" Sige po" iend ko ang tawag at pinigilang tumulo ang luha ko.

Nakita ko si manang, Nathan at Ema sa kusina. Nang makita ako ni manang ay hinila niya ako at binigyan ng hihiwaing gulay.

" Nassandra, tumulong ka sa amin. Magkakaroon ng tanghalian dito sa bahay ang buong subordinates ni Keiranz. Kailangan nating bilisan" hinawakan ko lang yung ibinigay sa akin ni Manang at tumingin sa kanya.

" Manang Vilma, pwede po bang ngayon na lang ako magday-off? May nangyari po kasi sa bahay namin" hindi tumingin sa akin si Manang.

" Naku Nassandra pasensya na pero ngayon ang day off ni Jane. Apat lang tayo dito at malapit nang kumain sila Keiranz. Maya maya lang ay dadating na ang bisita niya" kumunot ang noo ko.

" Pero----" hinawakan ni manang ang pisngi ko.

" Nassandra" saad nito. Naintindihan ko naman yung gusto niyang iparating at malungkot akong tumango.

Nagtrabaho nalang ako gaya ng sinabi ni manang. Dumating nga dito ang mga nasa sampung naka kulay itim na tao.

Tatlo ang babae at nasa walo silang lalaki doon kasama si Maître Andrew.

Masaya silang kumakain habang kami ay nasa gilid lang nila, naghihintay nang iuutos nila.

Hindi ko pinapansin ang madalas na paglingon sa akin ni Zeke at ni Dale dahil nasa isip ko parin ang nangyari kay Zeke.

Feeling ko ay sa batang edad ay nagkaroon na ng depression si Brylle. Matagal na panahon bago nagpakita sa akin ng ngiti si Brylle nung una ko siyang nakita. Ayaw kong mangyari ulit iyon.

" Nassandra, can you get more juice?" Napatingin ako kay Katie na nakangiti sa akin. Napansin ko na napatingin silang lahat sa akin.

Yumuko ako.

" Yes, maîtresse." Kinuha ko ang walang laman na pitchel at bumalik sa kusina.

" Paano mo siya nakilala Babe?" Tanong nung isang lalaki na may madaming tattoo sa braso.

" Oh, It's just that Zeke knows her" tumingin si Zeke sa kanya.

" Wala akong sinasabi ah!" Depensa nito.

" Well, her beauty's not hard to notice" napatingin ako sa isang lalaki na may malaking pangangatawan. Nagkatinginan kami pero agad akong umiwas. Tahimik lang yung nasa dulo ng lamesa at nakikinig sa mga kasama niya.

Hinawakan ako ni manang at sumenyas na umalis na ako doon. Naintindihan ko naman ang ibig niyang sabihin at pumunta sa kusina.

Lumabas ako sa backdoor at pumunta sa hardin. Umupo ako sa isang flat na malaking bato na hindi madaling makita mula sa bahay.

Napapikit ako, feeling ko ay pagod na pagod ako. Umiiyak pa rin ba si Brylle?

" Brylle."

No you are not my papa! You left me. I hate you!

Tumulo ang luha mula sa mata ko at nagsunod sunod na ito. Pinigilan kong hindi gumawa ng ingay at tinakpan ang mukha ko.

Alam kong hindi talaga gusto ni Brylle na sabihin iyon pero masakit parin sa akin. Ang sabihin ng nagiisang pamilya mo na ayaw niya sa iyo.

Paulit ulit kong pinupunasan yung mukha ko hinihiling natumigal na yung pagiyak ko.

Nakarinig ako ng mga yabag at mas napatakip pa ako ng mukha.

May matipunong kamay ang humawak sa nakatakip sa mukha ko at inalis ito. Pinangtakip ko naman yung braso ko. Kitang ayaw kong ipakita yung mukha ko eh!

Maid for the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon