin ko ay inaantok siya. Umiiyak akong ngumiti kay Zeke.

Sinubukan niyang ibaba ito sa higaan niya pero hindi bumitaw si Brylle. Nagulat si Zeke sa higpit ng kapit ng bata.

------------------

Tehmterzya\°_°/

Enjoy reading!

If you enjoyed reading Kabanata 9 of MFTMB, kindly vote for this chapter! Thank you! Much appreciated.

Maid for the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon