"Ikaw nga kalalaking tao, nagpapalambing. Ulol!" Balik ko sa kanya kaya natawa lang ako.

"Cha, sama ka?" Si Claire, kaya napabaling ako sa likod kung nasaan siya.

"Saan?" Si Bryce na ang sumagot. Kala mo talaga siya 'yong tinatanong e.

"Saan Girl?" Tanong ko kay Claire.

"Shhh ako ang sasagot."

"Tumahimik ka diyan, hindi ikaw ang tinanong!" Kainis namang lalaki 'to.

"Mamaya na 'yong pageant ni Dhalal e. Nuod tayong lahat ah! Ako na bahala sa banner!" Sagot niya.

"'Wag na mag banner. Kaldero nalang!" Suggestion ni Etyl.

"'Bat kaldero boba ka ba? Sa bibig mo palang uuwi na 'yong mga contestant e." Tama naman si Joanna. 'Di na nga kailangan ng speakers e.

"Basta ako na bahala sa banner. Mayroon na r'on." Disidido talaga na may banner. Alam ko may plano to mamaya.

Mamaya na 'yong alis ni Bryce e. Lilipat siya sa condo niya kaya 'di ako sure kung makakasama ako sa kanila. Gusto kong manuod pero kailangan kong tulungan si Bryce. 'Di pa naman 'to nakapag impake ng gamit niya.

"You wan't to be with them?" Napa auto-lingon ako sa kanya nang magsalita siya.

"Huh? Pero lilipat kana mamaya e." Malungkot kong sabi.

"Nah, it's okay, Cha. Bukas nalang ako lilipat para makasabay ka sa kanila. I'm not in a rush though." Ngumiti siya kaya nangiti na rin ako. At niyakap siya sa saya!

"Uy ano 'yan? Wala pang kayo may yakap session na?" Tukso ni Cezar samin.

"Okay lang 'yan si Shan nga walang label pero na kantot na!" Biglang sabat ni Etyl kaya malakas kaming tumawa. Amputa sapol na sapol siya d'on ah.

"Gago ka! Virgin pa ako uy!" Binato niya si Etyl ng cup ng kape na walang laman.

"Sana all Virginia!" Si Jeralyn kaya sinamaan siya ng tingin ni Bryce! Hala ka diyan.

"Imong mama Virginia!" Anak ng!

"Mamaya ah, una na'ko." Paalam niya at kinuha na ang bag.

"Where are you goin' huh?" Bago pa man siya makaalis tinanong na siya ng Kuya niya.

"Aris." Maikling sagot niya.

"Okay, take care, baby!" Aba may pa baby na si Kuya. Lol!

Hindi na kami nagtagal d'on dahil hapon na kailangan pa naming mag-ayos kaya umuwi na kami. May mga kotse at driver naman sila kaya kanya-kanya na kaming sakay. Sumabay ako sa kay Bryce siyempre iisa lang naman uuwian namin at wala akong sasakyan. Si Jeralyn may pinuntahan pa sila ni Aris kaya di na nakasabay sa amin.

Pag-uwi pinakain ko lang Mia at nagpaalam kami na aalis kaming tatlo ni Bryce at Jeralyn. Pinayagan naman kami basta sabay kaming uuwi mamaya.

Naligo at nag suot ako ng sleeveless white dress above the knee siya kaya hindi masyadong maikli. Nag sandals lang din ako na white. Sabi kasi nila mag all white kami dahil black ang final gown ni Dhalal. Daming arte e jusmiyo marimar!

I curled my hair in a style at hinayaang mamahinga sa likod ko. Medyo mahaba na siya dahil 'di na ako nag abala na magpagupit lalo na at bagay naman sakin ang mababang buhok.

These past few months I noticed myself slowly turning into someone ain't I am. Ibang-iba ako sa dating ako, hindi ko kayang mag-ayos dati. Halos 'di rin makabasag pinggan sa bait. Charot!

Unti-unti kong na aadapt ang mga gawi nila Shannon. Mag bago man ang panlabas na anyo ko, hindi ko mababago ang totoong ako. Hindi ko makakalimutan kung bakit ako naririto.

One Way to You (Architect Series #1) [Self-published]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz